Skip to playerSkip to main content
-12 days ng libreng sakay ng MRT at LRT Line 1 at 2, magsisimula sa Dec. 14


-MMDA: Karaniwang nadaragdagan ng 10-20% ang mga sasakyan sa EDSA kapag holiday season/Mga mall sa Marcos Highway, pinakiusapan ng MMDA na huwag mag-mall-wide sale ngayong Kapaskuhan/MMDA: Sabay-sabay dapat ang truck ban ng mga LGU; clearing operations, nagpapatuloy


-Rocco Nacino at Will Ashley, parehong busy ang schedule ngayong holiday season/Therese Malvar, gustong mag-direct at produce ng sarili niyang pelikula; Bryce Eusebio, maraming learnings sa kanyang 1st MMFF movie


-Babaeng wanted sa pagnanakaw sa kanyang dating amo, arestado noong kumukuha ng police clearance/Akusado, itinangging pinagnakawan niya ang dating amo


-14 barangay officials sa Iloilo City, sinampahan ng mga reklamo ng DSWD sa Office of the Ombudsman dahil sa pananakot umano sa AICS beneficiaries


-Malacañang: Pagbaba ng halaga ng piso kontra-dolyar, pag-uusapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng economic team


-"Barangay Love Stories," wagi ng "Top Love & Relationship Podcast" at "Top Podcast in the Phl 2025" sa Spotify Wrapped Awards


-Giant Christmas Tree at iba pang pamaskong display, tampok sa UPLB; ilang produktong gawang abaca, concert at cultural performance, tampok din


-Ikalawang gold medal ng Pilipinas sa 33rd SEA Games, nakuha ng Ph Women's Team sa 4x100M Freestyle Relay/Silver medal, nakuha ni Gian Santos ng Ph Team sa Men's Individual Medley sa 33rd SEA Games


-Small exchange gifts paandar sa Christmas parties o reunions, kinaaaliwan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Huli kami sa isang wildlife park sa Zejiang Province, China.
00:12Nakipambuno ang oso na yan sa kanyang handler sa gitna ng isang live performance.
00:16Pinilit ng handler na tumayo pero ilang beses siyang inataki ng oso.
00:21Sumaklolo ang iba pang handler.
00:23Nagtulong-tulong sila para awatin ang oso.
00:26Tagumpay naman nilang napaghiwala ang oso at ang kanyang handler.
00:30Ayon sa pamunuan ng park, parehong ligtas at nasa maayos na kondisyon ang dalawa.
00:37Dito naman sa bansa, para ipagdiwang ang 12 days of Christmas, 12 days ding may libring sakayang MRT3, LRT2 at LRT1.
00:46Ayon sa Department of Transportation, iba't ibang sektor sa bansa ang may free ride kapag araw simula sa linggo hanggang sa araw ng Pasko.
00:53May araw para sa mga senior citizen, mga estudyante, overseas Filipino workers at kanilang pamilya, pati mga teacher at health worker, persons with disabilities at mga lalaking pasahero at empleyado ng gobyerno.
01:10May nakatakdang araw din para sa mga babaeng pasahero, pati magkakapamilya, solo parents at miyembro ng LGBTQIA plus community.
01:18Sa December 23 naman, private sector employees at mga kasambahay ang may libreng sakay.
01:25Uniformed personnel, veterans at kanilang pamilya sa bisperas ng Pasko at sa araw ng Pasko, December 25,
01:33samantali ng pagsakay sa MRT3, LRT2 at LRT1 dahil libre ang sakay ng lahat ng commuter.
01:40Nagmukhang paradahan na ng sasakyan ng ilang bahagi ng EDSA sa kasagsagan ng rush hour gaya sa kamuning flyover sa Quezon City,
01:52kung saan tatlo hanggang limang kilometro lang ang usad kada oras.
01:56Sabay-sabay rin naipon sa ilalim ng flyover ang maraming sasakyan.
02:00Halos wala ng pag-usad ang mga sasakyan sa EDSA Southbound sa tapat ng Scout Albano.
02:04Hirap na ang mga papasok at palabas ng EDSA dahil sa bumper to bumper na daloy.
02:09Ang ilang motorsiklo, nawawala na sa kanikanilang lane at pilit na sumisingit sa pagitan ng mga sasakyan.
02:15Mabagal din ang galawa sa Skyway Northbound at SLEX Northbound patungong EDSA.
02:20Sa EDSA Magallanes patungong Ayala Avenue, may pag-usad naman pero nasa 10 kilometers per hour lang hanggang paakyat ng northbound ng Ayala Underpass.
02:29Ayon sa MMDA, umaabot sa 427,000 ang average daily traffic volume sa EDSA, gayong 250,000 lang ang kapasidad dito.
02:36At tuwing holiday season, tumataas pa yan ng 10 hanggang 20 percent o katumbas ng 40,000 hanggang 80,000 na sasakyan.
02:44Lalo ngayong papalapit ang Pasko.
02:46Kaya kailangan magbaon ngayon ng napakahabang pasensya habang nasa kalsada.
02:50Maging ano lang, kampante lang, makakauwi naman ng maayo sa pamilya.
02:55Nalangan, natyagayin na lang itong traffic.
02:57Ginagawa ko na lang, may saun-saun konti para mawala po, maiinitan po yung ano.
03:00Parang hindi mo ring-ingit ulo nyo.
03:02Yes po.
03:02Marami ang naglakad na lang dahil hirap makakuha ng masasakyan.
03:05Ang hassle po, ang hirap pong sumakay.
03:09Sobrang dahan-dahan lang yung takbo ng mga sasakyan.
03:12Kaya naglalakad na lang po kami.
03:13Ganto pa din kasi pag morning eh.
03:15Pero usually pag hapon, wino ako na lang talaga.
03:18Kaya ngayon naglalakad ako.
03:19Tuloy-tuloy naman daw ang MMDA sa pagtugon sa problema ng matinding trapiko.
03:23Isa sa kanilang panawagan sa mga LGU ay ipagbawal muna ang mga mall-wide sale,
03:28na isa raw sa mga naging dahilan ng kalbaryong inabot ng mga motorista noong Sabado sa Marcos Highway.
03:33Nagkasabay-sabay po yung sale doon po sa mga malls na outside ng jurisdiction ng MMDA.
03:42At doon nyo po matatandaan, pinagbabawal po natin ang mall sale dito po sa Kamaynilaan.
03:49Hindi naman po natin pinagbabawal yung sale per se, per store.
03:52Ang pinagbabawal lang natin ay yung mall-wide sale na kabuoan po ng mall ay lahat po ng stores ay may sale.
04:00At nag-agree po sila dyan.
04:02Dahil pag sobra rin po ang traffic, nawawala po yung foot traffic sa kanilang mga malls.
04:08Pinaayos din sa mga LGU ang pagsasabay-sabay ng mga truck bad.
04:12Dapat coordinated kasi ang nangyari po, yung mga naipip po na hindi makapasok sa mga LGUs ay pumarada sa karsada na nagkaroon din po ng pagsisikip.
04:25Patuloy rin ang clearing operations at pagmabantay hindi lamang sa mga pangunang kalsada at mabuhay lanes.
04:30We also attend sa mga complaints dito po sa mga level ng mga barangay roads, secondary roads, and even tertiary roads po.
04:38Kadalasan po na nadadatnan or naisuan po natin ang ticket itong mga tinatawag na illegal parking.
04:45Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:48It's a busy December para sa cast members ng 51st Metro Manila Film Festival Entry na Bar Boys After School.
05:03Isa na riyan si sparkle actor Rocco Nasino na soon to be dad of two.
05:08Chika niya sa inyong kumari, pinagahandaanan niya kung paano i-handle ang bagong milestone sa kanilang little family
05:15habang isinasabay ang projects for 2026.
05:19Busy as a bire ng co-star na si former PBB Celebrity Collab Edition housemate Will Ashley sa kanyang showbiz commitments.
05:28Mas inspired nga raw magtrabaho ngayon si Will matapos manalong Best Supporting Actor sa PMPC Star Awards for Movies sa kapuso film na Balota.
05:37Makakasama rin nila sa Bar Boys After School, si Terrence Malvar na Dream ang mag-direct at mag-produce ng sariling pelikula.
05:44At si Maca Love Stream star Bryce Eusebio na first time makakasama sa isang MMFF movie.
05:52Kwento niya marami siyang natutunan sa kanyang co-stars.
05:57Arestado ang isang babaeng wanted sa pagnanakaw sa dati niyang amo sa Taguig.
06:02Nahuli siya matapos subukang kumuha ng police clearance sa Quezon City.
06:06Balitang hatid ni James Agustin.
06:08Kukuha lang ng police clearance sa 54 anyo sa babaeng ito.
06:15Pero hindi na siya nakaalis sa Project 4 Police Station sa Quezon City.
06:19Nadiscovery kasi na meron siyang existing warrant of arrest para sa kasong qualified theft.
06:24Agad itong isinilbi sa kanya ng pulisya.
06:25Ang purpose niya is para maka-bill siya ng ID ng single mom.
06:30Binirify natin, binalidit natin kung siya ba yung nasa warrant of arrest.
06:36Nung tinanong natin yung babae na kumukuha, inamin niya na siya yun.
06:40Ayon sa polisya, lumabas ang arrest warrant noong June 2022.
06:43Kinasuhan ng babae matapos sumanong pagnakawan ng kanyang amo sa Taguig City.
06:47Nag-work siya doon for 15 years as kasambahay.
06:51Then, pinailan siya ng kaso na qualified theft ng amo niya kasi nawala ng almost 90,000 pesos.
06:59Matapos ang insidente, nagtrabaho pa na mahigit isang taon sa ibang bansa ang babae bilang staff ng Salud.
07:05Kauwi lang niya sa Pilipinas noong Enero.
07:08Itinanggin niya ang pinagnakawan niya ang dating amo.
07:10Hindi ko po alam na kinasukan ako eh.
07:13Tapos nakapunta po ako dito dahil may kamaghanap po ako dito sa Project 4.
07:21Yung adagasyon po na kayo yung nagnakaw doon ng pera, ano man sa akin?
07:25Hindi po totoo yun.
07:29Nagtrabaho po ako sa kanila ng 15 years pero hindi ko po nagawa ng ganun.
07:36Nakapag-return of warrant na ang polisya, tinihintay na lang ang commitment order mula sa korte.
07:40James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:45Balikan natin ang pagsasampang ng reklamo ng DSWD sa Office of the Ombudsman laban sa labing apat na barangay officials sa Iloilo City.
07:53Sa ulat on the spot ni Salima Refran.
07:56Sam?
07:57Rafi, kumuha raw ng bahagi ng AX Payout o Assistance to Individuals in Crisis Situations ang labing apat na barangay officials sa Iloilo City.
08:10Mismong si DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nanguna sa paghahain ng mga reklamong graft, grave misconduct at abuse of authority dito sa Office of the Ombudsman.
08:23Kasama sa reklamo ang hiling na preventive suspension laban sa labing apat na mga punong barangay, kagawad at iba pang barangay appointed officials
08:31mula sa mga barangay sa mga distrito ng Haro at Arevalo sa Iloilo City.
08:37Tinatakot umano ng barangay officials sa mga biktima na tatanggalin sa listahan ng DSWD kung hindi ibibigay ang nasa 8,000 to 9,000 pesos
08:48mula doon sa kanilang 10,000 pesos na lang nga na tulong sa ilalim ng AX o Assistance to Individuals in Crisis Situations.
08:56Ang mga biktima, mga may sakit o namataya na nanghihingi lamang ng medical at burial assistance.
09:02Ayon kay Secretary Gatchalian, nakakadismaya na nangyari ito, lalo't mga talagang nangangailangan pa ang kinukunan ng tulong na dapat ay para sa kanila
09:11at ang mga salarin pa, ang mga mismong opisyal na dapat ay nangangalaga sa mga ito.
09:16Ayon sa kanilang mga nakausap, matagal na raw itong nangyayari mula pa noong pandemia.
09:21Sa ngayon, labing apat pa lamang ang complainant sa tatlong payout nitong Nobyembre.
09:25Umaasa ang DSWD na darami pa ang mga magre-reklamo, lalo't nakatutok na ang kagawaran dito.
09:31Nakasuspende ngayon ang AX payout sa Iloilo City.
09:34Iniimbestigahan ang DSWD ang naging mga payout.
09:37Hinihikayat rin nila ang iba pang mga biktima na magsumbong,
09:41lalo't may ugnayan na raw ang DSWD sa DILG at law enforcement agencies para sa proteksyon.
09:48Narito ang bahagi ng pahayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
09:51Sa Sampung Libo na ibinigay sa kanilang tulong pinansyal,
09:58pilit kunin yung 8,000 hanggang 9,000 pesos.
10:02Very consistent yung stories at yung mga individual,
10:05hindi sila magkakakilala dahil galing sila sa labing-anim na barangay
10:08at yung kwento nila pare-parehas.
10:10Yung mga supposed perpetrators are barangay captains, barangay kagawads, barangay treasurer, barangay appointed officials.
10:20Labing-apat yan.
10:22Sa kwento rin nila, matagal na nangyayari.
10:25Sabi nga nila sa kanila raw nung COVID time pa.
10:28Raffi, paalala nga ngayon ng DSWD sa publiko.
10:38Ang DSWD lamang yung nag-a-assess at gumagawa ng listahan ng mga beneficaryo ng kanila mga programa
10:44at hindi ang mga barangay officials.
10:47Dito naman sa Office of the Ombudsman, dadaan muna sa evaluation ang mga reklamo
10:51bago pasagutin yung mga inire-reklamong barangay officials.
10:55Pag-aaralan rin yung hiling ng DSWD na preventive suspension laban sa kanila.
11:01Samantala, sinusubukan pa rin ang GMA Integrated News sa makuha ang panig ng mga inire-reklamo.
11:06Yan muna ang latest mula nga dito sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
11:10Raffi.
11:11Maraming salamat sa Lima Refran.
11:14Mag-uusapan ng Banko Sentral ng Pilipinas at ng Economic Team ngayong araw
11:18ang bumababang halaga ng piso kontra dolyar ayon sa Malacanang.
11:23Kahapon, nagsara ang palitan sa 59 pesos and 21 centavos.
11:2759 pesos at 22 centavos naman itong Martes, ang pinakamahinang palitan sa kasaysayan.
11:34Dagdag ng palasyo, kabilang sa mga tatalakay ng BSP at Economic Team,
11:37ang pusibling epekto ng inflation at mas malaking paggastos ngayong magpapasko.
11:43Nakatakda rin magsalita ang BSP mamayang hapon,
11:46kaugnay sa monetary policy ng bansa.
11:48Tinanangalaan ang flagship FM radio station ng GMA Network
11:59na Barangay LS 97.1 sa Spotify Wrapped Awards.
12:05Waggi ang Barangay Love Stories ng Top Love and Relationship Podcast
12:09at Top Pat Podcast in the Philippines 2025.
12:14Over 1 billion minutes ang na-reach na listening time nito.
12:18Mismo ngang host ng podcast na si Papa Dudut ang tumanggap ng awards.
12:23Last February, nakuha rin ang Barangay Love Stories ang Spotify Creator Milestone Award.
12:29Congratulations!
12:2914 days na lang bago magpasko, nagniningning na ang mga pamaskong display sa University of the Philippines Los Baños sa Laguna.
12:43Kabilang dyan ang 47 feet na Christmas tree na pinailawan na kagabi.
12:54Tadtad yan ang 10,000 LED lights.
12:57Ang Christmas tree at nativity display may touch of abaka rin.
13:02Nagliwanag din ang UPLB Pili Drive Rotonda at Oblation Park.
13:07Aside sa Christmas lighting event, may pa-fashion show rin kung saan inirampa ang mga kasuotan na made-in abaka.
13:15As part ng celebration, may pa-concert at cultural performance rin.
13:19Sa Santo Niño, South Cotabato, bumida ang ilang pistang Pinoy sa mga pamaskong display.
13:28Tampok dyan ang Mascara Festival sa Bacolod,
13:32Pahiyas ng Quezon Province,
13:34Tuna Festival ng General Santo City at Sinulog sa Cebu.
13:39Ayon sa lokal na pamahalaan, layo ng temang ito na makapaghatid ng saya at maipakilala ang mayamang kultura ng iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
13:58Update tayo sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
14:02May ulat on the spot si Jonathan Andal.
14:05Jonathan!
14:05Rafi, katatanggap lang natin ang balitang ito.
14:12May nakuha pong bronze ang Pilipinas dito sa SEA Games ngayong araw.
14:16Iyan po ay nakuha ni Mark Luel Valderrama ng Mountain Bike Cross Country.
14:20Kagabi naman ay nanalo ng ginto ang Team Philippines Women's Swimming.
14:28Pinangunahan ng Olympian na si Kayla Sanchez ang Team Pilipinas sa Women's 4x100 Meter Freestyle Relay.
14:34Kasama niya si Shandy Chua, Chloe Isleta at Heather White.
14:39Nanguna ang grupo nila sa karera ng paglangoy sa oras na 3 minutes at 44 seconds.
14:44Mas mabilis ng 2 segundo kaysa sa Singapore na naka-silver at 3 segundo sa Vietnam na naka-bronze.
14:50Sa swimming pa rin, naka-silver medal naman kagabi si Gian Santos sa Men's Individual Medley sa oras na 2 minutes at 3 seconds.
14:57Halos isang segundo lang ang lamang sa kanya ng Vietnam na nakakuha ng gold.
15:01Narito ang panayam ng POC Media kina gold medalist Kayla Sanchez at silver medalist Gian Santos.
15:06Well, my first race is a relay, so it wasn't just me, it was a team and they made me less nervous.
15:16It was much more fun as the first race to be with a relay, so I'm so happy.
15:21It definitely means a lot to me.
15:22This has been my first C Games and also first event of C Games, my first medal.
15:27I'm very, very grateful because I put a lot of hard work into this since qualifying for C Games in August.
15:32I've been training for 3 months, doing 10 practices a week for 7 days a week, lifting 3 times a week.
15:38So I'm glad that all the hard work is paid off.
15:44Rafi, andito ko ngayon sa venue ng Jiu-Jitsu at lumalaban ngayon doon sa loob yung labing apat na atleta ng Team Pilipinas.
15:51Kasi yun muna ang latest mula nito sa Bangkok, Thailand.
15:54Ako po si Jonathan Andal ng GMA Integrated News at POC Media.
16:01May entry na ba kayo sa nauusong small exchange gifts trend online?
16:05Parang magando yun. Traditional gift giving yan, pero with a twist.
16:14Ayun o. Salit kasi na i-abot ang gifts sa inyong munito o munita.
16:18Isa sa aboy ang mga regalong pangmaramihan at agawan to the max ang eksena.
16:25Pati nga mga host ng pambasang morning show unang hirit, e nakijoin na rin sa Christmas paandar na yan.
16:30May entry na rin ang college barkada ni Gabriel Lira.
16:34Kabilang sa kanilang nahakot sa get-together,
16:36ang Pichel Scented Candle Personalized Passport Holder
16:40at para sa mga trendtahin and up-pill organizer.
16:46Mayroon na yung almost 2 million views sa TikTok.
16:49Gabriel, kayo ay...
16:52Trending!
16:54Gawin natin yan.
16:55Nakakatuwa naman yun.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended