State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Kansilado na ang Philippine passport ni dating Congressman Zaldico ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:06Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs at PNP na makipag-ugnayan sa mga embahada sa ibang bansa para matuntun si Co.
00:15Ayon sa DFA, prinoseso ang pagkansila kaninang alas 5 ng hapon.
00:20Isinigawa ito alinsunod sa resolusyong ibinaba ng Sandigan Bayan at sa utos mismo ng Pangulo.
00:25Sa huling impormasyon ng DILG, sa Portugal nagtatago si Co na meron din umanong Portuguese passport.
00:33Sabi ng abogado ni Co, wala siyang natanggap na impormasyon kaugnay sa kansilasyon.
00:38Tanging ang motion to cancel passport na inihain ng ombudsman sa Sandigan Bayan 5th Division pa lamang ang kanyang natatanggap.
00:45At may panahon pa raw sila para umapila.
00:49Walang awang pinagpapalo ang isang aso sa Mountain Province hanggang sa mamatay.
00:53Arestado na ang lalaking nagmalapit na posibleng naggalit daw dahil inihian siya ng aso.
01:00May report si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
01:06Sa gilid ng umpukan ng mga tao, biglang hinataw ng lalaking yan ng dos por dos ang American bully na si Axel.
01:14Hindi pa siya nakuntento.
01:19Hinabol sa kamuling pinalo ang walang kalaban-laban na aso.
01:23Namatay kalaunan si Axel.
01:25Nag-viral sa social media ang video na kunan sa barangay Saklit sa Dangga Mountain Province.
01:30May belief kasi kami na pagkaihiyan ka ng aso, may malas o kamatayan yun.
01:38Sa galit niya siguro, nagawa niya yun sa harap ng mga tao.
01:43Sinampahan na ng kaso ang lalaki na driver ng lokal na pamahalaan,
01:48ang Animal Kingdom Foundation, maring kinundina ang brutal na pananakit sa hayo.
01:53Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makuhanan ang pahayag ang sospek.
01:57Tila nagsusumbong naman ang kambing na ito habang iika-ika sa paglakad at may bakas ng dugo sa Kabanatuan City, Nueva Ecija.
02:08May bakas din ng matulis na bagay ang leeg nito.
02:12Paniwala ng may-ari na pagtripa ng kambing.
02:14Sino ba namang matinong taong gagawa niyan? Kahit pa paano po eh may buhay yan.
02:19Any form of maltreatment, cruelty, exploitation, and abuse is considered animal cruelty.
02:28Other acts of maltreatment, inflection of unnecessary injury, or maltreatment is considered a criminal offense under our Animal Welfare Act.
02:38Natagpuan namang nakabigti sa puno ang kalabaw na iyan sa Ibahay-Aklan.
02:43Ikinababahala ito ng mga magsasakat residente lalot hindi ito ang unang beses na nangyaring may pinaslang na kalabaw at baka sa kanilang lugar.
02:52Inaalam pa kung sino ang may kagagawa nito at ano ang motibo.
02:56Alinsunod sa Animal Welfare Act, sino mang mapapatunayang nagmamaltrato ng mga hayop ay maaaring makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon
03:04at pagmumultahin ng hanggang 100,000 piso.
03:08Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:22Ibinasura ng prosekusyon ng reklamo laban sa aktres na si Gretchen Barreto at sampung iba pa, kaugnay sa mga nawawalang sabongero.
03:29Ibinasura rin ang kaso laban sa magkapatid na Dondon at Ella Kim Patidongan na tinanggap na bilang mga state witness.
03:37May report si Chino Gaston.
03:41Walang iba kundi si Ms. Gretchen Barreto.
03:45100% na may kinalaman siya at gawa na ang bloggy sila magkasama ni Mr. Atong Ang.
03:51Isa ang aktres na si Gretchen Barreto sa mga idinawit ng whistleblower na si Dondon Patidongan sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
03:59Sabi ni Patidongan noon, kasama si Gretchen sa tinatawag na Alpha Group at sumangayong iligpit ang mga nandaya umanong sabongero.
04:07Inireklamo si Barreto ng mga kaanak na mga sabongero ng multiple murder, kidnapping with serious illegal detention at iba pa.
04:14Pero ibinasura ito ng Department of Justice Panel of Prosecutors.
04:19Espekulasyon lang daw at walang ebidensya ang mga akusasyon laban kay Barreto at sampung iba pang sinasabing membro ng Pitmaster Alpha Group.
04:27Ang sabi lang daw kasi ng magkapatid na Patidongan, dumalo lang sila Barreto sa mga meeting kung saan umano na pagdesisyon ng parusahan ang mga sabongero.
04:37Pero walang ebidensya ang nagbigay sila ng direktang utos o sumangayon kaugnay sa pagdukot sa mga sabongero.
04:45Sa isang pahayag, nagpasalamat ang kampo ni Barreto sa mga sumuporta sa kanya at muling iginiit na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabongero.
04:54Dinismiss din ang lahat ng reklamo laban sa magkakapatid na Dondon at Elakim Patidongan na barehong nagtrabaho para kay Ang.
05:01Tanggap na sila bilang state witness.
05:04Dahil hindi rin daw sapat ang ebidensya, hindi kakasuhan si dating NCRPO Chief Jonel Estomo at si Police Col. Jacinto Malinaw Jr. na idinawit ni Patidongan.
05:16Kagabi, inanunsyo ng DOJ na inirekomendang kasuhan ng kidnapping and homicide and or kidnapping and serious illegal detention si Charlie Atong Ang at 21 iba pa.
05:27Sabi ng kanyang abogado, nasa Pilipinas si Ang at maghahain sila ng motion for reconsideration.
05:35Di raw patas ang resolusyon ng DOJ dahil tila di daw na isama ang mga affidavit at ebidensya na galing sa kanila.
05:42Doon po sa mga ebidensya namin, halimbawa, may sampung affidavit po na yung mga testigo namin na naka-file sa CIDG.
05:56Ngunit yun po sampung affidavit na yun na hindi na nakidulog sa DOJ at dito si mismo sa resolusyon, hindi man lang nabanggit yung sampung affidavit na puno.
06:09Ang mga kaanak naman na mga nawawalang sa bongyero, baga man natutuwa na umuusad na ang kaso, ay naniniwalang may mga personalidad na dapat ding nakasuhan.
06:20Maasa kami na mabigyan ng pag-asa itong mga kapamilya namin, kapamilya ng mga biktima para sa ganun.
06:27Makita nung taong bayan na may pag-asa pa tayo.
06:30Yung pag-asang yun, maaaring mawala kung makikita namin na hindi gugulong ng tama kung gagana yung impluensya at pera.
06:42Tiniyak naman ng Malacanang na naging mapanuri at maingat ang proseso ng pagbuo ng kaso.
06:48Ang nais naman lagi ng Pangulo ay dapat kung magsasampan ng kaso, ito'y naaayon sa ebidensya.
06:54Ayaw niya po ng agarang pag-iimbestiga tapos walang ebidensya dahil kawawa naman timpo ang mga inosenteng tao.
07:01Chino Gaston, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:04Developer ng The Rise at Monteraza sa Cebu City, kinasuha ng DENR.
07:15Sabi ng DENR, nilabag ng high-end residential project ang Revised Forestry Code,
07:20isang proyekto na nasa gilid ng bundok sa mga sinisi na mga residente ng bumaha noong Bagyong Tino.
07:28Sinusubukan ng GMA News na makuha ang pahayag ng Month Property Group
07:33na nagmamayari ng proyekto.
07:35Dati na nilang pinabulaanan ang mga paglabag na pinuna ng DENR
07:40kabilang ang pagpuputol o mano sa mahigit pitong daang puno.
07:46Davao City Representative Paulo Duterte
07:49humingi ng travel clearance mula sa Kamara para makabiyahe sa labing pitong lugar abroad.
07:55Sa kopyang nakuha ng GMA Integrated News mula sa isang source,
07:59kabilang ang The Netherlands sa mga naispuntahan ni Duterte,
08:03mula December 15 hanggang February 20, 2026.
08:08Nakasaad din sa liham na manggagaling sa personal na pondo ni Duterte
08:12ang gagamitin sa biyahe.
08:14Tinesyon niya ni ACT Teachers Party List Representative Antonio Tino.
08:19Kinatawan daw ba si Duterte ng distrito o ng Miss Universe?
08:24Hindi raw magandang payagan ang mga personal na lakad sa panahong may sesyon.
08:28Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:37Huli kamang panaloob sa isang bahay sa Bacolod City.
08:42Sunod na ginalugad ng aparador at iba pang gamit sa loob ng bahay.
08:46Tinangay ng sospek ang bag na may lamang laptop, cellphone at tablet
08:50na nagkakahalaga ng mahigit 60,000 pesos.
08:54Namukha ng may-ari ang bahay ng sospek.
08:57O ang bahay...
08:59Kinaha...
09:00Namukha ng may-ari ng bahay ang sospek.
09:04Kahawig din daw nito nang naloob din sa kanilang lugar noong 2023.
09:08Tingin naman ang polisya, posibleng planado ang pagdanakaw
09:11batay sa galawan niya sa CCTV.
09:15Simula bukas, 150 pesos na ang magiging maximum suggested retail price
09:20ng Pulang Sibuyas.
09:22Sa Nueva Ecija naman, itatayo ang kauna-unahang
09:24Agricultural Machinery Manufacturing Complex ng bansa.
09:29May report si June Veneracion.
09:30Sa loob ng 20 hektaryang lupain na ito sa Kabanatuan City, Nueva Ecija,
09:38itatayo ang isang multi-billion peso Agricultural Machinery Manufacturing Complex
09:43ang kauna-unahan sa Pilipinas.
09:46Ang complex ng Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative
09:50ang magsisilbing assembly at manufacturing plant
09:53na mga gamit pang agrikultura tulad ng mga tractor.
09:56Ngayon kasi, puro imported ang mga makabagong agricultural machinery.
10:01I truly believe that agriculture is the soul of our economy.
10:09This is why we will continue to advance the agricultural sector
10:12with technology and the support that our farmers rightly deserve
10:17suited to the demands of the modern world.
10:21Kasabay nito ay namahagi ang Department of Agriculture
10:23ng mahigit 40 four-wheel drive detractor sa mga farmer beneficiary.
10:28Malaking ginawa na ito sa amin.
10:30Eh, mapapagaan po yung aming pagsasaka.
10:34At least po yung mga kapwa naming magsasaka.
10:37May magagabit na po silang machinery.
10:40Sa harap naman ang mataas na presyuhan ng Pulang Sibuyas,
10:43simula bukas ay magpapatupad ang Department of Agriculture
10:46ng Maximum Suggested Retail Price o MSRP
10:49na 150 pesos kada kilo.
10:53Sa monitoring ng ahensya,
10:54nasa 225 pesos kada kilo na ngayon,
10:57ang average retail price ng Sibuyas sa merkado.
11:00Itinaas ang MSRP mula sa kasalukuyang 120 pesos
11:04dahil na rin sa mababang supply mula sa China,
11:07ang pangunahing pinagkukuda ng Sibuyas
11:09at ang mahinang piso kontra dolyar.
11:12June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:16May dalawang ginto na ang Pilipinas sa 2025 Southeast Asian Games.
11:22Pinakahuli rin ang mula sa women's swimming team
11:25sa 4x100 freestyle relay.
11:28Bago nito, nanalo ng gold si Justin Kobe Macario
11:31para sa freestyle pumse ng taekwondo.
11:34Sa kabuuan, may labing tatlong medalya na ang Pilipinas
11:37sa SEA Games, dalawang silver at siyam na bronze.
11:41Sa gitna naman ng kompetisyon,
11:42pinauwi ng Cambodia ang lahat ng atleta nito.
11:46Dahil yan, sa seryosong pagkabahala
11:48at sa hiling na rin ng pamilya ng mga atleta,
11:51bunsod ng tumitinding tensyon
11:53sa pagitan ng Cambodia at ng host country na Thailand.
12:00Ms. Grand International 2024 CJ Opiazza
12:04at 2025 Emma Ticlao may balak-sumabak sa Miss Universe.
12:09I will do my responsibilities and duties first.
12:12Yes, you're Miss Grand International 2025.
12:15Let's see what stars shine brighter.
12:19Tara, samahan niyo ako at mag-unbox tayo.
12:22Dennis Trillo, natanggap na ang trophy
12:25para sa Best Actor Award sa Asian Academy Creative Awards 2025
12:29para sa pelikulang Green Bones.
12:32Ipinasilip niya ang trophy sa isang unboxing video.
12:35Ito ay naalay ko rin sa lahat ng mga kasamahan kong gumawa ng pelikula,
12:39sa pamumuno ni Direk Zig Dulay,
12:41sa lahat ng mga artista, sa lahat ng mga tao sa likod ng kamera,
12:45sa aking pamilya na nagbibigay ng lakas.
12:47Beyond grateful din si Pitch Perfect star,
12:53Rebel Wilson at wife Ramona Agruma
12:56para sa New Blessing,
12:57ang kanilang baby number two announcement
12:59pinusuan ng netizens.
13:01Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment