00:00Hindi lang simpleng kaso ng Kidnap for Ransom ang nangyaring pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Anson K. at kanyang driver.
00:08Sabi ng PNP, matagal ng planong patayin si K. ng mastermind na patuloy na tinutugis ng polisya.
00:16Nakatutok si June Veneracion.
00:20Sa loob ng unit number 345 ng apartment na ito, sa Maykawayan, Bulacan, na tila scam hub umano ang setup,
00:28sinasabing itinago ng mga kidnapper, ang negosyanteng si Anson K. at kanyang driver na si Armani Pabillo sa loob ng sampung araw.
00:37Sa nabanggit na apartment din umano sila pinatayin noong April 8, bago itinapo ng kanilang mga katawan sa Rodriguez Rizal.
00:43Lumabas na rin po yung result po ng autopsy.
00:47Ang nakalagay po doon na cause of death po ay aspeak siya by manual strangulation.
00:52So sinakal po sila. Ang pinansakal po sa kanila ay yung lubid.
00:55Ang lubid na pinansakal kina K. at kanyang driver ay kabilang sa mga nakuhang ebidensya sa loob ng apartment.
01:01Bukod sa mga sapatos at iba pang gamit ng mga biktima, nakakolekta rin ang PNP ng kanilang DNA sample sa loob ng unit.
01:08Base sa extrajudicial confession ng mga arestadong sospek na sina Richardo Austria at Raymart Catequista,
01:15silaan nila ang pumatay kay K. at kanyang driver.
01:18Kung pisal pa nila sa pulis siya, ang nag-utos sa kanila ay si David Tan Liao na nasa police custody na rin.
01:25Pinatay ang Chinese businessman kahit nagbayad ang pamilya ng ransom na cryptocurrency na ang katumbas na halaga ay milyong-milyong piso.
01:33This is not an ordinary kidnap for ransom operation.
01:38The objective really, ang tinitignan natin is to really kill Anson Tan.
01:43Nasampahan na ng reklamong kidnap for ransom with homicide ang tatlong sospek.
01:47Pinagahanap pa ang isang babae at isang lalaking Chinese, nakasama rin ang muna sa krimen.
01:52Ang tanong ngayon, sino ang mga utak sa krimen?
01:56Umaasa ang PNP na sa loob ng linggong ito ay makakapagsampala sila ng reklamong kidnap for ransom with homicide
02:02laban sa mga mastermind na kumontrata sa grupong dumukot at pumatay kay na Anson Keh at kanyang driver.
02:09We want to make sure na airtight po yung mga ebidensya po natin bago po natin maipile,
02:15makapag-file po tayo ng supplemental complaint affidavit with respect po doon sa mga possible mastermind.
02:22Limang kidnapping cases na ang kinasangkutan ni Liao kabilang ang pagdukot at panggagahasa
02:27o mulos ang sinasabing finance officer ni dating Banban Mayor Alice Goh noong December 2024.
02:33Sa kabila nito, legal na nagmamayari ng pitong baril si Liao, bagay na pinaiimbestigahan ni PNP Chief Romel Francisco Marbil.
02:41May komento rin ang PNP, kaugnay ng mga naglalabasang litrato ni Liao kasama ang mga kinalang politiko at personalidad.
02:49If you research ngayon po si David Tan Liao, you would see kung sino po yung mga personalities na nakakabing elbows po niya.
02:59Again, sabi nga natin, it does not prove anything.
03:01Para sa GMA Integrated News, June Veneraciona Katutok, 24 Horas.
Comments