Skip to playerSkip to main content
Higit sa ranking ng mga pinakamayaman ang tulong ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN. Ayon sa isang grupo, dapat taon-taong hingin 'yan sa mga opisyal para malaman kung nagpapayaman sila habang nasa pwesto. Dapat ding 'wag takpan ang mga negosyo nila sa SALN para malaman kung posibleng nakikinabang sa kanilang posisyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita naman, higit sa ranking ng mga pinakamayaman ang tulong ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN.
00:12Ayon sa isang grupo, dapat taong-taong hingin yan sa mga opisyal para malaman kung nagpapayaman sila habang nasa pwesto.
00:20Dapat ding wag takpan ang mga negosyo nila sa SAL-EN para malaman kung posibleng nakikinabang sa kanilang posisyon.
00:29Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:35Ngayong nailabas na ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng lahat ng 24 na mga senador,
00:42nagkaalaman ng dalawa sa kanila ay bilyonaryo at maraming multi-millionaire.
00:48Pero higit pa sa ranking lang ng yaman ang gamit niyan ayon sa grupong Center for People Empowerment and Governance.
00:55Anila, taon-taon dapat tinatandaan ang tala ng mga yaman para malaman kung nadagdagan ba yan habang nasa pwesto ang isang opisyal.
01:04Dapat i-compare yan sa mga previous years, lalo na yung year na nagsimula ka sa government service o nagsimula ka doon sa posisyon na yun.
01:17Diyan malalaman kung ang ilalago ay maipapaliwanag sa legit na paraan tulad ng sahod nila sa gobyerno.
01:24Kasi, syempre, there must be something wrong. Even if you are just in government for a few years,
01:34biglang dumami yung iyong mga lupain, real estate, tapos parami ka pang kondo,
01:40tapos at the same time, yung bank account mo biglang lumaki.
01:44Kung nagkaroon ng unusual expansion that does not sink or correspond with what you are getting from the government as your official income.
02:03Sayang lang at ilang taong hindi isinapubliko ang mga salen mula noong 2017,
02:09kaya walang mapagkumparahan ang mga salen kayon.
02:12Pero paano kung hindi tapat sa pagdadeklara ng yaman ng isang opisyal?
02:16Ayon kay Simbulan, makatutulong ang publiko sa pagsita kung may alam silang ari-ariang hindi idineklara sa salen.
02:24Kabilang sa mga dapat ideklara ang real properties gaya ng lupain o kaya'y bahay at lupa,
02:30kung saan ang may pinakamahal na idineklara ay sinasenador Rafi Tulfo, Mark Villar, Tito Soto, Erwin Tulfo at Juan Miguel Zubiri.
02:40Kapuna-puna naman si senadora Pia Cayetano na walang idineklarang bahay man o lupa.
02:46Si Scudero naman, nagdeklara ng limang real properties na minana niya, pero hindi ito isinama sa pagsusuma ng kanyang assets.
02:54Sa inilabas na salen, meron mga parteng redacted o tinakpan para raw protektahan ang kanilang privacy.
03:01Katulad na lang ng kanilang mga personal na address at address ng kanilang property.
03:06Pero meron ding nag-redact ng pangalan ng mga kumpanya kung saan sila may shares o business interest.
03:13Kasama sa mga nag-redact niya ang sinasenador Robin Padilla, Lauren Legarda, Erwin Tulfo, Joel Villanueva at Juan Miguel Zubiri.
03:21Mahalaga pa naman yan malaman ayon kay Simbulan sakaling may conflict of interest sa gobyerno.
03:27Mabawa, kontraktor yung business na yun tapos ikaw pala binibigan mo ng negosyo yung kumpanyang yun na isang kontraktor company.
03:43So, maano yan eh. Kasi lalo na kung, that's why it's very important na itong salen make it accessible to the media and to the public.
03:55Kung meron kang ibang source of income outside of what you are receiving from the government as your official salary, dapat banggitin din yun.
04:06Kailangan din, ideklara ng mga opisyal ng gobyerno ang mga kamag-anak nilang nasa gobyerno rin.
04:12Sa mga senador, pinakamarami ang labing apat na ideklara ni De La Rosa, kabilang ang sampung nagtatrabaho sa senado.
04:20Sampu naman ang kay senadora Amy Marcos, kabilang ang kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos at dalawa niyang anak.
04:27Kaya nga yung dynasties din, hindi maganda, political dynasties.
04:32Kasi various government agencies are supposed to be checking on one another.
04:41Halimbawa, yung may merong sa legislative branch, executive branch.
04:46Ngayon, kung kapamilya mo rin yung nasa agency na nagbabantay, how can you effectively have a system of check and balance kung kamag-anak mo?
05:00Sa labing walong senador na may asawa, lima ang nagdeklara ng net worth, kasama ang kanilang mga kabiyak na nasa gobyerno rin.
05:07Sa isang panayam naman, kay dating ombudsman Samuel Martires, kinuwestiyon niya sa senador Kiko Pangilinan sa hindi raw nito pagsama sa kita ng kanyang asawa na si Sharon Cuneta sa kanyang sal and declaration.
05:20Sagot dyan ni Pangilinan, may complete separation of property raw sila ni Cuneta.
05:26Kaya alinsunod sa Civil Service Commission at Supreme Court, mali raw si Martires at dapat daw mag-research pa ng maigi.
05:33Alinsunod sa CSC at SC rules, hindi kailangan i-deklara ang ari-arian at kita ng kabiyak ng isang public official kung meron silang complete separation of property o di kaya meron silang prenuptial agreement.
05:48Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended