00:00Bumagal ang inflation rate noong Hulyo ayon po yan sa Philippine Statistics Authority.
00:05Inaasaan namang mananatiling negative ang rise inflation sa buong taon.
00:11Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:15Patuloy ang pagbagal ng inflation ngayong 2025.
00:19Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA,
00:22bumagal ang inflation sa 0.9% noong Hulyo 2025.
00:26Mula 1.4% noong Hulyo, mas mababa kumpara sa 4.4% noong Hulyo 2024.
00:33Sa nhinito, mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig at renta na 2.1% mula 3.2%
00:41at pagbaba ng presyo ng pagkain na negative 0.2% at transportasyon na negative 2%
00:48dahil sa murang krudo at pamasahe.
00:50Yung vegetables inflation natin as a whole ay mababa pa rin.
00:57But we saw sa National Capital Region, particularly noong second half noong July,
01:02may mga adjustment na tayo na pag-akyat doon sa certain vegetable items.
01:08Bagsak presyo rin ang bigas ng 18.2% mula 50 pesos and 90 centavos noong Hulyo 2024
01:15sa 41 pesos and 31 centavos ngayong Hulyo 2025.
01:20So yung ating first regular milled rice nitong July,
01:25ang average price per kilo niya ay nasa 41 pesos and 31 centavos.
01:32compared July last year na ito ay nasa 50 pesos and 90 centavos.
01:38Kaya malaki talaga yung ating pagbaba ng presyo dito sa regular milled.
01:44Yung year on year na reduction niya ay negative 18.2%.
01:49Inasaang mananatiling negatibo ang rice inflation sa buong taon.
01:53Iminungkahin naman ng Department of Agriculture o DA
01:57ang unti-unting pagtaas ng taripa sa imported rice mula 15% hanggang 35%
02:03upang balansihin ang interest ng mga mamimili at magsasaka.
02:07Kasi gusto natin din, again, magkaroon ng balancing action
02:12para sa kapakanan ng ating mga magsasaka at sa kapakanan ng ating mga consumers.
02:17At timing din, huling datos ng PSA, record din na 15.9% negative yung deflation na ito sa presyo ng bigas.
02:27Dagdag pa ni Demesa, sapat ang supply ng bigas na aabot ng 2.5 million metric tons
02:32ng imported rice sa panahon ng anihan.
02:35Base dito, inirekomenda ang 45 hanggang 60 days na pagpapahinto ng importasyon
02:41sa panahon ng harvest season.
02:42Napakarami ng pumasok na import, 2.5 million metric tons na bigas
02:47plus record harvest tayo ng palay first semester.
02:51Yung 45 to 60 days, ano yun eh, one and a half months.
02:56Kung titignan mo yung requirement natin na 35,000 metric tons per day ng bigas,
03:04sa dami ng bigas natin, hindi yan makakaapekto masyado.
03:09Ramdam naman ang ginhawan ng mga mamimili tulad ng mga senior citizens
03:12na sina Lola Neri Villamor mula Quezon City at Nanay Lucia Aguinaldo mula Bulacan
03:18na bumaba ang gastusin sa pagkain mula 1,500 to 2,000 peso sa 1,000 pesos na lang kada linggo.
03:27Tumaas din konti, pero kahit pa paano mayroon, kaysa naman mura, wala naman.
03:34Minsan pag bagyo, mataas. Pag wala namang bagyo, normal ang presyo.
03:39Pag mga ano lang talaga, may sakuna lang talaga mataas.
03:43Sa Bulacan, sa bukid, para sa amin, it's okay. Malaking pasalamat namin.
03:50Nabwababa ang presyo. Diba, lalo na maraming mga bata, marami akong mga laga.
03:56Yung budget is okay na yun.
03:58Pinuri ni na Lola Neri at Aling Lucia ang pagbaba ng presyo at paglaganap ng 20 pesos na bigas.
04:05Mas abot kaya na ang pagkain sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soxargen at Barm.
04:13Sa NCR naman, bumaba ang inflation sa 1.7% at 1% sa labas ng NCR.
04:19Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.