Skip to playerSkip to main content
Handa umanong magpa-lifestyle check ang buong First Family. Tugon yan ng Malacañang sa isang ulat na ang distrito ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang may pinakamalaking natanggap na "allocable funds." Sinagot din ng Malacañang ang sinita ng Commission on Audit na may P14M 'di pa nakokolektang gastos para sa foreign trips ng ilang ahensya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handa umanong magpa-lifestyle check ang buong First Family.
00:05Tugun yan ang Malacanang sa isang ulat na ang distrito ni Olokos Norte First District Representative Sandro Marcos
00:11ang may pinakamalaking natanggap na allocable funds.
00:15Sinugot din ang Malacanang ang sinita ng Commission on Audit na may 14 milyong pisong
00:21hindi pa nakokolektang gastos para sa foreign trips ng ilang ahensya.
00:26Nakatutok si Mariz Umali.
00:30Sa gitna ng mga aligasyong maging sila ay sangkot sa korupsyon.
00:36Handa raw kumasa sa lifestyle check si na presidential son at house majority floor leader Sandro Marcos
00:41at ang buong First Family.
00:43Nandiyan na po yan. Wala mong pinagbabawa sa lifestyle check. Kahit sino po.
00:48Open po na.
00:49Open po. Even before.
00:51Sagot ito ng palasyo sa lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ
00:57na napunta sa distrito ni Olokos Norte Representative Sandro Marcos
01:01ang pinakamalaking parte ng tinatawag na allocable funds.
01:05Ang allocable funds ay pondong ibinibigay ng DPWH sa mga congressional districts
01:10at sa ulat, tinawag itong bagong anyo ng pork barrel.
01:14Batay sa PCIJ report,
01:16Aabot sa humigit kumulang 15.8 billion pesos daw ang natanggap ng distrito ng majority leader
01:22wala 2023 hanggang 2025.
01:25Habang ang ibang kongresista,
01:27nasa 1 hanggang 10 billion pesos lamang ang nakuha.
01:30Meron pang ilan na walang nakuha.
01:32Mas malaki rin umano ang natanggap ng distrito ng majority leader
01:35kumpara sa ilang distrito mas malaki ang populasyon.
01:39Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
01:42nabasa na raw ni Pangulong Bombong Marcos ang lumabas na ulat.
01:45Alam naman po ng Pangulo na alam ni Congressman Sandro Marcos
01:49ang kanyang ginagawa at alam niya po kung paano ito sasagutin.
01:54But as of now, I cannot speak for in behalf of Congressman Sandro Marcos.
02:00At sabi naman po niya, siya po ang nag-voluntaryo.
02:03Kung ano man po ang issue sa kanya,
02:05siya mismo ang pupunta sa ICI para maimbestigan po siya.
02:09Bigyan lamang po siya ng date para po magkaroon ng tamang schedule.
02:13Hinihinga namin ang pahayag si Rep. Marcos kaugnay ng ulat ng PCIJ.
02:19Sinagot din ni Undersecretary Castro ang issue ng pag-flag ng Commission on Audit
02:23sa 14 million pesos na hindi pa raw nakokolekt ang gastos
02:27para sa foreign trips ng iba't ibang ahensya.
02:30Paglilinaw ng palasyo, inabunohan muna ng Office of the President
02:33ang mga gastusin sa biyahe.
02:35Kaya ang mga ahensya pangaraw ang may obligasyon na mag-remit sa kanila.
02:40Ayon sa report ng COA,
02:41hanggang December 31, 2024,
02:44may 14,403,827 pesos and 63 centavos na overdue receivables
02:50mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan
02:53na ginasos muna ng OP para sa airfare at hotel accommodation
02:56ng mga opisyal na bumiyahe sa abroad.
02:59Ipinunto rin ang COA na malaking bahagi ng mga ito
03:02ay may isa hanggang dalawang taon nang di nababayaran
03:05ng tanungin kung bakit naantala ang bayad ng mga ahensya
03:08sinabi ni Castro na may mga prosesong administratibo at auditing
03:12na kailangang sundin.
03:14Collection letters were already issued in April and May 2025.
03:19Of the said amount,
03:207,887,555.64 or 55% were already collected to date.
03:28The OP consistently monitors the outstanding bills
03:32through monthly aging report and sending of collection demand letters.
03:36Para sa GMA Integrated News,
03:38Maris Umali Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended