Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyak ng International Criminal Court na tinututokan nila ang kalusugan ng lahat ng nakadetain sa kanilang pasilidad.
00:06Kasunod nito ng pagkwestiyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng ICC na tiyakin ang kaligtasan ng dating Pangulo.
00:13Nakatutok si Dano Tingcunco.
00:20Kahapon, ibinunyag ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Vice President Sara Duterte at Legal Counsel na si Atty. Nicholas Kaufman
00:28na nalaman nilang isinailalim ang dating Pangulo sa laboratory test para sa cranial at brain injury matapos daw mawala ng malay.
00:36Sabi ng kanyang kampo, hindi sila sinabihan agad ng International Criminal Court tungkol dito.
00:41Kaya kinu-question nila ang kakayahan ng ICC na tiyakin ang kaligtasan ng dating Pangulo.
00:46Ultimo iniindang ingro na kuko ni Duterte at pangangailangan niya ng caregiver, hindi raw agad matugunan ng ICC.
00:53Sabi pa ni Kaufman, pagod na anya ang dating Pangulo sa pagkakapiit niya at iniinda mga karamdamang may kinalaman sa kanyang katandaan bagay na batid anya ng gobyerno.
01:05Panawagan ng bisi sa ICC, itama ang anya ay gross injustice sa ama.
01:10Sa pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News, tumanggi ang tagapagsalita ng ICC na magkomento sa pribadong sitwasyon ng kanilang detainee bilang paggalang sa right to privacy.
01:19Sumusunod daw sila sa mga patakara ng Rome Statute at International Standards kaugnay sa consular access ng isang detained person na mahigpit daw na isinasagawa alinsunod sa pagpayag o hiling ng detainee.
01:32Tinututukan daw ng ICC ang physical at psychological well-being ng lahat ng detainee.
01:37Sabi ng DFA, professional, non-intrusive at respectful ang naging pagdalaw sa dating Pangulo ng Career Consular Officials ng Embahada sa Netherlands at hindi ng sinasabing agents ng pamahalaan.
01:51Nilinaw rin ni ICC-listed counsel, Atty. Gilbert Andres, na legal at na ayon sa batas at international law ang pagbisita ng kahit sinong kinatawa ng gobyerno ng Pilipinas kay Duterte kung pinahintulutan niya ito.
02:04At the end of the day, it's the detainee who will determine that. Hindi po yung pamilya niya, siya po yung subject po ng regulations at procedure po ng ICC.
02:15Sinabi rin ni ICC Assistant to Council at Atty. Christina Conti, dapat alam ng mga Duterte at kampo nito na hindi nabubuyo ang ICC sa propaganda o public clamor.
02:27At ang anumang impormasyon sa kondisyong medikal ni Duterte, idinidiretsyo sa korte.
02:31I'm cautioning them against possible repercussions in the ICC case. Kung posibleng masilip ito ng ICC, kilalaning bilang interference in the case. The ICC frowns upon those kinds of activities.
02:48Kung meron man daw nagnanais na manatiling malusog si Duterte, ito ay ang mga pamilya ng mga biktima ng kanyang war on drugs.
02:55Lagi nilang panalangin ay matuloy ang trial at para matuloy ang trial, dapat buhay si Duterte.
03:02September 23, unang itinakda ang confirmation hearing ni Duterte pero ipinagpaliban nito ng ICC dahil sa hiling ng kampo ni Duterte na indefinite adjournment dahil hindi na raw siya fit na dumalo sa pagdinig.
03:16Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkungko nakatutok 24 oras.
03:25Sampai jumpa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended