00:00Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso sa Mountain Province na walang awang pinaghahataon ng dos por dos.
00:07Ang sospek na galit umano ng ihian siya ng aso.
00:11Babala mga kapuso at sensitibong video ang inyong mapapanood sa pagtutok ni Sandy Salvasho ng GMA Regional TV.
00:18Sa viral video na ito, isang lalaking may hawak na dos por dos ang lumapit sa asong American Bully at bigla na lang itong hinataw ng paulit-ulit.
00:34Nakatakbo ang aso pero hinagol pa ito ng sospek at muling pinagpapalo hanggang sa mamatay.
00:40Nangyari ang insidente sa barangay Saklit sa Dangga Mountain Province.
00:44Nagalit umano ang sospek matapos siyang ihian ng asong si Axel.
00:47Hustisya ang panawagan ng mga netizens.
00:50Kinundi na ni Sadangga Mayor Robert Wanawan ang marahas na pagpatay sa aso.
00:55Dagdag pa niya, may paniniwala raw ang mga katutubo patungkol sa pag-ihi ng aso sa tao kaya't nagawa ng sospek ang krimen.
01:02May belief kasi kami na pagka-ihian ka ng aso, may malas o pamatayan yun ang belief.
01:10Sa galit niya siguro, nagawa niya yun sa harap ng mga tao.
01:16Sinampahan na raw ng kaukulang kaso ang lalaki.
01:19Hiling ng Animal Kingdom Foundation ang agarang aksyon mula sa LGU upang hindi na maulit ang mga ganitong animal cruelty.
01:27Nagpagawa ako ng disolusyon sa SB ngayon para anuhin ang mga ganon ng klase na aksyon.
01:35Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kuhanan ng pahayag ang sospek.
01:39Para sa GMA Integrated News, Sandy Salvasio, Nakatutok, 24 Oras.
Comments