00:00Nababahala ang Kamara sa plano ng Senado na pagbotohan na ang gagawing aksyon sa ruling ng Korte Suprema
00:05na unconstitutional ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at hindi nahintayin ang gagawin ng Kamara.
00:12Ayon sa tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Avante,
00:16hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema at aapila pa ang Kamara.
00:21Ano man anyang premature actions tulad ng pagboto ng Senado na hindi ituloy ang impeachment trial
00:25ay pagsasawalang bahala sa due process.
00:28Pag-araw maging political shortcut ito na magpapahina sa papel ng Kamara.
00:34Nanawagan sila sa mga senador na magpasensya at hayaang gumulong at matapos ang judicial process.
00:41Ayon kay Representative Terry Redon, Chairman ng House Committee on Public Accounts,
00:45ipapasa ang motion for reconsideration bago ang deadline sa August 9.
00:50Tila pinahirapan daw ng Korte Suprema ang pag-impeach sa matataas sa opisyal.
00:54Sinusubukan naming kunan ng pahayagang Senado kaunay nito.
00:57Naunang napagkasunduan ng mga senador na magdebate at aksyonan ng impeachment sa August 6.