Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
PH inflation, bumagal sa 0.9% nitong Hulyo ayon sa PSA | Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumagal sa 0.9% ang inflation ng Pilipinas nitong Hulyo.
00:04Ayon po yan sa Philippine Statistics Authority o PSA.
00:07Mas mabagal yan sa naitalang 1.4% noong Hulyo.
00:11At pinakamabagal sa loob ng halos 6 na taon mula 2019.
00:14May detalye si Denise Osorio.
00:19Patuloy ang pagbagal ng inflation ngayong 2025.
00:23Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA,
00:25bumagal ang inflation sa 0.9% noong Hulyo 2025.
00:30Mula 1.4% noong Hunyo,
00:33mas mababa kumpara sa 4.4% noong Hulyo 2024.
00:37Sa nhinito, mas mabagal ang pagtaas ng presyo ng kuryente,
00:41tubig at renta na 2.1% mula 3.2%.
00:45At pagbaba ng presyo ng pagkain na negative 0.2%
00:49at transportasyon na negative 2%
00:51dahil sa murang krudo at pamasahe.
00:54Yung vegetables inflation natin as a whole ay mababa pa rin.
01:00But we saw sa National Capital Region,
01:03particularly noong second half noong July,
01:06may mga adjustment na tayo na pag-akyat
01:08doon sa certain vegetable items.
01:12Bagsak presyo rin ang bigas ng 18.2%
01:16mula P50.90 noong Hulyo 2024
01:19sa 41 pesos and 31 centavos ngayong Hulyo 2025.
01:24So yung ating first regular milled rice nitong July,
01:29ang average price per kilo niya ay nasa 41 pesos and 31 centavos.
01:37Compared July last year na ito ay nasa 50 pesos and 90 centavos.
01:41Kaya malaki talaga yung ating pagbaba ng presyo dito sa regular milled.
01:48Yung year on year na reduction niya ay negative 18.2%.
01:53Inasaang mananatiling negatibo ang rice inflation sa buong taon.
01:58Iminungkahin naman ng Department of Agriculture o DA
02:00ang unti-unting pagtaas ng taripa sa imported rice
02:03mula 15% hanggang 35%
02:07upang balansihin ang interes ng mga mamimili at magsasaka.
02:10Kasi gusto natin din, again, magkaroon ng balancing action
02:16para sa kapakanan ng ating mga magsasaka
02:18at sa kapakanan ng ating mga consumers.
02:20At timing din, may huling datos ng PSA
02:23record din na 15.9 negative yung inflation, deflation na ito
02:28sa presyo ng bigas.
02:31Dagdag pa ni Demesa, sapat ang supply ng bigas
02:34na aabot ng 2.5 million metric tons
02:36ng imported rice sa panahon ng anihan.
02:38Base dito, inirekomenda ang 45 hanggang 60 days
02:42na pagpapahinto ng importasyon sa panahon ng harvest season.
02:46Napakarami ng pumasok na import, 2.5 million metric tons na bigas
02:51plus record harvest tayo ng palay first semester.
02:55Yung 45 to 60 days, ano yun eh, one and a half months.
03:00Kung titignan mo yung requirement natin na 35,000 metric tons per day
03:05ng bigas, sa dami ng bigas natin, hindi yan makaka-apekto masyado.
03:12Ramdam naman ang ginhawan ng mga mamimili tulad ng mga senior citizens
03:16na sina Lola Neri Villamor mula Quezon City
03:19at Nanay Lucia Aguinaldo mula Bulacan
03:22na bumaba ang gastusin sa pagkain mula 1,500 to 2,000 peso
03:28sa 1,000 pesos na lang kada linggo.
03:31Tumaas din konti, pero kahit pa paano mayroon, kaysa naman mura, wala naman.
03:38Minsan pagbagyo, mataas. Pag wala namang bagyo, normal ang presyo.
03:43Pag mga ano lang talaga, may sakuna lang talaga mataas.
03:47Sa Bulacan, sa Bukid, para sa amin, it's okay.
03:51Malaking pasalamat namin na bababa ang presyo.
03:55Di ba, lalo na maraming mga bata, marami akong mga laga.
04:00Yung budget is okay na yun.
04:02Pinuri ni na Lola Neri at Aling Lucia
04:05ang pagbaba ng presyo at paglaganap ng 20 pesos na bigas.
04:09Mas abot kaya na ang pagkain sa Eastern Visayas,
04:12Northern Mindanao, Davao, Soxargen at Barm.
04:16Sa NCR naman, bumaba ang inflation sa 1.7%
04:20at 1% sa labas ng NCR.
04:22Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended