Skip to playerSkip to main content
-Mahigit P190,000 kita ng tindahan at P7,000 halaga ng cellphone, natangay ng lalaking nanloob


-Pag-atake ng mga pesteng kuhol sa mga palayan sa Brgy. Lanas, problema ng ilang magsasaka


-Babae, patay matapos martilyuhin sa ulo at saksakin ng nagpakilalang nobyo/Suspek, sumuko at umaming pinatay ang babae; anak ng biktima na nakasaksi sa krimen, isasailalim sa psycho-social intervention


-Pinaglalamayang bangkay, nadamay sa sunog kung saan ito nakaburol


-Hornbill o kalaw, binaril at kinain umano ng isang lalaki sa Brgy. Sicalao


-19-anyos na lalaki, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa Upper Gusa; posibleng nadamay sa away ng nakababatang kapatid


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06May inita balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Nahuli kamang panaloob na isang lalaki sa isang establishmento sa San Fernando, Pampanga.
00:16Chris, may natangay ba yung suspect?
00:20Rafi, natangay ng lalaki ang mahigit sa isang daang libong pisong kita ng establishmento sa Barangay Santo Niño.
00:26Sa kuwating CCTV, makikita ang lalaki na pilit na binubuksan ang sliding window ng tindahan.
00:33Nang mabuksan yun, dumiretsyong sospek sa mga vault at nilimas ang pera,
00:38pati na ang isang cellphone na nagkakahalaga ng 7,000 piso, saka tumakas sakay ng motorsiklo.
00:45Ayon sa pulisya, posibleng pinag-aralan ng sospek ang galaw ng operasyon at seguridad ng tindahan.
00:51Patuloy ang kanilang follow-up operasyon, wala pagpahayag ang pamunuan ng ninakawang establishmento.
00:58Dito naman sa pangasinan, namomoblema ang ilang magsasaka sa Barangay Lanas sa Mangaldan
01:03dahil sa pamimeste ng kuhol sa kanilang palayan.
01:08Kwento nila, malaking tulong ang sapat na patubig mula sa irigasyon.
01:11Pero kapag sumobra ang dumadaloy na tubig, doon na raw umaatake ang mga pesteng kuhol hanggang maubos ang kanilang itinanim na palay.
01:21Ayon sa Mangaldan Municipal Agriculture Office, batid na ng mga magsasaka ang gagawin dahil sumailalim na sila sa intervention kaugnay nito.
01:30Kapag napabayaan kasi, kokonti ang kanilang ani.
01:34Namahagi na rin ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at kooperatiba ng mahigit 2,000 pataba pangontra sa kuhol.
01:42Ito ang GMA Regional TV News.
01:48May init na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
01:53Pinatay sa pukpok ng martilyo at saksak ang isang babae sa Cebu City.
01:58Cecil, nahuli na ba yung sospek?
02:02Rafi, sumuko kalaunan at umamin sa krimen ang sospek na nagsasabing nobya niya ang 24-anyos na biktima.
02:09Kwento ng sospek, tinuntahan niya ang biktima sa bahay sa Barangay Careta dito sa Cebu City.
02:15May dala raw siyang bulaklak at tsokolate para sa kanilang monstery.
02:19Pero tinanggihan ang mga ito ng biktima at sinabing may iba ng karelasyon.
02:24Doon na raw nagdilim ang paningin ng sospek.
02:26Na-recover sa lugar ang ginamit na martilyo at patalim.
02:30Mahaharap ang sospek sa reklamong murder.
02:33Isa sa ilalim naman sa psychosocial intervention ang anak ng biktima na nakasaksi sa krimen.
02:43Namatayan na nga na sunugan pa ng bahay ang isang pamilya sa Cordoba dito sa Cebu.
02:48Nadamay sa sunog ang pinaglalamayan na bangkay ng anak ng mag-asawa.
02:53Ayon sa ina, agad niyang inilabas ang mister na PWD habang sinusubukan nilang apulahin ang apoy.
03:01Hindi na nailabas ang kabaong ng yumaong anak na nakaburol sa bahay.
03:05Sabi ng mga bumbero, hindi agad na i-report sa kanila ang sunog.
03:10Napabayaang katol ang tinitingnang pinagmulan ng apoy.
03:14Nagabot ng tulong ang lokal na pamalaan sa pamilyang na sunugan.
03:17Magbibigay rin daw sila ng housing materials para muling makapagpagawa ng bahay.
03:25Ito ang GMA Regional TV News.
03:30Isang patay na hornbill o kalaw ang nadiskubre sa barangay si Kalaw sa Las Sam, Cagayan.
03:36Ayon sa isa ang kaakibat Biodiversity Watch Volunteer,
03:40bina rin ang isang dalaki ang kalaw gamit ang airgun.
03:42Pagkatapos ito, kinatay ang ibon sa may batis at niluto umanong pang ulam.
03:48Tanging tuka at mga paana lamang ang natira.
03:51Mga kapuso, bawal po yan.
03:53Dahil itinuturing na vulnerable species ang Northern Rufous Hornbill,
03:58ayon sa International Union for Conservation of Nature o IUCN.
04:04Ibig sabihin, mataas ang pangalib na ma-extinct o mawala na ang uri ng ibon na yan.
04:09Kaya bawal itong hulihin, patayin at ibenta sa ilalim ng Wildlife Conservation Act.
04:16Wala ng buhay at nakagapos ang mga kamay nang matagpuan ng isang lalaki sa Cagayan de Oro City.
04:23Ayon sa nakakita sa biktima, nagpapastol sana siya ng kanyang baka sa damuhan
04:28nang mapansin niya ang isang nakaparadang motrosiklo sa gilid ng kalsada.
04:32Nang lapitan niya yun, doon niya nakita ang bangkay ng lalaki na taddad ng saksa.
04:37Kwento ng ina ng biktima, nagpaalam ang anak na pupunta sa kabilang bahay para maghatid ng kumot sa kanyang kapatid.
04:45Isa sa mga tinitingnan ngayon ng pulisya ang mga nakaaway umanog ng nakababatang kapatid.
04:50Pusibling na damay raw sa away ang biktima.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended