Skip to playerSkip to main content
-Listahan ng mga kontratistang may pinakamalaking halaga ng gov't contracts na pinondohan umano ng unprogrammed appropriations noong 2023 at 2024, inilabas ni Rep. Leviste


-Sparkle couple Shaira Diaz at EA Guzman, enjoy sa kanilang South Korea trip


-Presyo ng local rice sa Mega Q Mart, P2/kilo ang itinaas/ DTI: 91% ng mga pangunahing produkto, hindi magtataas ng presyo


-Asst. Detachment Commander sa Phl Army patrol base, patay matapos pagbabarilin ng 3 miyembro ng CAFGU na sinita niyang umiinom/3 arestadong suspek, sinabing hindi nila intensyong pagbabarilin ang biktima


-Mag-ama, patay sa salpukan ng motorsiklo at pickup; mag-inang sakay rin ng motorsiklo, naospital


-Ilang nilindol sa Sultan Kudarat, sa tabi ng kalsada nananatili dahil sa pangamba sa aftershocks


-Plunder at graft and corruption, kabilang sa mga reklamong inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban kay VP Sara Duterte/Hiling ng mga nagreklamo sa Ombudsman: Imbestigahan at sampahan ng impeachment complaint si VP Duterte/VPSD, dati nang itinanggi na may kaugnayan siya kay Ramil Madriaga; iginiit din noon na walang mali sa paggastos ng confidential funds ng OVP at DepEd


-Higanteng bilao ng Pansit Cabagan sa Bambanti Festival, nasimot sa loob lang ng 15 minuto


-Bagong Alyansang Makabayan, naghain ng impeachment complaint laban kay PBBM


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inilabas ni Batangas 1st District Representative Leandro Liviste ang listahan ng mga kontratistang nakakuha-umuno ng pinakamalaking halaga ng mga government contract na pinunduhan ng Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024.
00:14Pinakauna sa listahan ng kumpanyang SunWest na dating pagumayari ni dating Congressman Zaldico.
00:20Nakakuha-umuno ang kumpanya ng mahigit 11 billion pesos.
00:24Sinisika pa namin silang makuna ng pahayag.
00:26Ayon kay Liviste, nakukuha niya ang impormasyon mula sa isang anya DPWH Insider.
00:37Web is latest na mga bari at pare.
00:40Enjoy ang Sparkle Stars at mag-asawang Shira Diaz at EA Guzman sa kanilang trip sa Seoul, South Korea.
00:49Kabilang sa highlights ng kanilang vacay roon, ang pag-attend din na Shira at EA sa isang cooking class sa Song Su.
00:56Ipinakita pa ni Shira ang resulta ng niluto nila ni EA.
01:01Siyempre, hindi naman pinalampas ng couple ang pag-food trip doon.
01:05May sweet souvenir din sila na picture mula sa isang food to booth.
01:09Walang taas presyo sa 91% ng basic goods na minomonitor po ng Department of Trade and Industry.
01:23Pero ang presyo po ng local rice nagmahal.
01:27Balitang hatid ni James Agustin.
01:2948 pesos per kilo ang pinakamurang local rice na mabibilis sa tindahan ito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
01:38Ang Weld Milled Rice naman.
01:39Naglalaro ang presyo mula 50 pesos hanggang 56 pesos per kilo.
01:43Tumaas niya ng 2 piso kada kilo kumpara noon na karang linggo.
01:47Hindi naman gumalaw ang presyo ng imported rice sa 55 pesos per kilo.
01:51Ayon sa ilan nagtitinda.
01:52Sabi po nila sa mataas daw po ang kuha ng palay, presyo ng palay.
01:57Sa supplier po mataas din.
01:59Kada linggo tumataas ang presyo sa local rice.
02:02Dahil tumaas ang presyo, dumidiskarte na lang daw si Ray na nagatrabaho sa isang kantin sa Ubaw.
02:08Walong kilo ng imported rice ang binibili niya kada araw.
02:11Medyo magbawas ng kung ano, sa takal niya.
02:15Yung kung ano, dami.
02:17Pagano ba per cup?
02:1815 pesos kasi per cup.
02:19Ngayon magbawas ng konti para medyo kumita naman ng konti.
02:24Marami namang pangunahing produkto at bilihin ang hindi magtataas ang presyo.
02:28Ayon sa Department of Trade and Industry.
02:3191% daw ito na mahigit 200 pangunahing produkto.
02:34Kabilang dyan ng mga dilatang sardinas, instant noodles, kandila, sabong panligo at panlaba at mga tinapay.
02:42Ilang manufacturers lang daw ang humirit ng taas presyo.
02:44Maganda para sa amin yun na hindi magtataas yung mga dilata or noodles.
02:51Kasi parang, kahit papano, kikita rin kami.
02:55Paborito hindi lang sa malilit na negosyante maging sa mga mamimili.
02:59Gaya ni Cherry Ana, pinagkakasya ang kanyang sahot sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
03:03Mababa lang po yung sahot eh.
03:06Mas paborito sa amin po na hindi tataas yung mga bilihin.
03:09James Agusti, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:13Napatay ang assistant detachment commander na isang Philippine Army patrol base sa Rodriguez Rizal.
03:20Depensa ng mga naarestong suspect, hindi nila intensyong pagbabarili ng biktima na sinisita ang kanilang pag-inom ng alak.
03:28Balitang hatid ni EJ Gomez.
03:29Nakabulagta sa may batuhan ang isang lalaki ng matagpuan ng mga otoridad sa patrol base makaingala ng Philippine Army sa Barangay Puray Rodriguez Rizal madaling araw kahapon.
03:44Ang biktima, miyembro ng 8th Infantry Battalion ng 21st Division Philippine Army at assistant detachment commander mismo ng patrol base ayon sa pulis siya.
03:55Nasawi ang 35 anyos na biktima matapos siyang pagbabariling umano ng tatlong miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary o CAA.
04:06Basis sa investigasyon ng Rodriguez Police, sisitahin daw sana muli ng biktima bilang assistant detachment commander ang tatlong CAA members na madalas mag-inuman nang bigla na lang siyang pinagbabaril.
04:19Bago niya sitahin, pinaputokan na po siya ng issued firearms ng suspect.
04:26Yung ginamit na baril ng ating suspect is yung issued firearms niya na M16 at sa dalawa po, lumalabas din po na ginamit po rin itong pagpapaputok ng kanilang issued firearms na M14.
04:39Marami hong tama ng bala. So halos buong magasin.
04:44Dead on the spot ang biktima. Naggalat sa crime scene ng mahigit dalawampung basyo ng bala.
04:51Posible raw motibo sa krimen ang kinimkim na galit ng suspect sa biktima ayon sa pulis siya.
04:57May mga insidente po na sinita po ng assistant detachment commander yung suspect na kailang araw.
05:04At siyempre, dinisiplina, binigyan po ng punishment as part of the infraction na ginawa nung CAA.
05:14Yun po, nagkaroon po na kinimkim po siguro yung pagdidisiplina sa kanya, sama ng loob at nagkaroon po ng pagkakataon dahil yun din po.
05:23Basis sa investigasyon, sumalabas na under the influence of liquor po yung mga sospek.
05:30So yun, binaril po yung biktima.
05:35Mismong mga kabaro raw ng mga sospek ang saksi at nag-report sa pulis siya ng insidente.
05:41Nadatnan ng mga rumisponding polis ang mga tulog at nakainom na sospek sa kanilang kubo.
05:46Inaresto ang 27 anyos na bumaril sa sundalo, pati ang dalawang kasama raw niya sa pamamaril.
05:53Nakumpiska sa kanila ang mga ginamit na baril kabilang ang M16 rifle.
05:58Ayon kay Alias Pri, nakainom din umano ang kanilang commander ng lapitan sila para sitahin sa inuman.
06:05Di man sana yun sinasadya, ma'am.
06:08Ang gusto niya rin kasi ka mangyari, ma'am, paalam sa kanya yung pagiinom.
06:14Ang lasing din siyang nagsabi. Nagiinom din siya.
06:19Na bigla lang po, ma'am.
06:21Hindi naman talaga target, ma'am.
06:23Sobrang nagsisisi talaga nun.
06:26Umihingya ako ng taus-pusong pasinsya sa nangyari na hindi naman kagustuhan.
06:34Ang dalawa namang kasama niya na aminadong nagpaputok din ang baril, sinabing hindi nila tinarget ang biktima.
06:41Kasi kala namin hinaras yung kampo.
06:44Kaya kami nagpaputok.
06:47Pinaputokan niyo po ba yung ating commander?
06:49Hindi po.
06:50Ano po yung hindi po?
06:51Doon lang kami sa kubo namin eh.
06:53Hindi man doon sa tao yung anong namin na pinatamaan.
06:57Akala ko may kalaban po.
07:00Kaya nagpaputok ako.
07:01Pero doon lang sa loob ng kubo ko rin, nakadapa lang ako.
07:08Kasi takot nga ako makalabas.
07:11Nakakulong ang mga suspects sa Rodriguez Police Custodial Facility.
07:15Sasampahan sila ng reklamong murder at illegal discharge of firearms.
07:20E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:24Ito ang GMA Regional TV News.
07:29Nasawi ang isang lalaki at kanyang anak sa salpukan ng motorsiklo at pickup sa Bayawan Negros Oriental.
07:39Ayon sa investigasyon, pauwi na sana ang apat na magkakaanak sakay ng isang motorsiklo sa Sityo Gisocon sa Bargay Nangka.
07:46Nakasalubog nila at nakabanggaan ang pickup na patungong city proper.
07:51Nag-overtake raw ang pickup sa isang sasakyan.
07:54Tumilapon ang magkakaanak at pumailalim ang motorsiklo sa pickup.
07:58Idiniklarang dead on arrival sa ospital ang mag-ama.
08:01Ginagamot na sa ospital ang mag-inang sakay rin ng motorsiklo.
08:05Nasa kusudiya na ng pulisya ang driver ng pickup na wala pang pahayag.
08:10Dahil sa panggamba sa mga aftershock,
08:13sa labas ng bahay nagpalipas ng magdamag ang ilang residente sa ilang bahagi ng Sultan Kudarat.
08:20Sa Kalamansig, na epicenter ng lindol nitong Martes,
08:23naglatag ng higaan ang ilang residente sa tabi ng kalsada.
08:27Sa mga duyan, tent at sasakyan naman natulog ang ilan.
08:31Sa Datugyabar Pilot School, halos dikit-dikit na ang sitwasyon ng mga nagpapahingang evacuees.
08:37Bukod sa Kalamansig, may mga pinalikas na ring residente mula sa coastal area
08:41na sakop ng palimbang at lebak.
08:44Magnitude 5.2 ang lakas ng lindol noong Martes ng umaga
08:48at may halos 600 aftershocks na batay sa pinakawling datos ng FIBOX.
08:54Tatlong po sa mga ito ang naramdaman.
08:59Samantala, hiniling ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
09:03at ng isang grupo sa Office of the Ombudsman na imbesigahan na
09:07si Vice President Sara Duterte na inire-reklamo nila ng plunder at graft and corruption
09:12dahil sa paggastos ng confidential funds.
09:15Balitang hatid ni Maki Pulido.
09:21Sa inihahing reklamo sa Ombudsman ni na dating Sen. Antonio Trillanes IV
09:25at civil society group na The Silent Majority
09:28laban kay Vice President Sara Duterte,
09:31inakusahan nila ang bise ng plunder,
09:34malversation of public funds,
09:36graft and corruption,
09:37bribery and culpable violation of the Constitution,
09:40betrayal of public trust,
09:42at other high crime.
09:44Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga
09:46ang Office of the Ombudsman
09:48at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint
09:51laban kay Vice President Sara Duterte.
09:54Ayon sa reklamo, guilty raw si Duterte
09:57ng graft and corruption, bribery at plunder
09:59dahil sa diumanoy maanumalyang paggamit
10:02ng P650 million pesos,
10:04nakabuo ang halaga ng confidential funds
10:07nung kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
10:11Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga,
10:14ang nagpakilalang datiumanong
10:15civilian intelligence agent ni Duterte
10:17at ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:20at nagsabing naghatid umano siya ng pera
10:23mula sa confidential funds
10:25sa ilang individual sa utos ng bise.
10:27Nilustay din umano ni Duterte
10:30ang higit 2.7 billion pesos
10:32na confidential funds
10:34nung mayor siya ng Davao City.
10:36Lumobo raw ang halagang ito
10:38mula 2010 hanggang 2022.
10:41Nung kalihim din daw si Duterte
10:43ng DepEd,
10:4412 billion pesos ang inisuhan
10:46ng Commission on Audit
10:47ng Notice of Disallowance
10:49dahil sa posibling mali
10:51o sobrang paggamit ng pondo.
10:53Maliban dyan, bilang kalihim,
10:55halos 7 billion pesos
10:56ang di umano'y unliquidated cash advances
10:59o hindi na ipaliwanag na gastos
11:01ng ahensya.
11:02Kung may hindi maipaliwanag na gastos,
11:05ayon sa mga complainants,
11:07may higit 15 billion pesos din na pondo
11:09ang DepEd
11:10na hindi nagamit
11:11sa halip na naipatupad
11:13ang iba't ibang proyekto.
11:14Sinita pa raw ng COA
11:16ang hindi nagamit na pondong
11:17sanay na ipampatayo
11:18o pinangrepair ng mga classroom.
11:21Dahil dyan,
11:22ayon daw sa COA,
11:23192 classrooms lang daw
11:25ang naipatayo ng DepEd
11:26samantalang 6,000 target
11:28at 208 classrooms lang
11:31ang na-repair
11:31sa target na higit 7,000.
11:348 billion pesos din umano
11:36ang halaga ng overpriced na laptop
11:38nung kalihim si Duterte
11:40ng DepEd.
11:41Sabi ng mga complainant,
11:42guilty rin si Duterte
11:43ng bribery and culpable violation
11:45of the Constitution.
11:47Ayon sa reklamo,
11:48may hindi raw maipaliwanag
11:50na kayamanan si Duterte.
11:52May 2.4 billion pesos
11:54umanong nakadeposito
11:55sa bank account ni Duterte
11:56kung saan ka-joint account
11:58ang kanyang amang
11:59si dating Pangulo Rodrigo Duterte
12:00at asawang si Atty.
12:02Manassez Carpio.
12:04Ang mga bank deposit na ito
12:05at ibang ari-arian,
12:07hindi rin daw idineklara
12:08ni Duterte sa kanyang call-end.
12:11Pagkal binuksan yung bank accounts
12:13or galing man lang dun
12:15sa mga flagda transactions
12:17ng AMLOC,
12:19eto na,
12:20hindi na nila maitatanggi.
12:21Tumanggap din umano
12:22si Vice President Duterte
12:24at kanyang mga kaanak
12:25ng Suhol
12:26mula sa isang drug lord
12:27nung mayor siya
12:28ng Davao City.
12:29Ayon pa sa inihaing reklamo,
12:32guilty si Duterte
12:33ng betrayal of public trust
12:34at other high crimes.
12:36Isang basihan umano rito
12:37ay nang pagbantaan niya
12:39ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
12:41Pinapakita ng complaint na ito
12:43na una,
12:45ang kabuoang halaga
12:46ng mga nilimas
12:47o niwaldas
12:48ni Sara Duterte
12:50ay maihahanay
12:52sa mga pinakamalalaking
12:54flood control scandal.
12:56Nagsimula yung nakawan
12:57nung mayor pa lang siya.
12:59Sana naman daw,
13:00sabi ni Trillanes,
13:01aksyonan na ng ombudsman
13:02ang reklamo
13:03laban kay Duterte.
13:04Nauna pa raw sampahan
13:06ng ombudsman
13:06sa Sandigan Bayan
13:07si dating Sen. Bongribilla
13:09samantalang noong nakaraang taon pa
13:11may nakahain ng reklamo
13:13laban kay Duterte.
13:14Last year pa ito sa Quadcom,
13:16hindi pa umuusad.
13:18Itong kay Sen. Bongribilla,
13:21linggo lang ang binilang,
13:2390 million ang halaga.
13:26Hinihingi pa namin
13:27ang pahayag
13:27ni Vice President Duterte.
13:29Sinubukan din namin
13:30kumuha ng pahayag
13:31ng Office of the Vice President
13:32pero wala pa silang tugon.
13:34Pero dati nang sinabi ni Duterte
13:36na wala siyang personal relationship
13:38kay Madriaga,
13:39hindi rin daw siya nagbigay
13:40ng anumang utos dito
13:41at hindi daw niya ito
13:42nakausap kailanman.
13:44Dati na rin niyang itinanggi
13:46na may mali sa paggastos
13:47ng Office of the Vice President
13:49at DepEd
13:50sa confidential funds.
13:51Mackie Pulido,
13:52nagbabalita
13:53para sa GMA Integrated News.
14:01Kung pampahaba ng buhay
14:03ang pansit,
14:03e baka may forever
14:05na sa Ilagan, Isabela.
14:08Sa pagriwang
14:09ng Bambanti Festival,
14:11may nilutong pansit kabagan
14:13na umabot
14:14ng mahigit 200 kilos.
14:16Ang lagayan nito,
14:17inabot ng
14:1816 talampakan ng sukat.
14:20Ang freshly cooked Mickey,
14:23nilagyan ng palong-palo na toppings.
14:25Gaya ng karne ng baboy,
14:27isda at
14:27sarisaring lamang dagat.
14:30Mayroon pang itlog ng pugo
14:31at manok,
14:32pati na gulay.
14:33Nakita sa mga larawang
14:35kuha ng LGU.
14:36Bukod sa dami,
14:37lalaban din daw sa sarap
14:39ang pansit kabagan nila.
14:41Sa loob lamang
14:42ng 15 minuto,
14:43nasimot daw
14:44ang malaking bilaong yan.
14:47Wow na wow!
14:50Mayinit na balita,
14:54nag-hahain ng impeachment complaint
14:55ang Bagong Alyansang Makabayan
14:57laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:59At kaugnay niyan,
15:00kausapin natin si
15:01Bagong Alyansang Makabayan
15:02o Bayan Chairman
15:02Teddy Casino.
15:04Magandang umaga
15:05at welcome po
15:05sa Balitang Hali.
15:10Magandang umaga, Rafi.
15:12Magandang umaga po
15:12sa lahat ng
15:13taga-subaybay ninyo.
15:14Opo,
15:14ano po yung naging pasihan
15:15ng impeachment complaint ninyo
15:16laban sa Pangulo?
15:17Well, isang ground po
15:22ang ating in-invoke,
15:23yung betrayal of the public trust
15:25o pagtataksil
15:26sa tiwala ng mamayan
15:28at may tatlong
15:29impeachable acts po
15:30kaming binanggit
15:31sa aming complaint.
15:32Unang-una,
15:33yung pag-adopt
15:34ni President Marcos
15:36ng PBM formula
15:38o yung balanced
15:40budget,
15:45managed budget
15:46sa pag-a-allocate
15:47ng mga
15:48infrastructure projects
15:49kasama ho yung
15:50542 billion worth
15:52of flood control projects
15:53mula 2022 to 2025.
15:55At sa aming
15:56aligasyon,
15:57itong formula na ito
15:58na ginamit
15:59ng Pangulong Marcos
16:01para sa infrastructure projects
16:02ay nagresulta
16:04sa mga ghost projects,
16:06mga substandard
16:07at mga overpriced projects.
16:09Pangalawa,
16:10yung pag-abuso
16:10ni Pangulong Marcos
16:11sa kanyang kapangyarihan
16:12na gamitin
16:13ang unprogrammed allocations
16:15nagkakahalaga pong
16:17213.5 billion pesos
16:19including
16:19111 billion pesos
16:21worth of
16:22flood control projects
16:23para po ito
16:24ay nakawin
16:25at pagkakitaan
16:27ng mga kickbacks.
16:28At pangatlo,
16:29yung mismong
16:29pag-benefit
16:33o nakinabang mismo
16:35si Pangulong Marcos
16:37sa mga kickbacks
16:39sa halagang
16:40at least
16:418 billion
16:41to 56 billion
16:43pesos
16:44sa loob
16:44ng 3 taon
16:45na siya
16:46ay Pangulo.
16:47So on that basis
16:48at kasama
16:49po yung mga
16:49ebidensya
16:50at testimonya
16:51nag-file po kami
16:52ng impeachment complaint
16:53dahil sa tingin namin
16:54sa panawagang
16:55lahat ng sangkot
16:56dapat managot
16:57dapat ito
16:58ay magsimula
16:58sa tuktok.
16:59Gano po kalaki
17:00yung kumpiyasan
17:01yung uuusan
17:01dito
17:02gayong
17:02alam naman natin
17:03na numbers game
17:04ang impeachment
17:05lalo na
17:05laban sa Pangulo?
17:09Well,
17:10ang isang pangamba
17:11namin ngayon
17:11baka i-technical
17:12ito
17:13kasi nga
17:13noong lunes
17:14ay may nag-file
17:15ng isang
17:15sa tingin namin
17:16ay mahinang
17:17impeachment complaint
17:19at ang pangamba
17:20namin
17:20baka yun
17:21ang i-refer
17:22sa Justice Committee
17:23at yun po
17:24ang mag-trigger
17:25ng one-year
17:25prohibition
17:26at idadaan po nila
17:28sa technical
17:28at hindi napapayagan
17:29ang iba pang
17:30mga
17:31mas makabuluhan
17:32at mas matibay
17:34na impeachment complaint
17:35that's one
17:36hindi pa ho namin
17:37pinoproblema
17:38ang numbers game
17:39dahil para sa amin
17:41importanteng
17:41madinig ito
17:42importanteng
17:43ma-examine
17:44ng bawat kongresista
17:45ang mga ebidensya
17:46at tawagin
17:48ang mga
17:48concerned persons
17:50para
17:51i-examine nila
17:52so para sa amin
17:54hindi pa kami
17:54nangangamba
17:56sa numbers
17:56ang pinangangambahan
17:58namin ngayon
17:59yung technicality
18:00dahil unang-una
18:01na nga
18:01in the first place
18:02ayaw tanggapin
18:03ng Secretary General's Office
18:05itong aming
18:05impeachment complaint
18:06bagaman ito
18:07ay iniwan nalag
18:08namin sa kanyang opisina
18:09kasi under the rules
18:11and under the constitution
18:12ministerial
18:13trabaho talaga
18:14ng Secretary General's Office
18:16na tanggapin
18:16ang ganitong mga reklamo
18:18Ano po naging dahilan
18:19ng Secretary General
18:20sa hindi pagtanggap
18:21sa inyong complaint?
18:24Eh absent daw siya
18:26Siya daw ay nasa
18:28ibang bansa
18:29So di naman pwede yun
18:31na porket absent ka
18:33eh hindi natatakbo
18:34yung opisina mo
18:35at hindi na magagawa
18:36ng opisina mo
18:37ang iyong trabaho
18:38which in the first place
18:39is ministerial
18:40Hindi po required
18:40under the rules of the House
18:42na personally
18:43ang Secretary General
18:44ang magre-receive
18:45ng isang impeachment complaint
18:47Ang nasa rules po
18:48ay opisina niya
18:49Eh ang dami-daming tao
18:50sa opisina niya
18:51meron pa siyang
18:51executive director
18:53eh nagtataka kami
18:55bakit ayaw tanggapin
18:56Hindi po pwedeng
18:57dahil absent
18:58ang isang opisyal
18:59eh matitigil na
19:00yung pagpapanagot
19:01sa mga tiwali
19:02sa ating gobyerno
19:04Para po sa inyo
19:05de facto tanggap na
19:06ng kanilang opisina
19:07yung inyong complaint
19:08Yes
19:12Ang paliwanag po natin
19:14ng ating mga abogado
19:15there's such a thing
19:16as
19:17yung
19:18basta iniwan mo
19:19at na-document mo
19:20na iniwan mo
19:21at yun naman ang ginawa namin
19:23it is deemed
19:24deemed received
19:25Pero higit pa riyan
19:27ang plano po
19:28ng ating mga endorsers
19:29dito sa
19:31Makabayan Coalition
19:32dadalhin nila mismo rin ito
19:33sa opisina
19:34ni Speaker Boji D
19:36para alam din
19:38ng liderato ng Kamara
19:39alam din ng Speaker's Office
19:40that there is such
19:42an impeachment complaint
19:43at
19:43atasan niya
19:46ang Secretary General
19:47pagdating ho sa lunes
19:49na agad
19:50itransmit sa kanya
19:50para ito ay
19:51sabay na mairefer
19:52for the order of business
19:55sa plenario
19:55Very quickly
19:56yung nabanggit nyo
19:57yung naunang
19:57impeachment complaint
19:59alam nyo po ba
20:00na may maghahain
20:01bago nung pinaplano nyo pa
20:02itong paghahain
20:03ng impeachment complaint
20:04ng laban sa Pangulo
20:05Hindi po namin alam
20:10na may magfafile
20:11nung lunes
20:12pero
20:15ang problema ho talaga dyan
20:17dahil ito ay
20:17naifile na
20:18at mabilis
20:19na nirefer
20:20nirefer
20:21ng Secretary General's Office
20:23sa Office of the Speaker
20:24ang pangabangan namin
20:26baka pagdating sa lunes
20:27pumatak na yung
20:29one year prohibition
20:30kasi posible
20:31at the earliest
20:32possible
20:33instance
20:34on Monday
20:34ito ay
20:36i-refer na kaagad
20:37sa Committee
20:37on Justice
20:38at kung ganun ang nangyari
20:41lalabas mahina
20:43ang complaint
20:43na
20:44nirefer
20:46sa Committee
20:46at hindi niya binigyan
20:47ng pagkakataon
20:48unlike yung complaint
20:50kay
20:50Vice President Duterte
20:52tinagal
20:54pinatagal
20:54ng
20:55Secretary General
20:56ng halos
20:56dalawang buwan
20:57bago ito ay
20:58pinasa
21:01sa Speaker's Office
21:02Okay, abangan po natin yan
21:03Doon po sa bahasa
21:04lunetralis
21:05sinabi niyong
21:05hindi welcome
21:06yung panawagan
21:07na mag-resign
21:08ang Pangulo
21:08at mapalitan
21:09ni Vice President
21:10Sara Duterte
21:10eh papano po yan
21:11kapag nagtagumpay
21:12yung impeachment
21:13complaint po ninyo
21:14eh ganun nga
21:15mangyayari
21:15ah wag po kayo mag-alala
21:21dahil kapag natapos
21:22po yung one year
21:23prohibition
21:24ah sa impeachment
21:25ni Vice President
21:26ah
21:27Duterte
21:27kami po ay magsasamparin
21:28ng impeachment
21:30i-re-refile po namin
21:31yung ah
21:32naisampan namin
21:32nung isang taon
21:33ah
21:34nakusaan na impeach
21:35talaga si ah
21:36Vice President Duterte
21:37kaya nga lang
21:38ah hindi natuloy
21:39yung trial
21:39sa Senado
21:40so ang aming panawagan
21:41ho eh
21:42ang presidente
21:43at ang vice presidente
21:44ang dapat umalis
21:45sa pwesto
21:45dahil sila ang dahilan
21:47ng lahat ng mga problemang ito
21:49ng political crisis na ito
21:51at mas mabuting
21:51ah
21:52palitan na lang sila
21:53ah
21:54para maka
21:54maka move on na po
21:55ang ating ah
21:56ang ating bayan
21:57kung umusad ba nito
21:58kahit hanggang sa committee level
21:59first time po ito na mangyayari
22:01yung vice president
22:02at ah
22:03president
22:03ay parehong
22:04ah
22:04may ah
22:04impeachment complaint
22:05laban sa kanila
22:06ah
22:06ano po nakikita nyo
22:07na magiging senaryo
22:08opo
22:10well it will be
22:13the first time
22:14at ah
22:15ganun talaga
22:17dahil ah
22:17nakita naman natin
22:18kung gaano kalalim
22:19kung gaano kasistematiko
22:21ang korupsyon
22:21sa ating bansa
22:22it involves
22:23not only
22:24lower government officials
22:25umaabot ho ito
22:26hanggang sa tuktok
22:27at ang vice president
22:29ay sangkot
22:29sa usapin ng
22:30confidential intelligence funds
22:31ang presidente
22:32ay sangkot
22:33sa usapin ng
22:33flood control program
22:34ah
22:35pero itong dalawang
22:36ah
22:37official na ito
22:37ay membro
22:38ng mga political dynasty
22:39na matagal na pong
22:40nagsasamantala
22:41sa ating politika
22:42sa ating mamamayan
22:44at panahon na
22:45so in a sense
22:46ito ay laban
22:47sa mga corrupt
22:48na political dynasties
22:49at panahon na
22:49sa tingin namin
22:50na ang ating bayan
22:51ay lumaya
22:52sa ganyang
22:53pagsasamantala
22:54nitong mga political dynasties
22:55katulad ng mga
22:56Marcos at Luterte
22:57and that will play out
22:58in the house
22:59and hopefully
23:00umabot ito sa senado
23:01at ah
23:03sana lang
23:03eh maging
23:04tapat
23:05ang mga
23:06membro ng kongreso
23:07at senado
23:07sa kanilang mga
23:08sinumpaang tungkulin
23:09meron mo ba kayong
23:10pangambag
23:10ay yung
23:11si presidential
23:11san sandro Marcos
23:12ay kasalukyong chairman
23:13ng committee on
23:14rules
23:15at ah
23:16posibleng may malaking
23:16papel sa impeachment
23:17process
23:18eh para ho sa amin
23:23that is not
23:23ah
23:24kung baga
23:24secondary issue yan
23:25ang primary na usapin dito
23:27ano ba yung aming tungkulin
23:28bilang mamamayan
23:30bilang mga taxpayers
23:31na pinagnanakawan
23:32saan ba kami pupunta
23:34eh sa ilalim po
23:35ng ating mga batas
23:36at konstitusyon
23:37ang impeachment po
23:38ang paraan
23:39kung gusto nating panagutin
23:40ang presidente
23:41and vice president
23:42and it does not matter
23:43kung ang anak niya
23:44ay congressman
23:45kung ang pinsan niya
23:45ay speaker of the house
23:46bagamat niya
23:47na-resign na
23:47it does not matter
23:48kung may kapatid siyang senador
23:50kung may mga kaalyado siya
23:51sa senado
23:52ang mali ay mali
23:53ang tama ay tama
23:54at kung may mali
23:55kailangan natin
23:56panagutin
23:57ang mga gumagawa
23:58ng mali
23:58maraming salamat po
24:00sa oras
24:01na ibinahagi nyo
24:01sa balitang halik
24:02yan po si Bayan Chairman
24:05Teddy
24:06susubukan pa namin
24:09kunan ng payag
24:09ang Pangulo
24:10o Malacanang
24:10tungkol
24:11sa ikalawang
24:11impeachment complaint
24:13do
24:15o
24:17mo
24:18o
24:19o
24:19o
24:19o
Comments

Recommended