00:00Mariging itinanggi ng Bureau of Corrections na may special treatment kay Alex Guo na nakapiit ngayon sa Correctional Institution for Women.
00:08Ayon kay Bucor Director General Gregorio Catapang Jr., kasalukuyang nasa 5-day quarantine period si Guo matapos itong ilipat mula BJMP patungo CIW.
00:19Sinabi naman ni CIW Chief Superintendent Marjorie Omejorie Ann Salidad, walang special privileges kay Guo at ipinatutupad din sa kanya ang mga kaparehong regulasyon at restrictions tulad ng sa iba na persons deprived of liberty.
00:37Batay din sa record ng CIW, tanging ang legal counsels lang ni Guo ang pinayagang bumisita sa kanya.
00:43Pinabulaanan din ni Salidad ang ulat na nakakuha ng personal cellphone si Guo ilang araw matapos siyang madatine sa kanilang pasilidad.
00:53Giit ng opisyal, kahit ang mga tauhan ng Bucor ay hindi maaaring magdala ng cellphone sa loob ng secured areas ng Correctional Facilities.
01:02Pagtitiyak naman ni Director General Catapang, mananatining transparent sa Bucor at mananatining pantay-pantay ang pagtrato sa mga PDLs.
Be the first to comment