00:00Sa ibang balita, naglabas na ng nasa 1,500 special permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
00:08Yan ay para tugunan ang demand sa mga pampasaherong bus ngayong Christmas season.
00:12Ayon sa LTFRB, efektibo ang special permit mula December 15 hanggang January 16, 2026.
00:18Nagdadagdag na rin daw ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS sa mga airport para sa mga parating at paalis na pasahero.
00:25Una nang iniutos ng Department of Transportation sa LTFRB ang pagpaparusa sa anumang taxi o TNVS driver na tatanggi sa pasahero o magkakancel ng book trip sa dahilang mabigat ang trapiko o malayo ang destinasyon.
Comments