00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng mga oportunidad sa isang job fair sa Pasay City.
00:06Yan ang ulat ni Kenneth Pachente.
00:105 buwan ng walang trabaho si Yuriko matapos mag-resign sa dati niyang kumpanya.
00:15Target niya ngayong makahanap ng trabaho na mas malapit sa kanilang tinitirhan.
00:19Mahirap kasi Anya na walang pinagkakakitaan.
00:22Gusto ko na rin po tumulong sa pamilya ko.
00:24Kaya para makahanap ng oportunidad, maagang nagpunta si Yuriko sa isang mall sa Pasay City para sa Job Fair Plus e-Skills Holiday Career Fest na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:37Ang job fair ay pinagsamang inisyatiba ng privado at pampublikong sektor kapilang na ang Office of the President, DOLE, DICT, Private Sector Advisory Council o PISAC at iba pa.
00:48Tampok dito ang nasa 114 employers at mahigit 16,000 job vacancy.
00:54Ayon sa Pangulo, hakbang ito ng pamahalaan para matiyak na mas mailapit ang mga oportunidad, lalo na sa mga Pilipinong nagahanap ng regular na trabaho.
01:03In these times, when many Filipinos are having a hard time finding employment that matches their skills, their interests, and their aspirations,
01:12we are recognized that this is our responsibility to ensure that assistance is something that meets them wherever they are.
01:21Kaya po nandito tayo ngayon upang gawing mas madali, abot kamay, at makabuluhan ang pagkakataong maghanap ng trabaho.
01:30Malaking tulong po kasi po, hindi ko na po kailangan maganap ng iba't iba pong work po kasi nasa isang lugar na lang po siya.
01:36Pero bukod sa trabahong tampok, isa rin sa highlight ng aktibidad ang upskilling sa pamamagitan ng Skills E-Hub,
01:44isang proyekto ng DICT at ng pribadong sektor na nag-alok ng digital training program sa pamamagitan ng SPARK,
01:50Google Career Certificates, HP Life at iba pa para mapataas ang kalaman ng mga aplikante, lalo na ang kanilang digital skills.
01:57Mayroon ding AI-focused learning sessions na suporta sa mga manggagawa.
02:02Giit ng presidente, mahalagang mas mapalakas ang kasanayan ng mga manggagawa para masigurong makasabay sila at manatiling competitive sa makabagong panahon.
02:11Dahil ang trabaho ngayon ay mabilis ang pagbabago at ang mga pangangailangan na marurunong na gawin ang trabaho niyan.
02:22Tayong lahat ay nararamdaman natin ang bilis ng takbo at mga progreso ng teknolohiya.
02:28Kaya lahat ng sektor ng ekonomiya kailangan makapaghanap ng kanilang mga manggagawa, kanilang mga magiging empleyado
02:38na meron silang natutunan na mga skills training para bagay yung kanilang alam doon sa kanilang magiging trabaho.
02:49Ano ng bagay, sir, kapasaan mo na lang sila lahat. Kung matanggap man ako, sir, matanggap man ako sa trabaho.
02:57Muli namang kinilala ng Pangulo ang tulong ng pribadong sektor sa gobyerno para sa pagpalakas ng labor force.
03:04Kasabay ang pangakong patuloy na magsusumikap ang pamahalaan para sa pagpapaunlad ng business environment sa bansa.
03:10Be assured, this administration will continue to create a fair, transparent and enabling business environment.
03:19One that encourages both local and foreign investments and rewards persistence with progress.
03:25Bilang tulong sa mga aplikante, nagkaroon din ng one-stop shop para sa mga serbisyong pampamahalaan
03:31upang mapadali ang pagkuhan ng kanilang pre-employment documents.
03:35Ilan din sa mga nag-apply ang hired on the spot.
Be the first to comment