Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago pa man ang opening ceremony ng 2025 SEA Games ngayong gabi,
00:05napasabak na bo sa iba't ibang sports event ang Team Pilipinas sa Thailand.
00:10Saksi si Jonathan Andal.
00:15Dagsasalabas ng Radyo Mangala Stadium ang mga gustong manood ng opening ceremony at parada
00:21ng mga atletang kalahok sa 2025 SEA Games.
00:24Kabilang dyan ang ilang turistang Pinoy na itinaon daw talaga ang bakasyon sa panahon ng SEA Games
00:29para suportahan ang mga atletan ng Pilipinas.
00:33Go Pilipinas! Laban Pilipinas!
00:36Go Philippines!
00:37EJ Obiena, definitely. He's a hero within the athletics field.
00:44Support our Filipino athletes. I flew all the way from the Philippines for this SEA Games
00:49and it will be my first time to experience the parade of flags, the parade of the athletes.
00:56May special lane ng mga foreigner gaya ng mga Pinoy
00:59dahil kailangan nilang dumaan sa immigration officers
01:01at ipakita ang passport bago makapasok sa stadium.
01:05Dagsana po ngayon yung mga taong manonood ng opening ceremony ng SEA Games
01:08ngayong araw dito sa Bangkok, Thailand.
01:11Itong mga tao na ito, dito po sila dadaan sa tatlong layers ng security.
01:15Meron isa rito, pangalawa dito sa mga polis,
01:18tapos may pangatlong layer pa doon sa staff ng programa.
01:22Matindi yung siguridad dito dahil ang manonood po mamaya ng opening ceremony
01:26at yung parada ng mga atleta ay yung royal family ng Thailand,
01:29yung kanilang Hari at Reina.
01:31Dito po yan mangyayari sa Rajamangala National Stadium.
01:34Ito ang barong na susuotin ang delegasyon ng Pilipinas sa parada.
01:39Tampok sa obra ng Filipino designer na si Abel Bakudio
01:42ang burdan ng laro ng lahi o ang mga larong Pinoy
01:45gaya ng tumbang preso, patintero, luksong baka at iba pa.
01:49Gawa ang mga ito sa abaka, piña, water hyacinth, kawayan at saging.
01:54Ang flag bearer ng Team Pilipinas na si Alex Yala
01:57nag-training agad kahapon pagdating dito sa Bangkok.
02:00Ang isa pang flag bearer na si Brian Bagunas
02:02nasa Bangkok na rin kasama ang kanyang volleyball team na Alas Pilipinas.
02:06Tuloy ang SEA Games kahit nagbabakbakan ngayon ng Cambodia at Thailand
02:10sa kanilang border na malayo naman sa Bangkok at Chonburi
02:14na venues ng mga sport event ng SEA Games.
02:17Pero ang Team Cambodia iniatras na noong nakaraang buwan pa
02:20ang kalahati ng mga atleta nila sa walong sports sa Thailand
02:24gaya ng football, wrestling, judo, karate at petangke
02:28dahil nababahala sa kaligtasan.
02:31Kahapon, nagpakawala ng airstrike ang Thailand sa Cambodia.
02:35Matapos silang kapwa akusahan ng isa't isa na unang nagpaputok
02:38at lumabag sa kasunduang tingilputukan
02:40na pinangasiwaan pa noon ni US President Donald Trump.
02:44Sabi ng Thailand, isang sundalo nila ang namatay.
02:47Sabi naman ng Cambodia, apat na sibilyan nila ang namatay.
02:51Samantala, bago ang opening ceremony,
02:53nakipagbakbak ka na ang Team Pilipinas
02:55sa iba't ibang sports events sa Thailand.
02:57Kahapon, sa kauna-unahang pagkakataon,
03:00makalipas ang hitatlong dekada,
03:01nakapasok na ang Pilipinas sa medal rounds
03:04o semis ng SEA Games men's football
03:06matapos talunin ang Indonesia.
03:08Ang atin namang men's baseball team na defending champion,
03:12wala pang talo.
03:13At nakakaapat na panalo na sa preliminary rounds
03:15matapos silang tambakan ang Vietnam
03:17kaninang umaga, 20 to 1.
03:19Mula rito sa Bangkok, Thailand,
03:22ako si Jonathan Andal
03:23ng GMA Integrated News
03:24at Filipino Olympic Committee Media
03:26ang inyong saksi.
03:28Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:31Mag-subscribe sa GMA Integrated News
03:33sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended