Skip to playerSkip to main content
  • 6 days ago
Iba’t ibang puwedeng gawing regalo sa Pasko, murang mabibili sa Divisoria | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00May listahan na ba kayo ng inyong mga re-regaluhan ngayong Pasko?
00:04Siyempre, mas magandang maaga pa lamang planuhin na kung paano makatitipid sa mga pangregalo.
00:10Tutulungan namin kayong maghanap ng mga may abot kayang presyo sa ulat ni Gabby Llegas.
00:18Nasasabik na si Rose na makabenta ng maraming paninda ngayon na lalapit ang kapaskuhan sa kanilang pwesto sa Divisoria.
00:24Mabenta sa kanyang pwesto ang mga relo at underwear.
00:27May diskarte si Rose paano sila makakabenta.
00:30Diskarte lang po namin para makabenta. Inaayos po namin yung mga paninda namin.
00:34Nililinis po para po mabenta siya.
00:38Nangaalok din po kami ng buyer para lang po may bumili. Ganyan.
00:42Dahil unang araw na ngayon ng buwan ng Desyembre,
00:45kung kayo ay nag-iisip na ng mga bibilihing regalo sa inyong mga pagbibigyan,
00:49marami kayong pwedeng bilhin Christmas gift items sa Divisoria.
00:52Kung kayo ay nag-iisip ng mga ipangre-regalo sa inyong mga chikiting para sa kanilang Christmas party,
00:58naglalaro ang presyo ng laruan mula 50 hanggang 1,800 pesos, depende sa klase at laki.
01:04Kung ang pagbibigyan nyo naman ay nangangailangan ng gamit sa bahay,
01:07ang presyo ng plato at mangkok ay naglalaro sa 35 hanggang 65 pesos, depende sa laki.
01:13Ang mag naman, pakakabili ka ng tatlong piraso sa halagang 100 piso,
01:17habang ang isang 800 ml thermal flask ay 220 pesos ang isang piraso.
01:23Kung ang pagbibigyan mo ay palaging naiinitan sa labas,
01:26naglalaro sa 200 hanggang 450 pesos ang isang handheld fan,
01:31at kung mahilig sa soundtrip ang re-regaluhan mo,
01:33ay pwede mong bilhan ng Bluetooth speaker,
01:36na naglalaro sa 200 hanggang 1,500 pesos ang presyo depende sa laki.
01:41Hindi rin pwedeng kalimutan na bumili ng pambalot para sa ibibigay mong regalo.
01:4520 pesos ang limang pirasong Christmas gift wrapper,
01:48at kung paper bag naman ang iyong natitipuhan,
01:51ay naglalaro ang presyo nito sa 15 hanggang 80 pesos depende sa laki.
01:56Narito ang ilang tips para makatipid sa pamimili ng panregalo sa divisorya,
02:01ngayon nalalapit na ang Pasko.
02:02Tipid tip number 1.
02:04Bumili ng marami.
02:05Mas makakatipid kung bibili ka ng wholesale o pakiyawan kaysa sa patingi-tingi.
02:10May mga tindahan na nag-aalok na mas mababang presyo kung bibili ka ng maramihan.
02:15Tipid tip number 2.
02:17Laging tumawad.
02:18Kahit na mura ang presyo ng itinitindang produkto,
02:21huwag may hihiya na tumawad para makadiskwento sa bibiling panregalo.
02:25Tipid tip number 3.
02:27Huwag magpakita ng interes.
02:29Matutong magtingin sa ibang stall kung may mas mababang presyo ng target mong ipangregalo.
02:34Mas madaling makakatawad kung sasabihin mong may nakita kang mas mura sa ibang pwesto.
02:39At panghuling tip, maghanda ng eksaktong pambayad.
02:43Magdala ng maraming bariya at maraming bills para maging mabilis ang mga transaksyon.
02:49Habang nalalapit ang kapaskuhan, pagplanuhan na ang mga bibilhin at ilista ang mga taong reregaluhan.
02:56Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended