00:00Kaugnay naman sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court hanggang dalawang testigo
00:05ang posibleng ipatawag ng prosecution sa confirmation of the charges hearing para po sa kasong murder as a crime against humanity.
00:13Humiling na ang ICC prosecutor ng proteksyon pat para maitago ang pagkakakinalan ng mga testigo.
00:19Isinasapinal pa rao ng ICC prosecutor kung gaano karami ang ebidensyang gagamitin laban po sa dating Pangulo.
00:25Sa ngayon, isasama pa rin daw ang karamihan sa mga ebidensyang ginamit para sa arrest warrant ni Duterte noong Marso.
00:32Binubuo po ito ng higit 8,000 pahina ng mga dokumento, siyam na larawan at halos 16 na oras na audio-visual files.
00:41July 1 ang ibinigay na deadline ng ICC Pre-Trial Chamber 1 sa prosekusyon para po isumiti lahat ng ebidensyang gagamitin.
00:47Sa confirmation of the charges hearing sa September 23, inatasan din ng mga ICC judge ang prosecution panel
00:54na tukuyin kung ang ebidensya ay incriminating o nagdidiin sa dating Pangulo sa krimen o exonerating o nagpapawalang sala sa kanya.
01:03Ayon sa prosecution, may ebidensya silang pinag-aaralan na pwedean nilang magamit para mapawalang sala ang dating Pangulo
01:09batay sa mga inaasakan nilang argumento ng defense team.
01:13I-binasura naman ng mga ICC judge ang hiling ng defense team na limitahan lamang ang mga tatanggaping ID ng mga testigo.
01:20Inaprubahan ng Pre-Trial Chamber 1 ang listahan ng mga ID na inisyo sa Pilipinas para gamitin ang mga biktima o witness sa ICC
01:27bilang konsiderasyon na hindi lahat may passport o national ID card at kung wala raw maipakitang dokumento ID.
01:35Pwedeng magsumiti ng pirmadong sertifikasyon mula sa dalawang tao na magpapatunay sa pagkakakilanlan ng testigo
01:41sa kasusuriin ng mga judge kung lehitimo o katanggap-tanggap ito.
Comments