00:00Naglunsad ng programa sa Navotas ng Department of Health para matukoy ang mga mangisda na may tuberculosis at mabigyan po sila ng tulong.
00:07Yan ang ula ni Denise Osorio.
00:12Sa pagdiriwang ng National Long Month, mismong sa Navotas Fishport Complex inilunsad ng Department of Health,
00:19katuwang ang Navotas LGU, Philippine Fisheries Development Authority, PhilHealth, Maynilad, Philippine Business for Social Progress Incorporated at Cullion Foundation Incorporated,
00:32ang malawakang programa laban sa tuberculosis, ang Nationwide Active Case Finding.
00:38Dito, unang nakinabang ang mga residente na karamihan ay mangingisda at mga pamilya nila.
00:43Masaya po, kasi po lahat ng mga pangangailangan na lalapit na po namin dito sa mga patulad po ng paggamot sa mga TV,
00:54sa mga pangangailangan po sa mga may mga sakit.
00:58Kasi po lahat po nang mahihirap, hindi na po kailangan mamblema na kung saan sila magpapacheck up sa may bayad.
01:04At least kahit ngayon may sakit ka, madali ka na lumapit kahit sa hospital kasi libri na po lahat ng pacheck up natin.
01:11Kagaya ni Rizalina, marami ang nagpapasalamat sa programang hindi lang nagbibigay ng libring gamot,
01:17kundi nagpapadali rin makalapit sa servisyo ng kalusugan.
01:21Kabilang dito si Mercedita Perez na hirap ng makalakad, pero nagkaroon ng pagkakataon na makapagpatingin.
01:28Kasi maanong, makakapagpatingin ka na nang maanong.
01:33Kaming maraming salamat at nagkakataon na kami na maanong kami sa akin.
01:42Kasama niya ang kanyang anak na si Maureen Bondok,
01:46na nagbigay diin sa kahalagahan ng tulong ng pamahalaan para sa mga pamilya na walang sapat na kwarta.
01:51Malaking bagay po talaga itong programa na ito, kasi lalo na kung wala namang kaming mga kapaw,
01:58tapos wala na siyang asawa, tapos ako nag-iisa lang po ako anak.
02:02Kaya malaking bagay po talaga itong programa.
02:05Mismong Navotas Fishport ang pinili bilang sentro ng aktividad,
02:09dahil sa likas na siksikan at delikado sa hawaan.
02:13Dito sa Fishport, pag dumating talaga yung isda dyan,
02:17dikit-dikit rin po yung mga tao at puyat sila dahil babaan ng isda po dyan
02:22ay kadalasang gabi hanggang madaling araw.
02:26Tapos siyempre minsan malamig, tapos mapapawisan.
02:30Okay, so natutuyo yung pawis.
02:33So vulnerable sila na magdasakit.
02:35Ayon naman sa Department of Health,
02:37hindi lang servisyo ang inilalapit nila sa ating mga kababayan,
02:41kundi ang pagpapaunawa na mayroon ng gamot ang TB at dapat huwag ikahiya.
02:47Isa sa mga malalang problema natin ang tuberculosis
02:51at kasama na rin dyan yung tinatawag nating stigma,
02:54na iniiwasan nila yung mga taong may sakit na tuberculosis
02:59dahil takot silang mahawa
03:01o kaya ay takot magpagamot yung mga taong madadiagnosed na may tuberculosis.
03:07Hindi nila alam na ang tuberculosis po ay nagagamot na.
03:10Dagdag ng DOH,
03:12kailangan rin magpatingin ang mga kasama sa bahay ng mga may tuberculosis
03:16para masigurong hindi sila asimptomatic.
03:19Kasi dun sa mga nadedetect natin na mga may active tuberculosis,
03:23yung mga kasamahan nila sa bahay,
03:24yung mga nakakasalamuha nila,
03:26kahit wala pa silang mga simptomas,
03:28kung kasama sa bahay ay may sakit na tuberculosis,
03:31meron din mo tayong programa,
03:32tiyatawag nating TB Preventive Treatment.
03:35Ayon sa datos ng DOH,
03:37noong 2024,
03:38higit 2.7 million ang na-screen sa NCR,
03:41lagpas 100% sa target.
03:44Umabot sa 278,000 ang na-test
03:46at 40,000 ang na-kumpirmang TB cases.
03:50Ngayong 2025,
03:51mas mataas na ang target.
03:53Halos 2.8 million na screening
03:55at higit 61,000 kumpirmadong kaso
03:58ang nais matukoy.
03:59Sa partial report ngayong taon,
04:02nasa 1.2 million na ang na-screen
04:04o 45%,
04:06mahigit 148,000 ang na-test
04:08o 52%
04:10at higit 16,000 ang kumpirmado.
04:13Ipinakita ng temang
04:14for a TB-free nation,
04:16Youth Can End TB,
04:18na mula kabataan,
04:19lokal na pamahalaan,
04:21hanggang national government,
04:22kayang maabot ang pangarap na
04:24TB-free Philippines pagsapit ng 2035.
04:28Denise Osorio,
04:29para sa Pambansang TV
04:30sa Bagong Pilipinas.