00:00Sinagot ng Philippine National Police ang paratang ni Acting Senate Sergeant at Arms Mau Aplaska
00:05na spliced ang CCTV footage ng nangyaring pamamaril sa Senado.
00:09May ulit on the spot si Maris Umali. Maris?
00:16Connie, nanindigan nga ang Philippine National Police sa veracity ng mga hawak nilang ebedensya
00:22na isinumitin na raw nila sa Department of Justice.
00:26Kaugnay nga sa nangyaring putukan sa Senado noong May 13
00:30at sa pag-alis din ni Sen. Bato de la Rosa sa Senado noong madaling araw noong May 14.
00:39Tugon nila ito sa paratang ni Office of Senate Sergeant at Arms Head Retired General Mau Aplaska
00:44na spliced nga raw ang video.
00:47Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Randolph Tuano,
00:50nakaangkla sa facts at ebedensya ang mga ipinasan nila sa Department of Justice
00:55at kumpleto rin daw ang mga CCTV footage na kanilang isinumiti.
00:59Dadaan din naman daw sa masinsing proseso ng forensic investigation
01:03ang mga ebedensya para matanggal ang anumang pagdududa.
01:06Hindi naman isiniwala at ng PNP ang sinasabi ng CIDG
01:09na mayroon na silang leads sa kinaroroonan ni Sen. de la Rosa.
01:13Minabuti raw ng PNP na igalang proseso at hahayaan
01:16ang kaukulang ahensya na magbigay ng pahayag sa ICC warrant,
01:20iba pang mga issue kaugnay sa pag-aresto at sa kinaroroonan din ni Sen. Bato.
01:25Hindi rin masabi ni Tuwanyo kung may utos na para isilbi ang warrant of arrest ng ICC
01:30ngayon ibinasura ng Kota Suprema ang hiling na TRO o Temporary Restraining Order
01:35ni Sen. Bato para arestuhin, edetain o isuko siya sa International Tribunal.
01:39Si IDG raw ang nakatalagang unit para gawin ito.
01:42Tutulong lang daw ang NBI at PNP sa Interpolman nila kung sakaling may red notice ito.
01:47Pero hindi rin kinumpirma ng PNP kung meron na nga bang red notice.
01:51Sa ngayon, kausap daw ng Legal Service si Chief PNP Nartates
01:55at hihintayin na lang nila ang utos ng Department of Justice.
01:58Kaugnay nito, ang Department of Justice nga ang siyang lead agency
02:01para mag-siwalat o magbigay ng mga pahayag kaugnay sa mga issue nito.
02:06At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Camp Krame, balik say Connie.
02:10Maraming salamat, Mariz Umali.
Comments