Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maginahapon po, isa na namang isidente ng pangaharas ng mga Chino sa West Philippine Sea.
00:06Sugatan ang tatlong Pilipinong mangingisda matapos i-water cannon habang nangingisda sa Sabina Shoal.
00:12Ang sabi ng Philippine Coast Guard, ito ang unang beses na derechahang tinarget ng China ang mga Pilipinong mangingisda.
00:20Wala sa West Philippine Sea, nakatutok live si EJ Gomez.
00:24EJ.
00:24Pia, Ivan, tatlong mga Pilipinong mangingisda nga ang sugatan matapos silang derechahang bombahin ng China Coast Guard gamit ang isang water cannon habang nangingisda sila sa bahagi ng Sabina Shoal dito sa West Philippine Sea hapon nitong biyernes.
00:54Yan ang eksena ng mga Pilipinong mangingisda nang derechahan silang bombahin ng water cannon ng China Coast Guard pasado alauna ng hapon kahapon.
01:05Sa isa pang video, kita ang aktual na paglabas ng malakas na bomba ng tubig mula sa CCG vessel na 21559.
01:14Ayon sa Philippine Coast Guard, nangingisda lang ang mga mangingisda nang mangyari ang insidente.
01:19Ayon sa PCG, dalawang bangka ng mga Pilipinong mangingisda ang tinamaan.
01:24Isa raw sa mga ito na puno ng tubig na posibleng ikasira ng engine nito.
01:29Tatlong mangingisda ang sugatan.
01:32Nagtamu sila ng sugat, galos at gasgas sa iba't ibang parte ng katawan.
01:37Binigyan sila ng pangunang lunas ng PCG kaninang umaga.
01:41Sabi ng PCG, ito raw ang unang beses na derechahan anilang tinaryet ng China ang mga Pilipinong mangingisda.
01:48Bago nito, hinaras din daw ng China ang PCG vessels na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
01:55Narito ang pahayag ni PCG spokesperson, Commodore J. Tariela.
01:59They were being bullied.
02:01They were subjected to water cannon attack and dangerous blocking maneuver.
02:06This was done by China Coast Guard 21559 and 21562.
02:11These China Coast Guard vessels launched their rigid hull inflatable boats with the intention of cutting their anchor lines nung nakatali sila sa loob ng bahura ng Sabina Shore.
02:26Atin pong barko sa Philippine Coast Guard ay hindi rin nakaligtas sa dangerous maneuvering ng China Coast Guard 21559, 5204, and 21562.
02:37Dahil sa gitna ng kadiliman, kagabi, they came as close as 35 yards to block the Philippine Coast Guard in proceeding to the location of the Filipino fishermen.
02:49Pia Ivan, sabi pa ng PCG, seryosong paglabag sa karapatang pantao para sa mga Pilipinong mangingisda ang ginawang pangharas ng China.
03:02Siniguro naman ang PCG nakatuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at iba pang ahensya ng Philippine government
03:09na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya para masiguro na ligtas at malayang makakapangisda ang mga Pilipino o kababayan natin dito sa West Philippine Sea.
03:19Mula po dito sa West Philippine Sea at para sa GMA Integrated News.
03:24EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:29Maraming salamat, EJ Gomez.
03:30Maraming salamat, EJ Gomez.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended