00:00Mahigit sa labing siyam na libong Pilipino ang tinamaan ng thyroid cancer sa Pilipinas
00:05ayon sa Philippine Cancer Registry.
00:08Yan ang ulat ni Pian Manalo.
00:11November 2021, nang magkaroon ng bukol sa leeg ang 22-year-old na si Marjorie.
00:17Hindi niya ito pinansin sa pag-aakala nga simpleng kulani lang ito.
00:21Ang ipinagtataka lang ni Marjorie, bagamat nadaragdagan ang bukol,
00:26wala siyang sakit na nararamdaman.
00:27May 2022, nang magpakonsulta na siya sa espesyalista.
00:32At dito na niya nalaman na may thyroid cancer na pala siya.
00:36Halos gumuho ang kanyang mundo nang malaman nito.
00:39Nung nakita po ng doktor na cancerous po pala,
00:43papillary carcinoma level 1.
00:46Nagulat po actually kasi sabi nila na at this age po parang hindi naman,
00:53parang rare po na maggaroon ng cancer siya.
00:58Dalawang beses inoperahan si Marjorie para maalis ang mga bukol.
01:02Aminado siya na malaki ang naging epekto ng sobrang stress sa trabaho
01:06at unhealthy lifestyle gaya ng pagkain ng mga unhealthy food
01:10sa pagkakaroon niya ng thyroid cancer.
01:12At dahil inalis na rin ang kanyang thyroid gland,
01:15apektado rin ang kanyang resistensya at hormonal imbalance.
01:19Kapag wala ka na palang thyroid, is medyo ano ka na,
01:23yung katawan mo is slow na gumalaw, medyo hirap ka na.
01:29So dapat talaga, inaalagaan natin ng maayos yung katawan natin.
01:34Bagamat cancer free na, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang blood check-up kada 6 na buwan
01:39at pag-inom ng levothyroxine araw-arawa
01:41para hindi lumipat ang cancer cells sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
01:46Make sure lang na kapag na-restress tayo sa work or sa life,
01:53dapat balanse pa din.
01:54Dapat yung health natin is yung isa sa mga top priority natin.
02:00Sa tala ng Philippine Cancer Registry,
02:02nasa may gitlabing siyam na libo ang tinamaan ng thyroid cancer sa Pilipinas.
02:07Mas marami sa mga babae kumpara sa mga lalaki.
02:11Ayon pa sa Philippine Thyroid Diseases Study,
02:14aabot sa 8.3% ang paglaganap ng thyroid function abnormalities sa buong bansa.
02:20Ayon kay Dr. Herdy Glorien C. Luna,
02:22oncologist mula sa Philippine Cancer Society,
02:25mahalaga ang early consultation para maiwasan ang thyroid cancer.
02:30Agad na magpatingin sa espesyalista sakaling magkaroon ng bukol sa leeg.
02:35According to Global Gun 2022,
02:37it ranks number 7 in terms of incidence.
02:41Deaths, it's around 47,000 deaths globally.
02:45So it ranks number 24.
02:46So it's something na we need to also to look into
02:50because thyroid is external, dito siya sa leeg.
02:53There are those benign, there are those malignan.
02:56But we need consultation to double-check everything.
03:00Hindi lang siya kaya ng kapain.
03:02Importante rin anya ang tamang pangangalaga sa kalusugan,
03:06pagkain ng tama at pagtiyak sa tamang timbang.
03:09Samantala, isinama na rin ang Philippine Health Insurance Corporation of PhilHealth
03:13sa benefit packages nito,
03:15ang congenital hypothyroidism, chronic thyroiditis at sakit sa parathyroid gland
03:21na umaabot sa mahigit 15,000 piso hanggang 23,000 piso.
03:27At mahigit 15,000 piso hanggang higit 70,000 piso
03:30para naman sa thyroid biopsy, partial thyroid lobectomy at thyroidectomy.
03:36Maari itong ma-avail sa lahat ng PhilHealth Accredited Hospitals sa buong Pilipinas.
03:42Bien, Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.