Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Natagpuan na ang labi ng mag-asawang senior citizen na natabunan ng gumuhong bahagi ng kalsada sa bayan ng Quezon, Bukidnon.
00:12Mga kapuso, magkayakap ng matagpuan sa ilalim ng lupa ang mag-asawang Ellie at Thelma Ubatay.
00:19Ayon po yan sa Quezon Public Information Officer.
00:22Sakay sila ng tricab nang biglang gumuhong bahagi ng Davao-Bukidnon Road noong October 18.
00:27Limang araw silang hinanap at natagpuan sa tulong ng tatlong search and rescue dogs.
00:33Na-turnover na ang mga labi ng mag-asawa sa kanilang mga kaanak.
00:37Sinusubukan pang makuha ang kanilang pakayag.
00:41Kalat-kalat ang mga power plants sa bansa kaya may pagkakataong kinukulang ng kuryente sa ilang lugar.
00:48Ayon po yan sa Energy Department.
00:50Kabilang yan sa mga inusisa sa pagdinig para sa 2026 budget ng kagawaran.
00:55At nakatutok si Mav Gonzales.
01:01Sa deliberasyon ng Senado sa 2026 budget ng Department of Energy,
01:06kuenestyo ni Sen. Rodante Marculeta kung bakit sa laki ng dependable energy ng bansa, kinukulang pa rin.
01:14Ayon kasi sa DOE, 27,000 gigawatts ang dependable energy natin o maaasahang kuryente.
01:20Sobra-sobra sa konsumsyo na 19,000 gigawatts lang.
01:24Meron tayong sobrang 8,000 megawatts.
01:30So itong problematic na ito, ano bang ginagawa natin? Ba't di natin ma-address?
01:34Mga planta po kasi hindi located in one location.
01:37Pati po yung mga consumers natin hindi in one location.
01:41Paliwanag ni Energy Secretary Sharon Garin, kalat-kalat kasi ang mga power plant natin.
01:46Kaya nagkukulang sa ibang lugar. Ang iba pa nasisira.
01:50Kaya hindi talaga masasabing dependable ang numero mo ito.
01:54Hindi kasi nakaspread out nung maayos yung mga power plant natin.
01:58So now, pinapareview ko ulit ang energy plan para tignan saan ba yung mga regions na kailangan may base load pa tayo
02:07or saan kulang yung mga transmission natin.
02:12Those are things na kahit matematik siya na tama naman, sobra-sobra tayo.
02:20Pero actually, yung design may kulang pa talaga, Mr. Chair.
02:22Halimbawa niya, maraming planta sa Luzon pero limitado ang linya.
02:27Ina-assess na raw ng DOE ang iba't-ibang planta sa bansa at posibleng matapos ang review sa katapusan ng taon.
02:34Iginit din ang DOE kanina na hindi PR ang balita na nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asian countries
02:40sa paghahanda na magtayo ng nuclear power plant.
02:44A year and a half ago, we have done nothing. Nothing.
02:47And then now we're on the forefront. Ang galing talaga natin.
02:49What happened? Who can update me? Kanina yung PR yun?
02:53Mr. Chair, yung PR. Ever since 2022, with the new administration,
03:01medyo na revitalize yung Nuclear Energy Program Interagency,
03:05it just took us time to get back on track.
03:09Now we have a nuclear division. We have a nuclear division in DOE.
03:15We have a roadmap already.
03:16Paliwanag ni Garin, steady ang paghahanda ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
03:22Kaya naungusan natin sila.
03:24Indonesia at one point was ahead of us but hindi steady kasi their legislative medyo binawi ulit yung authority.
03:33Vietnam is also getting ahead also but it depends on the year na rin eh or depends on the country.
03:42But comparatively, we are ahead with the rest of the countries in Southeast Asia in preparation for building the power plant.
03:53Dagdag ni Garin, na-review na ng International Atomic Energy Agency o IAEA ang roadmap ng Pilipinas sa nuclear energy.
04:02May kasunduan na rin tayo sa US at ibang bansa at maraming kumpanyang interesado rito.
04:08May surveys na rin daw silang isinagawa sa acceptance rate ng nuclear power.
04:12Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok, 24 oras.
04:18Marihing itinanggi ni Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera na sangkot siya sa anumang uri ng korupsyon.
04:25Iginit siya ng kongresista matapos siyang reklamo ng plunder ng isang grupo sa ombudsman
04:30kaugnay sa 600 milyong pisong halaga ng mga proyektong na punta o mano sa kumpanyang iniugnay sa kanya
04:35at kanyang asawang si Concepcion Vice Mayor Evelyn Rivera.
04:40Dawit din sa reklamo si DPWH Tarlac 1st District Engineer Neil Farala.
04:45Paglilinaw ni Rivera, wala pa siyang natatanggap na opisyal na kopya ng reklamo sa ngayon.
04:49Pero anya, handa at bukas naman siyang makipagtulungan para maipaliwanag ang kanyang panig sa tamang oras at sa wastong paraan.
04:58Sinusubukan pa rin namin kunin ang panig ng kanyang asawa at ni Farala.
05:04Bukod sa bagyong salome na humina na bilang low pressure area,
05:08nagdulot din ng masamang panahon ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
05:14Nagpabahayan sa ilang lugar sa Mindanao kaya maraming inilikas.
05:18At nakatutok si Tina Pangniban Perez.
05:20Ramdam ang malakas na hangin na sinabayan ng pagulan sa probinsya ng Batanes ngayong araw.
05:30Malakas din ang hampas na mga alon.
05:34Bago humina at maging low pressure area,
05:37kabilang ang lalawigan sa isinailalim ng pag-asal sa Signal No. 1 dahil sa bagyong salome.
05:43Mahigit isanda ang pasahero naman ang apektado matapos makansela ang ilang flights.
05:48May at maya ang sigaw at paghingi ng tulong ng isang residente ng Alamada, Cotabato
06:00nang makitang halos tangayin ang rumaragasang tubig
06:03ang isang motorista habang tumatawid sa overflow bridge.
06:08Mabuti na lang at may nakaresponde agad para tulungan ng lalaki.
06:13Pero sa lakas ng ragasa, tila nakabitaw ang rider.
06:16Agad din naman siyang nasagip.
06:23Ilang sandali lang, isa pang motor ang tila hindi na rin makadaan
06:27pero tinulungan din ang ilang residente.
06:31Ligtas ang parehong rider.
06:34Umapaw rin ang ilog sa barangay Upper Bulanan sa bayan ng Midsayap.
06:40Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Mindanao
06:43ay dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
06:49Nararasan din yan sa Coronadal City kung saan bumuhos ang malakas na ulan.
06:55Nagmistulang ilog tuloy ang ilang kalsada.
06:57Sa barangay Kakub, umapaw sa tulay ang tubig mula sa sapa at rumagasa sa kalsada.
07:07Pinasok din ang tubig ang ilang bahay.
07:10Ayon sa CDRRMO Coronadal, tinatayang aabot sa mahigitisanda ang individual ang inilikas.
07:16Wala namang naitalang na saktan.
07:19Actually, yun ang mga apektadong mga pamilya.
07:22Yun yung mga tumitira malapit sa riverside, creek side
07:28ng major waterways natin dito sa City of Coronadal.
07:33Tumaas din ang level at lumakas ang agos ng dam
07:35sa boundary ng barangay Topland at barangay Magsaysay.
07:38Wow!
07:42Sinubukan pa rin tawiri ng ilang motorista ang binahang kalsadang yan sa Malabagan, Lanao del Sur.
07:49Pero ang ibang bahagi ng bayan, tuluyan ang hindi nadaanan ang mga sasakyan
07:53dahil sa pagtaas ng tubig.
07:57Sa Sultan Kudarat naman, tuluyan ang nalubog sa baha ang mga kalsada sa Takurong City,
08:03kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
08:05Sa lawak ng baha, inabot at pinasok din ang tubig ang ilang gusaling malapit sa kalsada.
08:17Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
08:27Mga kapuso, humina at naging low-pressure area na lamang ang bagyong salume.
08:32Eh, magpapaulan pa rin kaya yan at posibli bang lumakas ulit?
08:36Alamin natin kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
08:40Amor!
08:43Salamat, Emil.
08:44Sa ngayon ay hindi naman natin nakikitan lalakas pa ulit itong low-pressure area na dating ang bagyong salume.
08:49Pero mga kapuso, kahit wala ng bagyo, posibli pa rin ang mga pagulan sa ilang bahagi ng ating bansa.
08:55Ayon po sa pag-asa, posibli mag-dissipate o malusaw na rin yan sa susunod na 24 oras.
09:01Ito pong LPA.
09:02Muli po kung babalikan po natin, naging pababa yung paghilos itong dating bagyong salume.
09:07Dahil po dun sa high-pressure area sa mainland China.
09:10So kumbaga, natulak po yan pababa.
09:11At dahil sa malamig ato yung hangin naman, kaya ito tuluyan ding humina.
09:16Huling namataan ang pag-asa, ang low-pressure area sa layong 145 kilometers west-northwest ng Lawag City sa Ilocos Norte.
09:24Bukod po sa low-pressure area, patuloy pa rin makakaapekto sa malaking bahagi ng ating bansa.
09:29Itong Intertropical Convergence Zone o yung ITCZ at pati na rin po itong Easterlies o yung mainit at maalinsangang hangin.
09:37Posibli rin na unti-unti na ulit magparamdam dito sa ating bansa, yung Northeasterly Wind Flow.
09:43Base po sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may chance ng kalat-kalat at panandalian lang ng mga pag-ulan.
09:48Dito yan sa Palawan at ilang bahagi rin ng Northern and Central Luzon.
09:53Ganun din sa ilang lugar dito sa Mindoro Provinces.
09:56Pagsapit po ng hapon, mas maraming lugar na ang uulanin.
09:59Halos buong Luzon na po yan at mula po dito sa Northern and Central Luzon, Calabar Zone, Mimaropa at pati na rin dito sa bahagi ng Bicol Region.
10:08May mga malalakas sa pag-ulan sa ilang probinsya, kaya maging alerto po sa posibilidad na mga pagbaha o landslide.
10:15Sa Metro Manila, pwedeng maalinsangan o mainit pa sa umaga o tanghali, pero unti-unting tataas ang tsansa ng localized thunderstorms.
10:24Pagsapit po yan ng hapon o kaya naman sa gabi, kaya magdala pa rin ng payong kung lalabas po kayo ng bahay.
10:31May mga kalat-kalat na ulan din sa umaga dyan po sa Visayas at pati na rin sa Mindanao.
10:35At yung malawak ang mga pag-ulan ay posible naman pagsapit po ng hapon at pati na rin sa gabi.
10:40May mga malalakas sa pag-ulan dito yan sa Western Visayas, Negros Island Region, pati na rin po sa Eastern and Central Visayas, Caraga and Davao Region, ganoon din dito sa Northern Mindanao.
10:52Samantala mga kapuso, ayon po sa pag-asa, posibleng bago magtapos ang buwan ng Oktober, ay ideklara na ang onset, opisyal na pagsisimula ng amihan season.
11:01At yan po ang patuloy po natin nga abangan.
11:03Yan ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
11:15In white or in black, totally in style pa rin, rumampa ang ilang personalidad at kapuso artist sa isang fashion show.
11:22Kasama riyan ang ex-PBB housemates na sina Michael Sager at Vince Maristela na parehong thankful sa opportunity.
11:30Makichika kay Aubrey Carampel.
11:33Wearing white and charcoal deconstructed suit dress, exuding grace and elegance si Miss Universe Philippines 2023 Michelle D.
11:45Nang rumampa sa fashion show ng designer at celebrity stylist na si Bang Pineda.
11:51Sharing the runway ang iba pang kapwa niya kapuso na sina Royce Cabrera at Bubble Gang star Coco de Santos na very playful in their all-white suit at may bit-bit pang bunny heads.
12:03Tila may mga kasamang lumilipad na puting ibo naman nang rumampa si Larkin Castor.
12:09Tampok at rumampa rin ang members ng peepop group na BGYO.
12:13Habang si OPM hitmaker Maki ang nag-open ang show.
12:18Full of confidence din kahit first time na naglakad sa fashion show si ex-PBB housemate Michael Sager in an edgy suit.
12:25Kamakailang nag-host si Michael ng Filipino Music Awards.
12:30At soon ay bibida sa pelikula at may project ding aabangan next year.
12:35Huwag kang titingin, kakatapos lang namin mag-film.
12:37So that will be airing next year na.
12:39And I will be working on a new project later this year.
12:42Malapit na po yan mga anaw.
12:43I'm so excited for you guys to learn.
12:44Rumaan pa rin ang kapwa niya ex-PBB housemate na si Vince Maristela.
12:49Thankful daw si Vince to be given an opportunity to walk the runway again.
12:53Abala ngayon si Vince sa Kapuso Afternoon Prime Series na Hating Kapatid kasama ang Legaspi Fat.
12:59Excited din siya ng malamang isa sa mga bagong sparkle housemate na pasok sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0,
13:07ang kaibigang si Sofia Pablo.
13:09Best friend ko yun si Sofia ever since yung first project ko.
13:13Walang araw na hindi niya ako sinuportahan sa lahat ng career ko, sa work ko.
13:19And of course, ang message ko sa kanya is galingan niya lang parating sa mga tasks ni Kuya.
13:25Huwag siyang susuko at sigurado yung sigurado mamahalin siya ng taong bayan.
13:29Obri Carampel, updated si Showbiz sa Pinex.
13:33Nagdulot ng panik ang pag-usok ng cellphone ng isang pasahero ng LRT1 kagabi.
13:39Ayon po sa Light Rail Manila Corporation o LRMC,
13:43agad inilabas ng driver ng tren ang cellphone sa Central Terminal Station.
13:48Rumesponde rin agad ang security at iba pang station personnel.
13:53Wala namang nasaktan sa insidente ayon sa LRMC,
13:56pero isinailalim pa rin sa full inspection ang tren.
14:00Hindi naman ito nakitaan ng pinsala.
14:03Tiniyak din ang LRMC na hindi naapektuhan ng operasyon o anumang pasilidad ng LRT1.
14:10Aminado si Pangulong Bombong Marcos na maraming Pilipino ang nawalan ng tiwala sa gobyerno,
14:15kasunod ng iba't ibang isyo gaya po ng korupsyon.
14:18Sa gitna niyan, kumpiyansa siyang maibabalik ang tiwala ng taong bayan.
14:23Nakatutok si Rafi Tima.
14:28I know that these are difficult times that we live in.
14:32Our people's trust in government has been shaken.
14:34We cannot deny that.
14:36Sinabi yan ni Pangulong Bombong Marcos sa kanyang pagdalo
14:38sa ika-124 na anabersaryo ng Philippine Coast Guard sa South Harbor sa Maynila kanina.
14:44Gayunman, naniniwala siyang kaya pa rin maibalik ang kiwala ng taong bayan sa pamahalaan.
14:49But I am certain that trust can be regained if we remain transparent and true to our mission.
14:55Inihalimbawa ng Pangulong mga ginagawa ng PCG,
14:58hindi lang sa pagbabantay sa mga dagat sa bansa tulad sa West Philippine Sea,
15:01kundi ang pagtulong ng ahensya sa mga biktima ng mga sunod-sunod na kalamidad sa bansa.
15:05The PCG is one of the government agency that restores my faith in the dedication of the workers in government.
15:13When I see the PCG in action, I see what the best of government can look like.
15:19That is disciplined, with integrity, with excellence, working as one.
15:24Matapos ang talumpati, pinarangala ng mga natatanging taoan ng PCG sa Pangungulo ng Pangulo.
15:30Kasama niya si First Lady Lisa Araneta Marcos na isang opisyal ng PCG Auxiliary at may honorary rank ng Vice Admiral.
15:37Pangako ng Pangulo sa PCG, ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng PCG,
15:42kabilang ang pagbili ng mga bagong barko at eroplano.
15:45We now stand to triple our fleet in the next five years
15:50and will become one of the most capable Coast Cards in this part of the world.
15:57Maraming maraming salamat po, sir.
16:00Bago niyan, dumalo ang Pangulo sa National Housing Expo 2025 sa World Trade Center sa Pasay.
16:05Pinaunahan niya ang pagbibigay ng bahay sa mga benepesyaryo ng Expanded 4PH
16:09o ang pabahay para sa Pamilyang Pilipino Program.
16:13Ayon sa D-Sud muna noong 2022,
16:15nasa 400,000 pamilya na ang nagkaroon ng sariling tirahan.
16:18Ang pagbibig fund, umabot na sa 57,000 ng pamilyang natulungan
16:23sa pamamagitan ng housing at house repair loans.
16:26Naon na nang ipinangako ng pamahalaan na magtatayo sila ng isang milyong bagong tirahan kada taon
16:31pero ibinaba ito sa mahigit tatlong milyong pabahay bago matapos ang termino ng Pangulo.
16:37Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
16:43Itinalagaan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong chairperson
16:47ng National Commission of Senior Citizens si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.
16:53Epektibo ang appointment hanggang September 17, 2031.
16:57Bago nito ay naging miyembro ng Board of Trustees ng GSIS si Gutierrez.
17:03Nagsilbi rin siya bilang Justice Secretary mula 2003 hanggang 2004.
17:08Naging Ombudsman din siya noong 2005 pero in-impeach ng mababang kapulungan
17:14dahil sa hindi umano pag-aksyon sa mga graft case kabilang ang kay dating Pangulong Gloria Makapagal-Arroyo.
17:22Hindi na siya nalitis ng Senado bilang impeachment court dahil nagbitiw siya sa pwesto noong 2011.
17:28Hinilig ng kampo ni dating Bamban Mayor Alice Guo na payagan siyang umalis ng Pasig City Jail
17:34para personal na maghain ng reklamo sa Tarlac Prosecutor's Office laban sa Baofu Land Development.
17:42Reklamong estafa ang planong ihain niya sa Baofu at mga stakeholder nito.
17:47Dahil sa Tarlac, anyan nangyari ang krimen?
17:48Doon niya hihahain ng reklamo.
17:51Nangako siyang agad babalik sa Pasig City Jail Female Dormitory
17:54kung saan siya nakadetain dahil sa reklamong Qualified Human Trafficking Kaugday
17:58sa niraid na Pogo Hub sa Bamban.
18:01Sinisikap namin hinga ng payagan Baofu na siyang developer ng Pogo Hub sa Bamban.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended