Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, may mga lugar nang nasa ilalim ng wind signal dahil sa Bagyong Salome.
00:08Ang mga lugar na uulanin at ang paliwanag kung bakit pababa ang kilos ng bagyo.
00:14Iyakatid ni Amor La Rosa ng Jeremy Integrated News Weather Center. Amor!
00:20Salamat, Emil. Kung para nga sa mga nakaraang bagyo, eh medyo iba ang galaw nitong Bagyong Salome.
00:26Huling namataan ang pag-asa ang sentro ng Bagyong Salome, 215 kilometers north-northeast ng Itbayat, Batanes.
00:33Taglay po ang lakas ng hangin nga abot sa 55 kilometers per hour at yung bugso niya nasa 70 kilometers per hour.
00:40Kumikilos po yan pa west-southwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
00:45Sa latest track na inalabas ng pag-asa, posibleng ngayong gabi o bukas ng madaling araw ay mag-landfall po ito
00:51o kung hindi man direktang tumama ay dadaan po malapit dito sa bahagi ng Batanes.
00:56Pagsapit po ng umaga, may chance ang dumaan din yan dito sa Maybabuyan Islands
01:01at sa bahagi naman ng Ilocos Norte pagdating po ng hapon.
01:05Sabi ng pag-asa, may ilang senaryo rin na posibleng mangyari.
01:09Maari po na manatili ang bagyo bilang tropical depression
01:12pero may chance rin humina bilang low pressure area sa mga susunod na araw.
01:17Pero mga kapuso, hindi din inaalis yung chance na bahagya po itong lumakas at maging tropical storm.
01:23So kung alin man po dyan ang mangyari, humina man o lumakas itong bagyong salumi,
01:27sa biyernes naman ay posibleng nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility.
01:33Paliwanag po ng pag-asa, pababa ang paghilos itong bagyong salumi
01:37dahil po dun sa high pressure area na nasa mainland China.
01:40Sumula po dito, sa high pressure area ay may malamig at tuyong hangin
01:45na tumutulak pa baba dito sa bagyong salumi, papunta dito sa Pilipinas.
01:50Pwede pang magkaroon ng pagbabago kaya tutok lang po kayo sa updates.
01:53Sa ngayon, nakataas ang signal number one.
01:56Diyan po sa Batanes, western portion ng Babuyan Islands
01:59at pati na rin sa northwestern portion ng Ilocos Norte.
02:03Sa mga nabanggit na lugar, posibleng po maranasan
02:05yung pabugsubugsong hangin na may kasama mga pag-ulan
02:08at magiging maalon din kaya delikado pong pumalaot o maglayag
02:12ang maliliit na sasakyang pandagat.
02:15Bukod sa epekto ng bagyong salumi,
02:16makaka-apekto rin po sa ating bansa
02:18yung Intertropical Convergence Zone o yung ITCZ.
02:22Yan po yung salubungan ng hangin mula po sa northern and southern hemisphere.
02:25At ito naman po yung eastern least o yung mainit at maalingsangang hangin
02:29na galing naman dito sa Pacific Ocean.
02:31So yung mga weather systems sa ito, magdudulot po yan ng mga pag-ulan
02:34sa ilang bahagi ng ating bansa.
02:37Basi po sa datos ng metro weather, umaga bukas,
02:40may malalakas sa pag-ulan na mararanasan dito sa Batanes.
02:43Posible rin po na-ulanin itong bahagi ng Palawan.
02:47Magtutuloy-tuloy po yan pagsapit ng hapon
02:49kaya maging alerto sa bantanang baha o landslide.
02:53May mga kalat-kalat na ulan din na mararanasan dito po yan
02:55sa Ilocos Region, ganun din sa May Cordillera,
02:58Cagayan Valley, pati na rin sa ilang bahagi po ng Central Luzon
03:01at iba pang probinsya dito sa Southern Luzon
03:04at pati na rin sa Bicol Region.
03:06Dito naman sa Metro Manila, may chance rin po ng ulan
03:10o thunderstorms bukas.
03:12May chance rin ulanin ng ilang bahagi ng Negros Island Region,
03:15Nagimaras, pati na rin po ang Central Visayas,
03:18Sulu Archipelago at pati na rin ang bahagi ng Zamboanga Peninsula.
03:22Badang hapon, halos buong Visayas
03:24at halos buong Mindanao na po ang posibleng ulanin.
03:27May mga malalakas sa pag-ulan dito yan
03:29sa Negros Island Region, Cebu, Bohol,
03:32pati na rin dito sa Northern Mindanao,
03:34Caraga, Davao Region at pati na rin sa Cotabato.
03:38Kaya dobliingat, maging alerto po sa bantanang baha o landslide.
03:42Yan muna ang latest sa ating panahon.
03:43Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center.
03:48Maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended