Skip to playerSkip to main content
Sa mga magbabakasyon sa Eastern Visayas, umabot bago mag-Pasko ang pagbubukas ng San Juanico Bridge sa mga sasakyang may 15 tonelada ang bigat gaya ng mga bus. May mga bahagi pa ring inaayos at mahigit P1 bilyon ang gastos. Ayon sa pangulo, ‘di aabot sa ganiyan kung walang katiwalian.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa mga magbabakasyon sa Eastern Visayas, umabot bago magpasko ang pagbubukas ng San Juanico Bridge.
00:06Sa mga sasakyang may 15 tonelada ang bigat, gaya ng mga bus.
00:10May mga bahagi pa rin inaayos at mahigit 1 bilyong piso ang gastos, ayon sa Pangulo.
00:15Hindi aabot sa ganyan kung walang katiwalian.
00:18Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:24May mahigit 6 buwanding na antala ang normal na daloy ng trafico sa San Juanico Bridge.
00:28Tulay na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Leyte at Samar sa Eastern Visayas.
00:33Mayan ng taong ito, matapos ang structural assessment, tumambad ang mga pinsala sa tulay na itinayo noon pang dekada 70
00:40at may mga bahagi nito ang mahina na.
00:43Dahil hindi naligtas ayon sa DPWH, agad na nagpatupad ng tatlong toneladang limit sa mga sasakyang pwedeng dumaan sa tulay.
00:50Mga malilita sasakyan lang tulad na mga kotse, jeep at van at one-way pa.
00:55Ipinag-utos noon ng Pangulo ang agarang rehabilitasyon ng tulay.
00:59At ngayong araw, December 12, itinaas sa 15 toneladang limit na mga pwedeng dumaan.
01:05Two-way traffic na rin ang kaya.
01:07Pwede nang dumaan ang mga six-wheeler at mga pampaserong bus.
01:10By Christmas time, by New Year, makakatawid na yung mga cargo truck natin na dati ay hindi nakatawid.
01:18Kailangan pa magroro at umikot sa mga ibang port na ginawa natin.
01:23Ngayon, ay mababawasan na yun.
01:25Naging malaking dago kalimitadong kapasidad ng San Juanico Bridge sa ekonomiya ng regyon.
01:30600 milyon kada buwang kawalan basis sa pagtaya ng NDRMC.
01:35Ang mga nagkocommute kasi, nagpapalipat-lipat ang sasakyan.
01:39At ang mga kargamento at produkto isinasakay sa barge at kinailangang idaan pa sa mga pantalan.
01:44Ang mga bakal na yan sa ilalim ng tulay ang ginawang agarang solusyon ng DPWH
01:50para tiyaking ligtas sa mga daanan ng San Juanico Bridge na two-way traffic
01:54at para sa mga sasakyan may hanggang 15 tonelada ang bigat.
01:59Pero magpapatuloy ang rehabilitasyon ng tulay at inaasahang sa third quarter ng susunod na taon
02:05ay may babalik sa orihinal na kapasidad ang tulay na hanggang 33 tonelada.
02:10Ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge sinimulan bago pa man pumuntok ang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura.
02:18Pero ayon sa Pangulo, katiwalian pa rin ang dapat sisihin kung bakit napabayaan ng tulay
02:23at kinailangang gaso sa ng 1.1 billion pesos ang rehabilitasyon nito.
02:27That is money that we could have saved if proper maintenance was carried out on San Juanico.
02:35We would not have to do any of this kung yung every three years iniinspeksyon, inaayos, wala tayong gagastasin na kahit nano.
02:45Kasama ng Pangulo sa inspeksyon ngayong umaga si Public Works Secretary Vince Dizon
02:49at si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.
02:52Wala ang kinatawa ng 1st District ng Leyte na si Representative at dating Speaker Martin Romualdez.
02:56Kasunod ng pagbisita sa Tacloban, nagtungo naman ang Pangulo sa Maculod City.
03:02Una para inspeksyonin ang nagpapatuloy ng off-line kontrabahan ng lungsod
03:05sa paglilinin sa mga daloyan ng tubig na magtatagal hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.
03:12Isang mambulok-click sa mga priority waterways sa lungsod na bahagi ng mga solusyon sa mga pagbaha.
03:17Kasunod yan ay sinilip ng Pangulo ang pagpapalawak at pagpapaganda ng Banago Port sa lungsod.
03:23Layon itong mas iangat ang antas ng servisyo ng Banago Port na pangunahim pantalan
03:27hindi lang para sa mga pasahero kundi maging sa mga roro at produktong agrikultural tulad ng asukal.
03:34Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended