Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang water spout o ipo-ipo ang namataan sa laot ng Atimonan Quezon kanina tanghali.
00:10Ayon sa kumuha ng video, nagpipiknik silang pamilya sa beach ng Lumitawito.
00:15Tumagal daw ang ipo-ipo ng magigit sampung minuto hanggang sa unti-unting maglaho.
00:21Nang mawalay sa karaw bumuhos ang malakas sa ulan.
00:23Malagim ang sinapit na isang rider na pauwi na galing sa road trip.
00:31Nagulungan siya ng kasabay na jeepney.
00:34Nakatutok si Nico Wahe, Exclusive.
00:38Nagsasakay ang jeepney ito kanina umaga sa kahaba ng MacArthur Highway sa Kaluokan.
00:43Pagsakay ng pasahero saka ito o marangkada.
00:46Kasabay niya ang ilang motorsiklo sa katabing lane.
00:48Maya-maya, isa sa mga motorsiklo sa katabing lane ang biglang sumemplang.
00:53Ang jeep tila umangat.
00:55Sa video ng isa sa mga saksi, makikita ang pumailalim ang rider sa jeep.
00:59Nakadikit na ang kanyang ulo sa gulong.
01:01Kakalabas lang daw ng jeep eh.
01:03Tapos yung driver ata ng babae yung may ano kasi dumulas tapos pumasok siya sa ilalim.
01:08Tapos buti na lang yung jeep driver.
01:10Mayroon siyang jack, nabilis niya lang napataas yung ano, natanggal yung...
01:14Kasi nga yung ulo niya doon mismo sa gulong, tumabingi.
01:17Ayon sa MMDA na nasa lugar na mangyari ang insidente.
01:21Nakita ko na lang, nakatumba na yung inmax na dinadrive yung babae.
01:27Tapos napailalim na siya sa jeep.
01:30Sabi po ng driver, di naman daw niya nasagi.
01:34Bale, nag-loss control po yun.
01:36Inialis agad ang biktima sa ilalim ng jeep at dinala sa pagamutan.
01:40Pero i-dineklarang dead on arrival.
01:42Ang biktima, tuluyan palang nagulungan sa ulo.
01:44Ayon sa Kaloocan Police, galing daw sa road trip ang biktima at pauwi na sana sa Marilaw, Bulacan.
01:50Ayon sa kamag-anak ng biktima na galing sa malayong biyahe.
01:56Kaya dumating sa puntong nakatulog o napagod ito at biglang tumumba sa tagilira ng jeep.
02:08Na akmanamang yung jeep katabi niya at pumailalim dun sa at naipit ng kaliwang bahagi ng gulong ng jeep.
02:17Gano'n rao kalayo, sir? Sinabi ba kung saan pumunta?
02:21Ah, barang marilaki po, biyahe.
02:24Hindi pa raw nag-aharap ang pamilya ng biktima at driver ng jeep na nasa kustudiya ngayon ng Kaloocan Police.
02:30Tumanggi namang magbigay ng pahayagan driver ng jeep.
02:33Para sa GMA Integrated News, Niko Ahe, nakatutok, 24 oras.
02:37Tila bayani para sa mga fur baby ang magpartner na OFW sa Kuwait.
02:45Mui sila sa Cebu, dala ang mga sinagip ni laroong isang dosenang aso.
02:51Yan ang usapang pet si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
02:59Sa pag-uwi mula Kuwait ni Donabel at Jeff, may kasama silang labindalawang aso.
03:05Kwento ni Donabel, inabandon na sa labas ng kanilang opisina sa Kuwait ang mga aso noong tuta pa sila.
03:13Nang dumami, ay nagpagawa sila ng shelter pero naghigpit daw ang Kuwait at nag-abisong gigibain ang shelter.
03:22Kung wala raw kukukup sa mga aso, pakakawalan sila sa disyerto.
03:26When I look at them, I was thinking, ako na lang tamong ikuan, i-let go, balik mo sa disyerto.
03:34I cannot let them go.
03:36Dahil pamilya na raw ang turing nila sa mga aso, sinagip nila ang mga ito sa tulong ng mga taong nagmalasakit.
03:44Pag-uwi sa Cebu nga Cebu, nagpagawa si Donabel at Jeff ng dog sanctuary.
03:51Naiwan pa sa Kuwait ang labing isa pang aso na dadalhin din daw nila sa Cebu nga para makasama sa bago nilang tahanan.
03:59You don't need to be an animal lover, a dog lover. It's humanity, Mangud. It's a humanity.
04:07And you know, if you see someone who's in need, help.
04:11If there is really an opportunity for us to extend the help or adapt a rescue dog in any case scenario na pwede na ito ma, you know, that we can help, grab the opportunity.
04:25Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Alan Domingo na Katuto, 24 oras.
04:32Ganap ng batas ang Open Access in Data Transmission Act o Konektadong Pinoy Law.
04:41Nag-lapse into law na ito ay ang Kipanas Press Officer Yusek Claire Castro.
04:45Layan ang batas sa palakasin ng internet connection sa bansa, lalo sa mga liblib na lugar.
04:50Sa ilalim nito, hindi na ire-require ang mga nais maging internet provider na makakuha ng legislative franchise o prangkisa mula sa kongreso.
04:57So, inapila noon ang isang grupo ng telco na hindi ito patas dahil pinaghirapan daw nilang makakuha ng legislative franchise na nagsisilbi rin daw nilang proteksyon.
05:08Dating sinabi ng DICT na mga servisyong limitado sa internet o data ang hindi na ire-require na magka-prangkisa.
05:16Inihirit din ang ilang stakeholder na maayos ang regulasyon sa utility pole rental o UPA sa pagkakabit ng internet line sa poste ng kuryente.
05:24Bukod dyan, dapat daw may cyber security measures sa mga papasok sa sektor at managot ang mga telco kung may mga kapalpakan sa kanilang servisyo.
05:34Nakakuha ng DICT na isa sa alang-alang nila ang mga ito sa paggawa ng IRR o Implementing Rules and Regulations.
05:44Beautiful in blonde and in her skin tone suit si Harleen Budol sa kanyang 20-something birthday pictorial.
05:50Very nostalgic naman ang coffee bonding ni na Barbie Forteza, Bea Binene at Joyce Ching, ang stars ng 2010 kapuso youth-oriented show na Twin Hearts.
06:05Spotted naman together sa Thailand si na Heart Evangelista at its Showtime host Anne Curtis.
06:11Very chic ang dalawa sa photos na sinare ng kapuso fashion icon.
06:15Meanwhile, naka-wellness trip si Sangre Terrabiang Kaumali sa Bali, Indonesia.
06:23Sinare niya ang kanyang activities tulad ng motorcycle ride at mga workout kabilang ang pilates.
06:29In Hollywood news, baby Bieber just turned one.
06:36Sa post ng misis ni Justin na si Hailey Bieber, nagbabahagi siya ng snaps with their beautiful boy na si Jack Blues.
06:43Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
06:46Parang dance championship ang effort ng maestudyante sa isang paralan sa Negros Oriental.
06:58Pero ang kanilang sinalihan, paper dance with a twist.
07:02Todo talon at buhat ang mga senior high students na ito sa Dumaguete City.
07:13At imbis na dalawa, tatlong tao ang dapat magkasa sa tinukuping dyaryo.
07:19Pasan kung pasan ang dapat gawin ng mga kalahok sa palaro na isinagawa sa kanilang acquaintance party.
07:25Ang mga lalaki todo effort sa pagbuhat sa isa't isa.
07:29Sa huli, ang all-girls team ang nagwagi.
07:35Nanaig pa rin siguro yung miskarpen o hindi nadaan sa lakas.
07:38Oo nga.
07:40At ito naman po, tataasan na po ang minimum na buwanang sahod ng mga domestic helper
07:44basta sa anunsyo ng Department of Migrant Workers.
07:48May mga annual medical check-up din para sa kanila at tagdag proteksyon laban sa mga kaso ng pang-aabuso.
07:53Nakatutok si Marisol Abdurama.
07:55Mula 400 US Dollars o 22,700 pesos, magiging 500 US Dollars o mahigit 28,000 pesos na
08:06ang minimum na buwanang sahod ng mga domestic helpers ebang bansa.
08:10Ito ang inanunsyo ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak.
08:14Ang taasahod ay bungaraw ng kanilang konsultasyon at pakikipag-usap sa mga stakeholder.
08:30Domestic workers belong to what we call elementary occupations and belong to the vulnerable skill sets, skill categories.
08:43So we need to provide greater protection to domestic workers.
08:48Pukod sa salary increase, kabilang din sa enhanced reform para sa mga domestic helper ang annual medical check-up.
08:55Bagang madolontari basis pa raw ito sa ngayon.
08:57Sa ngayon, nasa 200,000 ang bilang ng mga domestic helper na nakadeploy sa iba't-ibang panig ng mundo.
09:04Bagamat nasa 20 to 30% lang ito sa kabuang bilang ng mga OFW, itinuturing silang mga vulnerable.
09:12Ayon kay Kakdak, may mga sumbong pa rin silang natatanggap hinggil sa pang-aabuso sa mga domestic helper.
09:18Tulad ng paglabag sa mga kontrata, walang maayos na pagkain at pahinga,
09:21pagtatago sa passport, physical at emotional abuse at iba pa.
09:26Kaya kabilang daw ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFW,
09:29ang pagsasagaw muna ng videoconferencing sa employer bago pirmahan ang kontrata.
09:34Meron ding implementasyon ng Kumusta Kabayan,
09:37kung saan magkakaroon ng digital monitoring system sa mga domestic helper.
09:41Pinirmahan na ni Kakdak ang advisory sa Enhanced Reform Program.
09:44Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
09:53Hinihikayat ang mga kabataan ngayon na matutong mag-ingles,
09:56pero ang ilan, tila mas nahasa pa sa ingles kaysa sarili nating wika.
10:02Pag-usapan natin sa pagtutok ni Von Aquino.
10:07Next time ha?
10:10Dapat you know how to maneuver your bike?
10:13You know how to, what we call this, you know how to discate.
10:21Simo bike, you know how to play your bike intelligently.
10:28Ayan, nakatikim ng sermon si Apo kay Lolo.
10:31Pero parang na-nosebleed siya.
10:34Be strong ha, be strong.
10:36I don't want you to go on and try it, ha.
10:38Para pangaralan ng apong si Flynn matapos mahulog sa bike,
10:42napasabak sa inglesan si Lolo Ben ang Panabo Davao del Norte.
10:47Nakakaintindi naman daw si Flynn ang misaya, pero mas fluent siya sa English.
10:51Gaya rin niya ang maraming kabataan ngayon na mas bihasa sa pakikipag-usap sa English
10:56kaysa Filipino o local language.
10:58May pagkukulang o kakulangan sa pagtuturo maging sa bahay o sa paaralan.
11:05At syempre, marami pang iba mga internet na babasa sa internet na papanood mula umaga hanggang gabi.
11:17May tayo, maging tayo na mga may nasa tama o hustong gulang na ay punong-puno
11:25o tinatawag ko bombarded na tayo ng mga banyagang wika.
11:33Pero ayon sa Komisyon sa Wikang Pilipino,
11:35intact pa naman o buo pa ang ating linguistic integrity base sa pagsusuri ng UNESCO.
11:40Lahat po ng Pilipino, maliban sa mga paslit na hindi nagsasalita pa ng tuwid na Pilipino,
11:48ay nagkakaunawa ng salitang Pilipino.
11:53At kung may kakayanan na magsalita, ay kayang magsalita ng Pilipino.
11:59At kung sino man ang kanyang kausap, ay nagkakaintindihan po sila.
12:04Sabi ng Komisyon sa Wikang Pilipino,
12:05hindi naman kailangan gumamit ng mga malalalim na salita sa pakikipag-usap sa Wikang Pilipino.
12:11Ang simpleng paggamit lang nun ito sa loob ng bahay, sa trabaho, sa paaralan
12:15at ang pagtuturo nito sa mga nakababata ay malaking tulong na
12:19para mapayabong at manatiling buhay ang ating pambansang wika.
12:24Para sa GMA Integrated News, Von Aquino, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended