00:00Napatay ang Assistant Detachment Commander na isang Philippine Army Patrol Base sa Rodriguez Rizal.
00:06Depensa ng mga naarestong suspect, hindi nila intensyong pagbabarili ng biktima na sinisita ang kanilang pag-inom ng alak.
00:14Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:19Nakabulagta sa may batuhan ang isang lalaki ng matagpuan ng mga otoridad sa patrol base makaingala ng Philippine Army sa Barangay Puray, Rodriguez Rizal,
00:28madaling araw kahapon.
00:30Ang biktima, miyembro ng ATH Infantry Battalion ng 21st Division Philippine Army at Assistant Detachment Commander mismo ng patrol base ayon sa pulis siya.
00:41Nasawi ang 35-anyos na biktima matapos siyang pagbabariling umano ng tatlong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary o CAA.
00:51Basis sa investigasyon ng Rodriguez Police, sisitahin daw sana muli ng biktima bilang Assistant Detachment Commander ang tatlong CAA members na madalas mag-inuman nang bigla na lang siyang pinagbabaril.
01:05Bago niya sitahin, pinaputokan na po siya ng issued firearms ng suspect.
01:12Yung ginamit na baril ng ating suspect is yung issued firearms niya na M16 at sa dalawa po, lumalabas din po na ginamit po rin itong pagpapaputok ng kanilang issued firearms na M14.
01:25Marami hong tama ng bala. So halos buong magazine.
01:29Dead on the spot ang biktima. Naggalat sa crime scene ang mahigit dalawampung basyo ng bala.
01:36Pusible raw motibo sa krimen ang kinimkim na galit ng suspect sa biktima ayon sa pulis siya.
01:43May mga insidente po na sinita po ng Assistant Detachment Commander yung suspect na kailang araw.
01:50At siyempre, dinisiplina, binigyan po ng punishment as part of the infraction na ginawa nung CAA.
02:00Yun po, nagkaroon po na kinimkim po siguro yung pagdidisiplina sa kanya, sama ng loob at nagkaroon po ng pagkakataon dahil yun din po.
02:09Base sa investigasyon, tumalabas na under the influence of liquor po yung mga suspect.
02:15So yun, binaril po yung ano yung biktima.
02:21Mismong mga kabaro raw ng mga suspect ang saksi at nag-report sa pulis siya ng insidente.
02:27Nadatna ng mga rumisponding polis ang mga tulog at nakainom na suspect sa kanilang kubo.
02:32Inaresto ang 27 anyos na bumaril sa sundalo, pati ang dalawang kasama raw niya sa pamamaril.
02:39Nakumpiska sa kanila ang mga ginamit na baril kabilang ang M16 rifle.
02:43Ayon kay Alya Spree, nagkainom din umano ang kanilang commander ng lapitan sila para sitahin sa inuman.
02:50Di man sana yun sinasadya, ma'am.
02:53Ang gusto niya rin kasi ka mangyari, ma'am, paalam sa kanya yung pagiinom.
03:00Lasing din siyang nagsabi. Nagiinom din siya.
03:05Na bigla lang po, ma'am.
03:07Hindi naman talaga target, ma'am.
03:09Sobrang nagsisisi talaga, ma'am.
03:12Umihingi ako ng taus-pusong pasensya sa nangyari na hindi naman kagustuhan.
03:18Ang dalawa namang kasama niya na aminadong nagpaputok din ang baril, sinabing hindi nila tinarget ang biktima.
03:26Kasi kala namin hinaras yung kampo. Kaya kami nagpaputok.
03:32Pinaputokan niyo ba yung ating commander?
03:35Hindi po.
03:35Ano po yung hindi po?
03:37Doon lang kami sa kubo namin eh. Hindi man doon sa tao yung anong namin na pinatamaan.
03:42Nakakulong ang mga suspects sa Rodriguez Police Custodial Facility.
04:01Sasampahan sila ng reklamong murder at illegal discharge of firearms.
04:05EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments