Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Mga Kapuso, ngayong gabi, ibibida natin ang sustainable way to produce "mud crabs" kung saan gumagamit ng tinatawag na crab condominium technology na gawa sa recycled plastic at recirculating aquaculture system. Interesting? tara, let's change the game!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong gabi ibibida natin ang sustainable way to produce mud crabs
00:16kung saan gumagamit ng tinatawag na crab condominium technology
00:20na gawa sa recycled plastic at recirculating aquaculture system.
00:25Interesting? Tara! Let's change the game!
00:30Katakam-takam kahit anong klase ng luto at kahit pa challenging buksan.
00:38Internationally in demand na nga ang mud crabs, bagay na napapakinabangan ng Pilipinas.
00:44Katunayan, pangalawa ang Pilipinas sa top exporters nito
00:47at nakapagbenta na ng 5 milyong kilo ng mud crab sa global market in 2024.
00:53Pero ang pag-produce nito, hindi rin pala madali.
00:57For mud crabs farming kasi, since open waters yung usual, yung traditional,
01:04it's more prone in pollutants na nakakapag-affect dun sa mga quality ng alimango.
01:11Yung crabs kasi, ano siya, carnivorous.
01:13Nagpapatayan sila sa loob ng ponds.
01:16Kaya malaki yung mortality rate nila.
01:18Para mapadali ang pagpaparami sa mud crabs,
01:22pinuon ang Delasol College of St. Benilde alumna na si Orange Silverio, ang tambanokano.
01:28Naayunin ang bumuo nito ang makapag-produce ng mga gandang klase ng mud crabs
01:32sa pumamagitan ng crab condominium at pag-adapt sa recirculating aquaculture system.
01:37At ang unang unique feature ng tambanokano, ang crab condominium technology.
01:44Bawat mud crab, nakatira sa isang condominium unit na gawa sa recycled plastic waste.
01:50Dito sila nabubuhay for 15 to 20 days.
01:53Nilagyan namin sila ng mga side at saka mga level, mga unit number,
01:57para alam namin kung ilan yung weight niya pagpasok.
02:01Matitiyak din na tama at sapat ang nutrients na nakakuha ng bawat crab.
02:05Isa pang special feature ng tambanokano,
02:08ang recirculating aquaculture system
02:11o yung sistema na kayang malinis ang tubig at magamit muli.
02:15Yung pinakamalinis na water natin is nandito sa tank 1.
02:20Lahat ng water, mapupunta siya dito sa pipes na ito.
02:25So ito yung nag-BBDI or nagsusupply ng mga tubig dito sa crabs.
02:31Dumadaan ito sa iba't ibang stages ng filtration process
02:34para matiyak na tama ang kalidad ng tubig
02:36kapag naibalik sa compartment.
02:38Kapag nasupplyan na ng tubig ang bawat crab sa condominium unit.
02:42Lahat ng tubig dumi, lahat yan,
02:45napupunta yan doon sa tank 2.
02:48Nandito po yung protein steamer natin.
02:51Kine-further clean out niya kung ano yung dumi
02:53na nagpukuha nung system dito sa tubig.
02:58Once na na-filter out na napupunta na po siya dito,
03:02naglalagay po kami ng mga filtering systems.
03:05Babalik po yan doon sa main tank.
03:08Mahalaga na ma-maintain ang water quality
03:10sa ganitong klase ng mudcrab farming.
03:13Ang maduming tubig kasi,
03:14makaka-apekto sa pagkapalaki ng mga alimango.
03:18Ginagamit na ngayon ang tambalokano
03:20ng ilang mga kababayang nais magkaroon ng ikabubuhay.
03:23There you have it mga kapuso,
03:25another game-changing and sustainable way
03:28para makapag-produce ng crabs for consumers.
03:31Para sa GMA Integrated News,
03:33ako si Martin Avere.
03:34Changing the game!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended