Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Mainit na balita, 30 sasakyan na na mga diskaya ang nasa kustodian ng Bureau of Customs.
00:06Ilan dyan ang nakitaan na raw ng posibleng paglabag?
00:09Sa ongoing na press conference ng Customs, hinati sa tatlong grupo ang mga sasakyan.
00:14Sa unang grupo, 8 sasakyan ang nakikita nilang maaaring isyuhan ng Warrant of Seizure and Detention
00:21dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento ng ipasok ito sa bansa.
00:25Kulang din daw ang mga ito ng Certificate of Payment.
00:28Sa ikalawang grupo, 7 sasakyan ang may import entry document pero wala namang Certificate of Payment.
00:35Labing-apat naman ang nasa ikatlong grupo na mula sa mga lehitimong dealer.
00:40May isa pa na kagabilang isinuko kaya susuriin pa ito.
00:43Natukoy rin nila kung saan mga pantalan ipinasok ang mga sasakyan.
00:48Bibigyan ang mga diskaya ng 15 araw para isumiti ang mga kaukulang dokumento ng mga sasakyan.
00:53September 2 na mag-inspeksyon ng customs sa garahe ng mga diskaya para tingnan kung nagbabayad sila ng tamang buwis para sa luxury cars.
01:02Ang iba pang detalye sa balitang iyan, ihatid namin maya-maya lang.
01:05Mainit na balita pa rin mga kapuso.
01:13Isa pong bagong low pressure area ang nabuo at binabantayan ngayon sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
01:19Namataan po yan ang pag-asa sa coastal waters ng Vincennes, Camarines Norte.
01:24Sa ngayon, mababa ang tsansa ng nasabing LTA na maging isang bagyo.
01:28Pero, nagpapaulan na po ito sa silangang bahagi ng Luzon, pati na dito sa Metro Manila.
01:34Halos buong bansa ang uulanin sa mga susunod na oras kasama ang NCR, base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
01:42Posible ang heavy to intense rain sa ilang lugar na maaari magdulot ng baha o landslide.
01:47Dahil sa LTA, nakataas po ngayon ang Yellow Rainfall Warning sa ilang bahagi ng Quezon Province, Rizal at Laguna.
01:54Mataas ang banta ng baha sa gitna ng pag-uulan sa mga nasabing lugar.
01:59Tatagal ang Yellow Rainfall Warning hanggang alas 11.30 ngayong tanghali.
02:07Binaha ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa masamang panahon.
02:10Pahirapan ang pagtawid ng mga residenteng yan sa isang tulay sa magpetko Tabato matapos umapaw ang Mahongkong River.
02:17Pati malalaking sasakyan hindi nakadaan dahil sa malakas na agos ng tubig.
02:21Ang ilang nanundo sa paralan, ikinarga na lang ang kanilang mga anak para makauwi.
02:26Nagbusto lang dagat ang highway na yan sa Takurong, Sultan Kudrat dahil sa pagbaha.
02:32Matataas na sasakyan lang ang tumatawid sa kalsada.
02:35Halos pasukin na rin ang tubig ang ilang establishmento.
02:38Napilitan tuloy maglakad pa uwi ang ilang stranded na estudyante.
02:42Sa bayan naman ng isulan, perwisyo ang hatid sa mga residente at estudyante ng binahang kalsada sa barangay Buwal.
02:50Gamit ang bakho, tulong-tulong ang mga residente na linisin ang mga baradong sapa at daluyan ng tubig.
02:57Pati ang pamamalengke, pahirapan matapos bahain ang isang palengke roon.
03:01Ayon sa pag-asa, is-release ang nagpaulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
03:05Pino na sa pagdinig sa kamera, ang paglobo ng kita ng mga kumpanyang pagmamayari ng mga diskaya
03:17mula po yan 2017 hanggang 2022.
03:21Sa kabila po nito, tikumpa rin ang bibig na mag-asawa kung sino-sino ang kanilang mga nakatransaksyon sa mga nakaraang administrasyon.
03:29Balitang hatid ni Mariz Umali.
03:35Dito sa kaso na ito, ang sinungaling ay asawa ng magnanakaw.
03:41Kaya ito po talaga yung nakikita natin.
03:44Manghanga mga salita ni Pasig City Mayor Vico Soto laban sa mag-asawang Diskaya sa pagdinig ng House Infrastructure Committee.
03:53Nakalaban ni Soto si Sara Diskaya sa pagkaalkalde nitong nakaraang eleksyon
03:57at sa Pasig nakabase ang siyam na construction business ng kanilang pamilya.
04:02Punto ni Soto, maging maingat sa mga maririnig mula sa mga diskaya.
04:07Sa statement, sa sworn statement po nila, ay na 2 to 3 percent lang daw ang kinikita nila sa bawat kontrata.
04:16Obvious na obvious naman po, nakasinungalingan ito.
04:19Binanggit din ni Soto na sa pamamagitan ng isang common friend,
04:23ay nagtangka o mano si Curly Diskaya na mag-schedule ng pakikipag-usap sa kanya.
04:27Hindi ko alam exactly kasi hindi naman natuloy yung meeting, pero may nabanggit doon na state witness.
04:35They have hundreds if not thousands of government contracts.
04:39Pero ang pinangalanan lang nila nasa 26 people.
04:45So paano nila kung totoo yung sinasabi nila?
04:48Ano nangyari doon sa hundreds or thousands of other projects?
04:52Inusisa ng mga kongresista si Diskaya kung may papangalanan pa siyang mga nakatransaksyon niya.
04:58Your Honor, kung okay lang po ba na sa executive session ko na lang po sasabihin para sa kaligtasan din po ng pamilya po.
05:07Do I take it na gusto mo pa rin magbanggit ng mga pangalan?
05:15Hindi po Your Honor.
05:16At wala na kayong idadagdag o babaguhin dito.
05:21Kasi hindi ko po maintindihan yan.
05:23Wala na po.
05:24Nakakapagtaka na malaki kayong kontratista sa panahon ng gobyerno ni President Noyne Aquino.
05:32Isa sa pinakamalaking kontratista sa panahon ni Pangulong Duterte.
05:38Isa sa mga pinakamalaking kontratista.
05:40Actually, pinakamalaking flood control.
05:42Pag pinagsama-sama po lahat ng kumpanya ninyo, sa ilalim po ng gobyernong ito, pero walang kahit isang senador sa inyo pong sinumpaang salaysay.
05:52Yun po yung una.
05:54Pangalawa, sabi po ninyo, walang ledger kayong hawak sa listahan.
06:00Bago 2022.
06:03Wala hong naniniwala sa iyo.
06:06Meron pa bang dagdag na kongresista nakasama sa payoffs?
06:11Meron pa bang mga senador?
06:13By Your Honor, wala na po.
06:14Ang agad niyang nilinaw ay ang pahayag sa Senado kung saan nabanggit si na dating House Appropriations Committee Chairman Congressman Zaldi Co.
06:22At House Speaker Martin Romualdez.
06:24Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon sa kanila.
06:27Kaya nabanggit po ang mga pangalan na yun dahil yun po ang madalas na sinasabi ng mga kausap ko po ng politiko.
06:34Na pinabanggit nila na kailangan ibigay mo na kaagad yung obligasyon kasi pinakukuha na ni Saldi Co. at saka ni Speaker.
06:41Ipinakita naman ni Deputy Speaker Janet Garin na nagumpisang tumaas sa bilyong piso ang kinita ng mga diskaya mula 2017 hanggang 2022.
06:50In fact, in 2022, which is supposed to be the first pandemic recovery year, Mr. Chair,
06:59ito dapat yung tinulungan nating makaahon, makabangon ang maliliit na mga negosyante.
07:05Kaakibat yung ating mga MSMEs, umakyat ang gross, ang revenue from construction, from government ng Diskaya Group to 20.524 billion.
07:18Pinansin din ni Batanga 2nd District Representative Jervie Luistro na lumobo ang kita ni Diskaya noong nakaraang administrasyon.
07:26Pero base sa affidavit na Diskaya, mga kasalukuyang politiko at opisyal ng DPWH lang ang pinangalanan niyang sangkot umano sa katiwalian.
07:35Are you saying na yung pagbibigay mo ng pera sa DPWH at sa mga lawmakers happened only during the current administration and did not happen during the previous administration?
07:48Ah, wala pong, ganun pong nangihingi sa amin, di pa po. Ah, wala po. Pero nilalabanan po namin sa tunay na bidding po. Nagpapadyaryo po kami.
07:59Sabi ni Diskaya, napilitan lang siyang masangkot sa anomalya para may pagpatuloy ang kanilang hanap buhay.
08:05Pinapaterminate daw kasi ang kanilang mga kontrata kapag hindi sila nagbigay.
08:09Nagreklamo raw siya noon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan pero tila hindi raw ito pinansin.
08:14Awarded na ang project, napilitan kang magbigay, pero dahil kung hindi ka magbibigay, ikakancel ang project.
08:24Yes, Your Honor, or right of way problem, o di kaya mutual termination po ang mangyayari.
08:29Ilang beses na po ako nagpadyaryo at nagsusumbong pa po kay Sekretari Bonoan pero mapapansin niyo po sa open letter ko doon na parang hindi po pinapansin ni Sekretari Bonoan yung dyaryo ko kasi tabloid lang ang dating.
08:42Kalaunan, sinabi ni Diskaya na may mga nagtangkaring hingian sila ng pera noong nakaraang administrasyon pero hindi raw sila bumigay noon kaya hindi niya ito inilagay sa kaniya affidavit.
08:54Sa patuloy na pag-udyok ni Luis Tro na magbigay siya ng pangalan, may binanggit na pangalan si Diskaya.
08:59Director Samson Hebra po.
09:01Pumihingi ng pera sa inyo?
09:04May inuutusan lang po siya na kailangan ay magbigay po at may pinakukuha pero hindi po kami pumayag.
09:12Magkano'y hinihingi?
09:15Ano po, parang nasa ano po yata yun, parang 10%.
09:20Para kanino?
09:21Wala pong binanggit sa akin ng mga politiko, basta taas lang.
09:24Inamin din niya na sa 18 politikong naon na niya ng pinangalanan, 17 lang ang personal niyang nakaharap.
09:30Ibig mo sabihin, lahat inabutan mo ng direkta, pera lang si Kong Roman Romulo?
09:37Hindi po yung honor. Yung iba po dyan, nag-usap lang kami. Tapos yung sumunod, mga tao na lang po nila ang pinagbigyan namin.
09:45Hindi pinayagan ng komite na direktang tanungin ni Rep. Maria Victoria Coppilar si Diskaya.
09:50Isa si Coppilar sa mga pinangalanan ni Diskaya sa kanilang affidavit sa Senado.
09:55Bago pa man masaway ng chairman ng komite, sinami ni Diskaya na ngayon lang sila nagharap ni Coppilar.
10:01Dahil biti na sa oras, nag-adjourn muna ang pagdinig ng komite.
10:05Wala pa silang anunsyo kung kailan ang susunod na pagdinig.
10:09Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended