Skip to playerSkip to main content
EXCLUSIVE: Sinalakay ng mga awtoridad ang isang ilegal na pagawaan ng mga paputok sa Cabuyao, Laguna. Wala na ngang permit, nagkalat pa ang mga upos ng sigarilyo. Delikado ito dahil minsan nang may sumabog sa lugar at may mga nasawi pa. Siyam ang arestado sa raid habang sinagip naman ang mga nagtatrabahong menor de edad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sinalakay ng mga otoridad ang isang iligal na pagawaan ng mga paputok sa Kabuyaw, Laguna.
00:10Wala na ngang permit, nagkalat pa ang mga upos ng sigarilyo.
00:14Delikado, lalot minsan ang may sumabog sa lugar at may mga nasawi pa.
00:19Siya mang arestado sa raid habang sinagip naman ang mga nagtatrabahong menor de edad.
00:24At nakatutok si John Consulta, exclusive.
00:30Sa surveillance video ng PNP Regional Intelligence Division 4A,
00:34makikita ang ilang lalaki habang nakabreak sa isa o manong iligal na pagawaan ng paputok sa Kabuyaw, Laguna.
00:40Ang lugar ang target sa nakuwang search warrant ng Calabarzon Police.
00:46Dahil pagawaan ng paputok ang pupuntahan,
00:49kinolekta muna ang mga lighter at sigarilyo mula sa operating units para makaiwas sa peligro.
00:54Pagdating sa pakain na compound,
01:00nagkarat sa paligid ang ilang upos ng sigarilyo.
01:10Sa loob ng mga bahay at barong-barong,
01:13tumambad ang sangkaterbang raw materials ng paggawa ng paputok tulad ng mga basyo at mga pulbura.
01:19Merong nag-report sa atin, isang concerned citizen na meron nga silang napansin na gumagawa ng mga firecrackers.
01:28Itong ating mga kapulisan sa tulong din ng ating RCSU, which oversees the firearm explosive office.
01:38Nag-apply sila ng search wala.
01:41Sa kabilang bakod, nakalatag naman ang mga pinapatuyong pulbura.
01:45Di raw alam ng may-ari ng lupa na ginagamit ang kanyang property sa paggawa ng paputok.
01:50Sa unang tingin mga kapuso ay akalain mong isang ordinaryong van lang itong sasakyan ito
01:55na nakaparada sa loob ng property na pinasok ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 4A ng PNP Calabarzon.
02:02Pero alam niyo ba, nung kanilang itong buksan at silipin ang pinakaloob,
02:07nako ito, tumambad na ang napakaraming mga drum na ang laman, lahat ay puro pulbura.
02:15Na ayon sa mga otoridad, dapat nasa maayos na storage itong mga pulburang ito.
02:22Kung kaya ayon sa kanila, ito ay maliwanag na paglabag sa ating batas.
02:27Nang aming tanongin ang may-ari kung ano ang kanyang hawak na permit,
02:31Anong mayroon lang po talaga tayong permit dito, sir?
02:35Ano yung dealer at saka retailer.
02:40Retailer? Sa manufacturing, sir?
02:42Hindi pa nalabas yan sa karami.
02:44Wala pa ako yung permit ng manufacturing.
02:47So bakit kayo tayo gumagawa, sir, kung wala pa kayong permit ng manufacturing?
02:51Hindi kami naman po ay nag-iingot dito sa mga distansya.
02:56Ang ni-raid na compound ng mga pulis, ang siya ring lugar na sumabog noong February 2024
03:00dahil sa paggawa ng iligal na paputok.
03:04Anim ang namatay sa insidente niyon, kabilang ang isang apat na taong gulang na bata.
03:09Malaking-malaking pasasalamat po sa ating kapulisan sa mabilisang aksyon
03:13na nagsagawa po sila agad ng search warrant po dito sa area na ito.
03:19Kaya po para rin po natin maiwasan na hindi na po maulit yung nangyari na maraming nagbuhis ng buhay
03:27sa iligal na paggawaan po ng paputok.
03:30Siya mga arestado sa operasyon habang sinamsam naman ang lahat ng mga materyales
03:34sa paggawa ng iligal na paputok.
03:37Bistado rin ang pagkatrabaho rito ng ilang minor de edad.
03:40Ako'y nanawagan sa ating mga kapabayan na kung meron silang napansin,
03:45ipagbigay alam ka agad nila sa ating mga kapulisan.
03:49All of the reports, itutreat natin with the full confidentiality.
03:54Para sa GMA Interviewed News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended