Skip to playerSkip to main content
Pansamantalang inalis sa puwesto ang limang pulis sa Pampanga matapos ang na-hulicam na panloloob nila sa isang bahay at pagtangay roon ng P14 milyon cash.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Pampanga, pansamantalang inalis sa pwesto ang limang polis matapos ang nahulikam na panloloob nila sa isang bahay at pagtangay roon ng labing apat na milyong pisong cash.
00:11Nakatutok si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:18Pasado alas 8 ng gabi noong November 25, nang looban ng limang armadong lalaki ang isang bahay sa barangay Santa Cruz, Porak, Pampanga.
00:27Tinutukan ng baril ang mga nakatira sa bahay at dinala sila sa banyo.
00:30Agad ding tumakas ang mga sospek tangay ang labing apat na milyong pisong cash ng pamilya.
00:35Kinabukasan na na-report ang pangyayari matapos itawag ng isang concerned citizen.
00:39At matapos ang investigasyon, lumabas na mismo mga kabaro-umano nila ang limang nanloob sa bahay.
00:45Apat mula sa Angeles City Police at ang isa mula sa Zambales Provincial Police Office.
00:50Nag-imbestiga tayo, tuloy-tuloy ang investigasyon natin.
00:53And based on investigation natin, may mga nakikita tayong evidence nag-delink sa polis.
00:59Kinumpirma ng Regional Director ng Central Luzon Police na temporarily relieved o sibak sa kanilang pwesto ang limang polis
01:06habang nagpapatuloy ang kanilang investigasyon sa krimen.
01:09Bumuo na rin daw sila ng Special Investigation Task Group.
01:12We received an anonymous letter.
01:15Yung anonymous letter na yun containing, galing yun, allegedly ga itong letter na ito,
01:19galing ito sa men and women of Station 2 ng Angeles City Police Station.
01:24Sila ang naglagay ng ito yung mga involved doon sa insidente.
01:27To give way doon sa ating ginagawang investigation, doon sa possible involvement ng lima,
01:32kaya natin pinare-leave sila sa post.
01:34Tiniyak ng Central Luzon Police na tuloy-tuloy ang pangangalap ng ebidensya
01:38at kapag natapos ang investigasyon ay agad nilang ihahain ang nararapat na mga kaso
01:42laban sa sinumang mapatunay ang sangkot.
01:45Hindi muna pinangalanan ang limang polis na umunoy sangkot sa insidente.
01:49Wala pa rin silang pahayag.
01:50Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
01:53Sandy Salvasho, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended