Skip to playerSkip to main content
Kaugnay nga sa isyu ng mga nawawalang sabungero inirekomenda ng Department of Justice na kasuhan ng kidnapping with homicide si Atong Ang at 21 iba pa kabilang ang ilang police official. May rekomendasyon ding kasuhan si Ang at iba pa ng 16 counts of kidnapping with serious illegal detention.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kaugnay po sa issue ng mga nawawalang sabongero,
00:04idirekomenda ng Department of Justice na kasuhan ng kidnapping with homicide si Atong Ang
00:10at 21 iba pa, kabilang ang ilang police official.
00:14May rekomendasyon ding kasuhan si Ang at iba pa ng 16 counts of kidnapping with serious illegal detention.
00:22Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:25Sandra.
00:26Yes, Vicky, kasama nga ang negosyanteng si Charlie Atong Ang sa inirekomenda ng Department of Justice na kasuhan,
00:37kaugnay nga po yan sa missing sabongeros at 10 counts ng kasong kidnapping with homicide
00:44ang inirekomenda laban kay Ang at 21 iba pa, kabilang sa listahan ng pinakakasuhan,
00:52ang mga opisyal ng pulisya, kabilang si na Lt. Col. Ryan J. Orapa, Police Major Philip Almedilla at iba pa.
01:00May hiwalay pa na 16 counts of kidnapping with serious illegal detention na irekomenda
01:06na isampalaman kay Ang, Orapa at Almedilla at ilang dyan dos o hindi pa nakikilala mga pulis sa grupo ni Orapa.
01:15Ayon sa DOJ, isasampa ang mga kaso sa iba't ibang RTC, kabilang na ang Lipas City, Santa Cruz Laguna at San Pablo Laguna.
01:24Nangangahulugan po na binigyang bigat ng panel of prosecutors ang mga testimonya ng whistleblower na si na Julie Dondon Patidongan
01:32at kanya mga kapatid na si na Ella Kim at Jose, pati na po ang salaysay na isa pang tauhan ni Ang.
01:39Matatanda ang itinuro ni Patidongan si Ang bilang mastermind sa pagdukot ng mga nawawalang sabongero
01:45mula 2021 hanggang 2022 sa iba't ibang lugar sa Bulacan, Maynila, Laguna at Batanga.
01:52Sinabi pa ni Patidongan na pinatay na raw ang mga sabongero at tinapon ang mga labi sa Taal Lake.
01:59Tinawag naman ng abogado ni Ang na si Attorney Gabriel Villarreal na depektibo at hindi patas ang rekomendasyon ng DOJ.
02:09At sila daw po ay maghahain ng motion for reconsideration para ito'y mabaliktad.
02:17Sa ngayon Vicky Ayad, sinusubukan pa nating kunin ang panig ng iba pang nirekomendang kasuhan.
02:24Yan muna po ang pinakahuling ulat. Balik sa iyo Vicky.
02:27Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended