Skip to playerSkip to main content
Pinuna ng ilang mambabatas ang hindi pag-certify as urgent ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga panukalang tinukoy na priority bills. Ang sagot ng Malacañang, kailangan lang ‘yan kung may public calamity o emergency. Ang sabi naman ng isang analyst, tila nasa legacy building o pagbubuo na ng legasiya ang pangulo sa mga huling taon niya sa puwesto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinuna ng ilang mambabatas ang hindi pag-certify as urgent ni Pangulong Bongbong Marcos
00:07sa mga panukalang tinukoy na priority bills.
00:11Ang sagot ng Malacanang, kailangan lang yan kung may public calamity o emergency.
00:18Ang sabi naman ng isang analyst, tila nasa legacy building o pagbubuunan ng legasiya
00:24ang Pangulo sa mga huling taon niya sa pwesto.
00:27Nakatutog si Yvonne Mayrina.
00:30Pinamamadali ni Pangulong Bongbong Marcos sa Kongreso
00:35ang pagpasa sa apat na priority bills kontra sa korupsyon,
00:39ang kontra-dynacy sa politika,
00:41reforma ng partilist system,
00:43paglikha ng Independent People's Commission,
00:45at transparency sa pagugul ng pondo ng bayan.
00:49Pero niisa rito, hindi raw sesertipikahan bilang urgent ng Pangulo.
00:53Paliwanag dito ng palasyo.
00:55Malinaw din naman po ang sinasabi ng konstitusyon
00:57kung kailan lamang po, kailan kailangan mag-certify as urgent ng bill ang Pangulo.
01:04Ito ay kung may tinatawag at tinatawag ng public calamity or emergency.
01:11So, naaayon naman po sa konstitusyon ang ginagawa ng Pangulo.
01:16Pero matatanda ang sinertify as urgent ang 2024 national budget
01:20ng dinidinig sa Kongreso.
01:21Gayun din ang panukalang kalaunay lumikha sa Maharlika Investment Corporation.
01:27Dagdag pa ni ML Partilist Rep. Laila D. Lima na noong nakaraan,
01:31certified as urgent din ang mga panukalang batas sa lumikha sa Value Added Tax Law
01:35at sa Anti-Terrorism Act.
01:37Kaya ang tanong niya,
01:39hindi bang kasalukuyang katiwuli ang yumayanig sa bayan
01:41ang isa sa pinakamalaking public emergency sa bansa?
01:44Nakukulangan din kami kasi nga dapat sagad-sagaran na lang sana.
01:51What do I mean by that?
01:52Na dapat sinertify na niya diretsyo as urgent.
01:58Especially na limitado-limitado na ang panahon
02:02para i-consider or i-enact ang bill na yan.
02:07Ilang session days na lang, ilang working days na lang.
02:11Sa Article 6, Section 26 ng Saligang Batas,
02:15nakasaad na ang anumang panukala,
02:17dapat ipasa ng Kongreso sa first, second, and third reading
02:20ng tatlong magkakahiwalay na araw.
02:23Pero kapag sinertipikahan ng Pangulo na kailangan ipasa agad
02:26ang panukala upang makatugon sa isang public calamity o emergency,
02:29maaaring hindi sundin ang three-day rule
02:31at ipasa ang hakbang sa second and third reading
02:34sa loob ng isang araw.
02:36Si Congressman Paulo Duterte,
02:37tinawag na panglilihis lang ang anunsyo tungkol sa priority bills.
02:42Sabi niya,
02:43namamangha siya na tuwing umiinit ang usapin sa isyong mabigat
02:46para sa administrasyon,
02:48tila lagi may nakahandang pangligaw sa atensyon.
02:51Sagot ng Malacanang sa mga kumukwestiyon
02:53sa sinsiridad ng Pangulo.
02:55Hindi natin ma-equate na hindi seryoso ang Pangulo
02:58dahil kung hindi seryoso ang Pangulo,
02:59hindi niya na yan imimension pa sa LEDAC.
03:02Pwede naman niyang baligwalain itong mga batas na ito,
03:05itong mga bills na ito para asing wala lang nangyari.
03:08Pero pinrioritize, binanggit yung apat.
03:10So it means the President is serious on these bills.
03:14Gusto niya po ito mapag-aralan mabuti ng Kongreso
03:16at maipasa sa mas mabilis na panahon.
03:19Kung ganun at seryoso nga ang Pangulo.
03:21What's keeping the President from certifying this as an urgent bill, ma'am?
03:26Kailangan po kasi talagang aralin, himay-himayin.
03:30Ang bawat provisions na magiging bill, itong apat na bill na ito,
03:36mas maganda po kasi na maaral mabuti, mahimay,
03:40kesa madaliin at hilaw.
03:44Sa pananaw ng political analyst na si Ranjit Rai,
03:47ang timing ng anunsyo ng priority bills ay sumasalamin sa political pressure
03:51mula sa galit ng publiko sa katiwalian,
03:54sa mga panawagan mula sa mga religious at business groups,
03:57at nagbabagong mga alyansa habang papalapit ang eleksyon 2028.
04:01Pero maaring ito na ang naisiwang legacy o pamanan ng Pangulo
04:04na nakakabit sa pangmatagalang reformang naisipatupad sa gobyerno.
04:09Sa kanyang pinakahuling podcast kung saan nakapanayam siya ng mga college students,
04:13ipiniliwanag ng Pangulo ang kanyang pagnanais at dahilan
04:17sa pagpapatupad ng mga reforma.
04:19My hope and the reason the structural change is important is because
04:23kahit wala na ako rito,
04:25sana yung mga pagbabagong na simula namin o na tumatakbo na,
04:30matuloy-tuloy na para hindi na matanggal.
04:33Do it in such a way that it will continue.
04:36It will even get better, especially if we choose our president as well.
04:40Ang hakbang na ito ng Pangulo,
04:42hindi lamang para iligtas ang kanyang administrasyon,
04:45kundi ang buong struktura ng pamahalaan,
04:47ayon sa political analyst na si Julio Tijanque.
04:50What we are seeing here is not simply a crisis of the administration,
04:56but a regime crisis, a crisis of legitimacy
04:59that involves the very post-EDSA regime
05:06and the institutions within it.
05:09And at least these efforts to pass these reform packages,
05:16including the anti-political dynasty law,
05:19is an effort to restore trust in these public institutions.
05:24So, the president is not simply saving his administration,
05:30but he's trying to save the entire regime,
05:35the entire architecture of government.
05:39Para sa GMA Integrated News,
05:41Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended