Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkaroon po ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal kaninang umaga.
00:12Ayon po sa FIVOX, nagdulot ito ng plume o pagsingaw na umabot sa halos 3,000 metro ang taas mula sa crater.
00:23Magtagal yan ng 3 minuto, mag-alas 7 ng umaga kanina.
00:28Nananatili sa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
00:37Mga kapuso, isa na namang motorista ang dumulog sa ating tanggapan matapos umano siyang mabiktima ng polis na dati nang inereklamo dahil sa pangingikil.
00:46Atin niyang ipinarating sa PNP Highway Patrol Group.
00:53Alangala talaga.
00:56Tulad na ako, kala ko nakatingin ka lang sa akin.
00:58Makaraang matampok sa inyong kapuso, Action Man, noong September 29 ang pangingikil ng isang PNP Highway Patrol Group Corporal sa isang motorista sa lunsod ng Pasig.
01:11Isa pang na biktima umano ng polis ang dumulog sa amin.
01:20Kwento ng driver na itago natin sa pangalang Celso.
01:22Hindi niya makakalimutan ang nangyari noong December 20 ng nakaraang taon.
01:27Sabi ng HPG personnel, driving without license na ako tapos kailangan i-pound daw po yung truck na dinadala ko.
01:34Yung sa ganong violation ko, driving without license, ang pain daw nun, nasa P50,000 plus.
01:42Kaya ang sabi niya, tayo kung okay lang sa inyo, P50,000 itong gagastosin nyo.
01:47Nakipag-usap pa raw sa boss ni Celso, ang polis, bago nagsabi kung magkano ang dapat ipasa sa kanyang e-wallet.
01:54Ang sabi niya is P15,000, tapos tumawad ako ng P12,000.
02:01Tapos umukay siya sa P12,000.
02:04Agad niyang kinuha yung cellphone ko at siya mismo yung nag-send ng P12,000 papunta dun sa account niya.
02:11Makaraang malagasan ng P12,000, sumangguni si Celso sa LTO.
02:16Maliraw ang naging panakot na paglabag sa kanya ng HPG Corporal.
02:20Ang sabi nila, driving without proper restriction lang daw po yan.
02:25At yung pain lang daw po is P3,000 lang.
02:29Pero hindi po impoundable po yung sasakyan.
02:37Ang panibagong reklamo, agad nating ipinarating sa PNP Highway Patrol Group.
02:42Nasampahan na raw ng kaukulang kasong HPG Corporal, bunsod ng aming unang sumbong noong September.
02:47Ito po yung Article 210 or Article 210 para po sa direct bribery at yung ating Article 293 ng RPC para naman po sa robbery with extortion.
02:59Hindi po ito kukonsintihin ng ating pamunuan.
03:02Definitely, madadagang po ito po ang kasong kaharap.
03:06Ito po ang ating kasamahan.
03:08Sa ngayon ay nakapagpasa na ng kaukulang salaysay si Celso.
03:12Nagpapatuloy din ang suspensyon ng inerereklamong HPG Corporal.
03:15Sinubukan namin siyang kunin ng panig pero tumanggi siyang magbigay ng pakayag.
03:19Ito po ang ating HPG Corporal ay nakapreventive suspension po siya.
03:25At siya rin po ay na-relieve sa kanya pong assignment dito po sa 4A.
03:29Para naman sa iba pang nabiktima ng pangingikil.
03:31Makapagbigay lang po sa amin 24-7 or tumawag po sa aming mga numero at hotline
03:36para po ito po yung ating ma-assist at mabigyan pa po ng karampatan po ng police assistance.
03:46Mission accomplished tayo mga kapuso.
03:48Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:52o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner, Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
03:58Dahil sa anong mga reklamo, pang-abuso o katiulian.
04:00Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
04:06Mga kapuso, nasa loob na ulit ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Uwan.
04:15Huling namataan ang sentro nito, sa layong 210 kilometers northwest ng Itbayat.
04:21Ayon sa pag-asa, wala naman ng inaasahang epekto ang Bagyong Uwan sa halos buong bansa.
04:27Maliban lang sa ilang bahagi ng northern Luzona, hagip pa rin ng mga kaulapan at malakas na hangin.
04:33Nasa ilalim ng wind signal number one ang Batanes.
04:38Dito rin nananatili ang babala sa malalaking alon na delikado sa maliliit na sasakyang pandaga.
04:45Sa magiging pagkilos ng Bagyong Uwan, posibleng itong maglandfall o tumama sa Taiwan ngayong gabi.
04:52Tuluyan na itong hihina at posibleng maging tropical depression hanggang sa maging low pressure area na lamang.
04:59At samantala, nakakapekto na rin sa bansa ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
05:07Posibleng magkaroon ng localized thunderstorms.
05:11Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas magiging maaliwala sa malaking bahagi ng bansa.
05:17Maliban sa eastern portions ng Visayas at Mindanao, pati sa Sulu Archipelago.
05:22Sa hapon, may pagulan na rin sila sa ilang bahagi ng Central Luzon, Mimaropa at halos buong Visayas at Mindanao.
05:32Matitinding ulan na pwedeng magpabaha ang dapat paghandaan lalo sa summer at native provinces,
05:39sa Buhol, sa Negros Island Region, Caraga, Davao Region at Soxargem.
05:44Maayos na panahon ang mararanasan sa Metro Manila.
05:48Pero magmonitor pa rin sakaling magkaroon ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
05:55Mga kapuso, humanda ng makisaya, makijam at makitawa dahil tatlong tulog na lang.
06:05Sparkle Trenta, the 30th anniversary concert na.
06:09At getting ready na ang Sparkle Stars na makabonding ang fans at kanilang fellow artists.
06:14Makichika kay Nelson Canlas.
06:16Overflowing with excitement ang Sparkle teams, Sparkada members at ilang cast members ng youth-oriented show na Maka Love Stream
06:28na kasama sila sa isang malaking milestone ng Sparkle GMA Artist Center, ang Sparkle Trenta.
06:36Dinalaw ng GMA Integrated News ang rehearsals ng Sparkle Artists
06:40para sa pre-concert na gaganapin sa Sabato sa Moa Sky Amphitheater.
06:45Kina baan ako? Hindi ako sumasayaw eh.
06:48Kaya nga nagulat ako dito sa Trenta, sasayaw ako eh.
06:51Nag-missedulang reunion naman ang rehearsals para sa ilang stars.
06:56Reunion on stage, kaya I'm super excited to see, you know, mga nakaasama ko dati na hindi ko masyado nakikita ngayon.
07:03Na-miss kay Sparkada actually.
07:05And since anniversary nga ng GMA, hindi lang namin siya sinaselebrate kasama ng mga artists, but kasama din ng mga fans.
07:12May konting lungkot, dahil aminado silang hindi sila kumpleto sa Sparkle Trenta.
07:18Marami raw kasi sa kanilang mga kaibigan ang nasa loob ng bahay ni Kuya ngayon.
07:23Alam namin missin na kami, pero missin na rin namin kayo.
07:26Pero huwag muna kayong uwi ah.
07:27Huwag muna kayong lalabas.
07:29Hanggang big night pa kayo guys.
07:31Sa mga gusto pong pumunta sa concert namin, ayan.
07:34Mag-register lang po kayo, punta lang po kayo sa page ng Sparkle.
07:38Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
07:43Peke, ang notaryong inaalok ng isang grupo sa labas mismo ng isang opisina ng gobyerno sa Pasay.
07:50Apat ang arestado sa modus na gumagamit ng pangalan ng isang abogado at isang prosecutor.
07:57Nakatutok si John Consulta exclusive.
07:59Sa surveillance video ng NBI-OTCD, kita ang transaksyon sa isang tolda sa Pasay na nag-aalok ng notaryo.
08:11Mula sa pagtanggap ng kliente hanggang sa pag-adala ng dokumento sa hiwalay na bahay para doon in notaryo nang maiabot na ang bayad.
08:18Meron po ngayon kalapatan na ng hindi at mali sa sabihin niyo, beto ang malalang labas yan.
08:24Arestado ang mga tagakuha ng mga magpapanotaryo sa tolda.
08:28At mga hinihinalang po ni Pirma sa kalapit na bahay na ito ng mga suspect.
08:33Sumulat sa atin yung executive judge ng Pasay City.
08:38Nag-request siya na hulihin itong ang mga nagnotaryo na mga peke naman.
08:46Nag-tayo talaga sila ng opisina sa labas ng isang government office.
08:51May ginagamit silang isang abogado na nung biniripika naman namin ay hindi po licensed as walang notaryal commission doon sa Pasay.
09:04At nung nag-testing nga kami ay hindi naman yung abogado mismo ang pumirma.
09:08Natuklasan din ang NBI na may pangtatak din ang grupo sa ilalim ng pangalan ng isang abogado na prosecutor ng DOJ kahit walang pahintulot mula sa kanya.
09:19Sa umpisa, tototanggi ang inabutang suspect sa nabistong modus.
09:23Nag-notary dito, hindi na lang yung tinatanggap.
09:27Pero nang ma-recover ng NBI ang mga pangtatak at iba pang ebedensya, nagbago na ang pahayag.
09:32Anong dahilan?
09:34Para mabumahay kami kasi wala na si atro niya.
09:38Di ba? Tapos may sakit pa ako.
09:41Ano po sakit niyo?
09:43Mayroong diabetes. Mayroong may blood.
09:47Kumpiskado rin ang computer at mga gamit sa paggawa ng pegang notary ng grupo.
09:52Patong-patong na reklamo ang kinakaharap ng apat na inaresto.
09:55Kinasuhan natin sila ng violation ng Article 172 which is falsification of public documents.
10:03Kinasuhan din natin sila ng Article 176 ng Revised Penal Code, yung possession ng mga instruments used in falsification.
10:12Kinasuhan din natin ng usurpation of official functions at saka kinasuhan din natin ng estapa.
10:19Babala ng NBI. May implikasyon kapag nagpanotaryo ng iba't-ibang dokumento sa peking notary public.
10:26Kung nagpanotaryo ka ng deed of sale, yung deed of sale mo ay hindi na siya legal.
10:35Hindi mo siya magagamit ngayon itong deed of sale mo.
10:39Kung ano ka naman ng mga apidibit, hindi mo siya pwedeng gamitin lalo na sa mga government offices.
10:44Parang lalabas, instead na ito ay isang public document, magiging private document na lang siya.
10:52Kasi hindi valid yung pagnonotaryo ng itong mga dokumento na ito.
10:58Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
11:03Pinagdugtong-dugtong nakawayan muna ang nagsisilbing tulay ng ilang taga-Santa Fe
11:17habang hindi pa naayos ang nasirang bahagi ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
11:23Pusibling abutin pa kasi ng isang buwan bago malagyan niya ng pansamantalang one-way na daan.
11:29Nakatutok live si Raffi T.
11:30Raffi
11:32Dito nga sa aking kinaroranan ni May Limaki Kita, dito sa aking likuran yung putol na bahagi
11:40nitong Pangasinan-Nueva Vizcaya Road dito sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
11:45Hindi lang natabunan kundi yung mismong kalsada yung tinangay ng landslide.
11:49Kaya naman hindi ito madadaan sa simpleng clearing operation lang para ito ay mabuksan.
11:53Mula sa impapawid, kita ang uka sa bahagi ito ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Road.
12:03Ilang metro ng kongkretong daan ng putol at nahulog sa ilog sa ibaba ng kalsada.
12:08Sa kabutihang palad, walang kabahayan sa ibabang bahagi ng guho.
12:11Pero malaki raw ang epekto ngayon ang pagkaputol ng kalsadang nagdurugtong sa Santa Fe, Nueva Vizcaya,
12:17patungong Tayog at Santa Maria sa Pangasinan.
12:19Ayan nito, imbis na lalapit ang travel ng mga sasakyan papunta ng Manila,
12:25dahan ng Pangasinan, wala na. Papano na kami?
12:29Bukod sa mas mabilis na daan ito patungo sa TIPLEX para sa mga manggagaling ng Isabela, Kalinga at Kagayan,
12:34marami rin ang nakatira sa apat na barangay ng Santa Fe na wala nang magawa,
12:38kundi tumawid sa pinagdugtong-dugtong na kawayang nagsisilbing pansamantalang tulay.
12:42Na-inspeksyon na raw ito ng isang lokal na kontraktor ng lokal na pamahalaan.
12:47Bato ang gilid ng bundok, kaya posibleng abutin daw ng isang buwan para malaga nito ng pansamantalang one-way na daan.
12:53Kung mabilis tayo, hindi aabutin ng isang buwan. Ganun po. Lalo kung tutulong ang highways, oo.
13:04Kung kukutungin, wala na naman. Kukutungin na po.
13:10Humigit kumulang 20 landslide parawang hindi pa nabubuksan sa kahabaan ng kalsadang ito.
13:15Maging mga bahagi ng bundok na may slope protection, gumuhurin matapos masira ang net na harang.
13:21Sa bahageng ito naman ng ilog na bumabaybay sa kalsada, bumagsak din ang isang bahagi ng konkretong retaining wall dahilan para abutin ng tubig ang bahay nila Nanay Maria Teresa.
13:31Sa kabutiang palad, nag-evacuate sila bago ito mangyari.
13:35Sira ang kanilang kusina at malapit ang gumuho ang kanilang buong bahay.
13:39Pero hindi nakalis ang isang alagang aso sa kabilang pampang. Nahulog din ang isang sasakyan.
13:44Nakita ko nga po yung bahay ko na nauna na po yung kusina na bumagsak.
13:49Wala na po ah. Hindi po namin alam kung saan nga po kami pupunta.
13:53Pati yung kabuhayan nga po namin patay.
13:56Wala po kaming naisalba lang po namin yung mga gamit namin na iba.
14:00Yun nga wala na kami matitirahan.
14:02Pakiusap ngayon ng mga residente dito ay madali naman sana yung pagkukumpani dito sa kanilang nasirang kalsada
14:14para naman hindi sila magtsaga dito sa maliit at delikadong tulay dito sa may landslide area.
14:20Samantala para sa ating mga kababayang na isa nang mapaikli yung kanilang biyahe mula dito sa Vizcaya patungo sa Pangasinan
14:25eh balik maharli ka highway po muna ulit kayo hanggat hindi pa naisa sa ayos ang kalsadang ito.
14:30Yan ang latest mula dito sa Santa Fe Nueva Vizcaya.
14:33Emil.
14:34Maraming salamat at ingat kayo.
14:36Rafi Tima.
14:40Tuwing papalapit ang Pasko, lalong ramdam na ramdam ang diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan.
14:47Bakit hindi isa ba yan sa pamimili ng mga panregalo?
14:52Maraming mura at delikadad kalidad sa Noel Bazar na bubuksan sa Okada Manila
14:58na layong tumulong sa sektor ng edukasyon.
15:02Nasa isang daang merchants po ang naghihintay doon at pwede rin mag-feel like a star
15:07sa Celebrity Ukay Ukay ng GMA Kapuso Foundation.
15:11Sa sunod-sunod na kalamidad sa bansa, maraming eskwelahan ang tinamaan o tuloy ang nawasak.
15:23Damay ang mga gamit pang eskwela ng mga estudyante.
15:26Sa problema niyan, dalawang proyekto ng GMA Kapuso Foundation ang nakakatuloy.
15:34Ang unang hakbang sa Kinabukasan Project at ang Kapuso School Development Project.
15:40Isa sa long-time donor natin dito ay ang Cap Unlimited Incorporated sa paumagitan ng kanilang Noel Bazar.
15:48Alam niyo ba na 25 years na yan? Isa sila sa pinaka-loyal at talagang consistent talaga
15:56na nagtitiwala na ang mga kanilang dinodonate ay gagamitin talaga para sa mahihirap.
16:06Kaya sa darating na November 14 hanggang 16, huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Noel Bazar sa Okada Manila.
16:15At isa sa dapat ninyong abangal ay ang celebrity ukay-ukay boss ng GMA Kapuso Foundation.
16:22At dito pwede mapasain niyo ang pre-loved items ni Carla Abeliana.
16:29Pati na ang mga cool at stylish na damit ng youngest Pinoy pop boy group na Cloud7.
16:37Ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation.
16:41Kung chic and fashionable outfits naman ang hanap ninyo, nariyan ang mga damit ng singer and actress na si Muriel Lomadilla.
16:51Those clothes hold like super daming memories talaga.
16:55Nagsastart pa lang ako sa showbiz yung alam niyo yun yung walang wala pa ako.
17:00Save the date at ayain na ang buong pamilya at barkada sa Noel Bazar sa Okada Manila.
17:07Nakapag-shopping ka na, nakatulong ka pa.
17:12At sa mga nais namang makiisa sa aming mga projects, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Lulier.
17:20Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
17:25Isinusulong ni House Speaker Faustino D.
17:30Ang pagpasah ng batas laban sa mga political dynasty kahit aminado siyang mula siya sa ganito.
17:36Ilang panukala na ang inihain ng ilang mambabatas para yan at sinumulan na rin niyang talakayan sa kumite.
17:43Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
17:45Panoon na na upang harapin ang isa pang usapin na matagal nang nakasaad sa ating konstitusyon,
17:56ang pagpapatupad ng batas laban sa political dynasty.
18:00Mismong si House Speaker Faustino D. III ang nagbanggit ngayon ng probisyon sa saligang batas na nagbabawal sa mga political dynasty.
18:09Pero nakalagay rin kailangang tukuyin ng isang batas ang depenisyon nito, bagay na 38 taon ang hindi nililikha ng kongreso.
18:18Kabilang sa paulit-ulit ng paliwanag ng mga eksperto, marami sa mga mismong dapat gumawa ng batas ay galing sa mga political dynasty.
18:28Alam ko pong maraming magtataas ng kilay. Sa totoo lang po, marami po akong pamilya na nasa pwesto.
18:36Labing apat na kamag-anak ng House Speaker ang nasa gobyerno rin ayon sa idineklara niyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
18:45Kabilang dyan ang anak niyang kongresista rin, anak na mayor, at isang manugang na mayor din.
18:52May mga kapatid din siyang board member sa distrito o mayor at mga pamangking kongresista o mayor.
18:58Aabangan ngayon kung paano makukumbinsin ng Speaker ang mga kasama na magpasa ng batas na maaaring magbawal sa pagtakbo sa eleksyon ng karamihan sa kanila.
19:10At kung paano masasabi kung sino sa mga miyembro na mga pampolitikang angkan ang di na pwedeng tumakbo.
19:17Isulong natin ng isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw at makaturungang depenasyon ng political dynasty.
19:27Ngayon pala, may mga mungkahin ng depenisyon sa mga anti-political dynasty bill na inihain na kanina ng ilang mambabatas.
19:36Kabilang sa mga gustong bawalan tumakbo.
19:38May incumbent kang kamag-anak. Gusto yung tumakbo sabay.
19:41Pag ikaw ay magsasakseed sa isang posisyon na kamag-anak mo o meron kang kamag-anak na nag-hold pa ng ibang posisyon.
19:49Kapag hindi sila nag-agree dito, ibig sabihin baka guilty.
19:52Bukod sa mga inihain ngayong araw, may mga katulad ng panukalang inihain ang anim na iba pang mambabatas.
20:00Pagpunto ng isa, galing sa political family mismo ang Pangulo at ang vicepresidente.
20:07Ang hamon ko kay Pangulong Marcos, kung gusto mo talaga na-reforma, dapat magsimula ka sa iyong sariling pamilya.
20:17Ganon din si BP Sara kung para sa bayan siya at hindi sa supremacy ng political family nila.
20:27Sinimula na rin itong talakayan ng House Committee on Constitutional Amendments kanina, bagamat hinihintay pang ma-refer sa committee ang ilan sa mga panukala.
20:37Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended