00:00Sa kabila ng sunod-sunod na pagtama ng mga bagyo, bumagal pa ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at servisyo sa bansa nitong Nobyembre.
00:08Si Gab Villegas sa Sentro ng Balita.
00:12Nakapagtala ng mas mabagal na inflation rate ang Philippine Statistics Authority nitong buwan ng Nobyembre.
00:18Bumagal sa 1.5% ang inflation rate nitong buwan ng Nobyembre, kumpara sa 1.7% noong buwan ng Oktubre.
00:25Pasok ito sa forecast ng Banko Sentral ng Pilipinas na 1.1% to 1.9%.
00:30Mula Enero hanggang Nobyembre, nasa 1.6% ang average na inflation ng bansa.
00:36Mas mababa ito sa 2 to 4% na target range na itinakda ng economic managers.
00:41Ayon kay Deputy National Statistician Assistant Secretary Divina Gracia del Prado,
00:46pangunahing daylan sa pagbagal ng inflation noong Nobyembre ay dahil sa pagbagal ng pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages na nasa 0.1%.
00:55Ayon naman kay Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan,
01:00isa rin sa mga dahilan ng pagbagal ng inflation ay ang mas pinaiting na price stability efforts ng pamahalaan
01:05sa pamamagitan ng mga programa na nagpapatibay sa food supply chain at nagpapalakas sa food security.
01:12Para lalo pang maibsa ng epekto ng inflation,
01:14magbubukas pa ang pamahalaan ng mas maraming site para sa 20 bigas meron na program sa lahat ng lalawigan sa bansa bago matapos ang taon.
01:22Gain din ang paglalabas ng panuntunan ng Department of Agriculture para labanan ng pagkalat ng African Swine Fever.
01:29I-o-automate rin ang pamahalaan ng registration ng mga kwalifikado miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps
01:36para sa Lifeline Rate Subsidy kusaan mas mababa ang babayaran nilang monthly bill sa kuryente.
01:41Patuloy rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga napapanahong polisiya
01:45upang mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin
01:48at matiyak na nararamdaman ng bawat Pilipino ang pagunlad ng bansa.
01:52Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment