- 3 days ago
-Malalaking alon, humampas sa seawall sa Brgy. Poblacion; ilang biyaheng pandagat sa Negros Oriental, kanselado
-PAGASA: Bagyong Wilma, posibleng mag-landfall mamayang gabi o bukas ng umaga sa Eastern Samar o sa Dinagat Islands
-Tropical Cyclone Wind Signal no. 1, nakataas sa Eastern Samar
-AMLC: May bagong freeze order laban sa isang construction company na nakakuha ng pinakamaraming ghost flood control projects
-Driver ng bus, patay matapos makasalpukan ang isang trailer truck sa Star Tollway; 19, sugatan
-Christmas lights sa Subic Municipal Hall, pumutok at nasunog dahil sa loose connection
-Ombudsman Remulla kaugnay sa ICC arrest warrant vs. Sen. Dela Rosa: Hintay-hintay lang
-DOE-OIMB: Presyo ng gasolina, tataas sa susunod na linggo; diesel at kerosene, may rollback
-Dept. of Agriculture, ininspeksyon ang presyo ng mga bilihin sa Mega Q-Mart
-Grupong Manibela, may transport strike simula Dec. 9-11
-Certificates of Incorporation ng St. Timothy at St. Gerrard Construction na pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya, kinansela ng SEC
-Hiling na executive session ni Rep. Sandro Marcos, pinagbigyan ng ICI: itinanggi ni Marcos na sangkot siya sa budget insertions
-Pulis, tumestigo laban kay Julie "Dondon" Patidongan sa kasong kidnapping at serious illegal detention
-Ph Statistics Authority: Inflation rate nitong Nobyembre, bumagal sa 1.5%
-9 na tripulanteng Pinoy ng MV Eternity C, nakauwi na matapos ang limang buwang pagkakabihag ng grupong Houthi
-Brgy. Kagawad at senior citizen, nasawi sa banggaan ng motorsiklo
-Bodega ng bahay na may nakaimbak na mga paputok, nasunog
-Grand fan meet ni Dustin Yu na "Destiny: The Dustin Yu Experience," dinagsa ng fans at supporters
-Lalaki, patay matapos barilin at hampasin ng matigas na bagay sa ulo
-Panukalang P6.793T budget para sa 2026, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Senado
-Ombudsman Jesus Crispin Remulla: 1 o 2 buwan na lang ang itatagal ng imbestigasyon ng ICI
-
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-PAGASA: Bagyong Wilma, posibleng mag-landfall mamayang gabi o bukas ng umaga sa Eastern Samar o sa Dinagat Islands
-Tropical Cyclone Wind Signal no. 1, nakataas sa Eastern Samar
-AMLC: May bagong freeze order laban sa isang construction company na nakakuha ng pinakamaraming ghost flood control projects
-Driver ng bus, patay matapos makasalpukan ang isang trailer truck sa Star Tollway; 19, sugatan
-Christmas lights sa Subic Municipal Hall, pumutok at nasunog dahil sa loose connection
-Ombudsman Remulla kaugnay sa ICC arrest warrant vs. Sen. Dela Rosa: Hintay-hintay lang
-DOE-OIMB: Presyo ng gasolina, tataas sa susunod na linggo; diesel at kerosene, may rollback
-Dept. of Agriculture, ininspeksyon ang presyo ng mga bilihin sa Mega Q-Mart
-Grupong Manibela, may transport strike simula Dec. 9-11
-Certificates of Incorporation ng St. Timothy at St. Gerrard Construction na pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya, kinansela ng SEC
-Hiling na executive session ni Rep. Sandro Marcos, pinagbigyan ng ICI: itinanggi ni Marcos na sangkot siya sa budget insertions
-Pulis, tumestigo laban kay Julie "Dondon" Patidongan sa kasong kidnapping at serious illegal detention
-Ph Statistics Authority: Inflation rate nitong Nobyembre, bumagal sa 1.5%
-9 na tripulanteng Pinoy ng MV Eternity C, nakauwi na matapos ang limang buwang pagkakabihag ng grupong Houthi
-Brgy. Kagawad at senior citizen, nasawi sa banggaan ng motorsiklo
-Bodega ng bahay na may nakaimbak na mga paputok, nasunog
-Grand fan meet ni Dustin Yu na "Destiny: The Dustin Yu Experience," dinagsa ng fans at supporters
-Lalaki, patay matapos barilin at hampasin ng matigas na bagay sa ulo
-Panukalang P6.793T budget para sa 2026, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Senado
-Ombudsman Jesus Crispin Remulla: 1 o 2 buwan na lang ang itatagal ng imbestigasyon ng ICI
-
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:07.
00:09.
00:14.
00:19.
00:21.
00:22.
00:23.
00:24.
00:29.
00:30.
00:59.
01:00ang Biyahe ng Mga Sasakyang Paddagat sa Tagbilaran, Bohol, Cebu at Siquijor.
01:09Sinusministerin ang Coast Guard Station sa Sorsogo ng Ilang Biyahe
01:12mula roon pa Eastern Visayas, Northern Mindanao at ilan pang probinsya sa Bicol.
01:17Sa Catanduanes, hindi rin pinapayagang pumalaot ang mga bangka
01:20sa 7 lugar doon dahil sa Banta ng Malalaking Alon.
01:30Mayang gabi o bukas ng umaga posibleng mag-landfall ang Bagyong Wilma sa Eastern Samar o sa Dinagat Islands.
01:39Namataan po yan ang pag-asa 270 kilometers sila nga ng Borongan Eastern Samar.
01:44Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour.
01:49Easy na ilalim na sa wind signal ang ilang lugar sa Masbate at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:55Abangan mamaya ang listahan batay po sa 11am bulletin ng pag-asa.
02:00Sa pinakahuling forecast track ng pag-asa, tatawirin ng Bagyong Wilma ang kabisayaan hanggang sa araw ng linggo.
02:08Halos kagaya po ng dinaana ng Bagyong Tino.
02:11Sa lunes, posibleng nasa northern Palawa na ang Bagyong Wilma.
02:17Patuloy ang paghahanda ng ilang na taga Eastern Samar para sa posibleng epekto ng Bagyong Wilma.
02:22At may ulat on the spot si James Agustin.
02:26James?
02:28Raffi, walang tigil na yung mahina ga sa katamtamang buos ng ulan na nararanasan dito sa Eastern Samar sa nakataas.
02:35Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
02:37Pabugso-bugso yung ulan sumula pangagabi.
02:39Sa pinagalingan naming bayan ng Balanghiga, nakastanday ng rescue boat at iba pa search and rescue equipment.
02:45Gaya ng mga life vest at salvavida.
02:47Inihandaan na rin ng mga modular tents kung kakailanganin.
02:50Dima sa labing tatlong barangay ang binabantay ng flood road.
02:52Ang tatlo ay malapit sa dagat, habang dalawa ay malapit naman sa ilo.
02:56Nagpatupad na rin ang pre-entry evacuation sa dalawang barangay.
02:59Lumikas ang ilang residente sa kanilang mga kaanak at mayroon din sa temporary shelter.
03:04Sabi ng Local Disaster Waste Reduction and Management Office, ulan at shear line,
03:07na binabantayan nila na posibleng magpabahas sa ilang barangay.
03:12Samantala, Rafi, kararating lamang natin dito sa bayan ng G1 at dito'y pag-abon na lamang ninyo na pananasan sa mga oras na ito.
03:19Yan muna ilites mula dito sa Eastern Summer. Balik sa'yo, Rafi.
03:23Maraming salamat at ingat kayo dyan, James Agustin.
03:25Mainit na balita, nakakuha ng panibagong freeze order ang Anti-Money Laundering Council.
03:35Ayon sa AMLAC, laban niyan sa isang construction company na Anilay,
03:38nakakuha ng pinakamaraming ghost flood control projects, pati ilang tao na konektado sa kumpanya.
03:45Saklaw ng bagong freeze order na natanggap na AMLAC kahapon,
03:48ang 280 na bank accounts, 22 na insurance policies, 3 security accounts at 8 air assets.
03:56Dagdag ng AMLAC, layunin itong maibalik ang pondo ng bayan na hindi na gamit ng tama.
04:01Hindi pinangalala ng AMLAC ng naturang kumpanya ang sakop ng freeze order.
04:06Pusibli rin itong maharap sa mga reklamong graft at malversation.
04:10Ikalabintatlong freeze order na yan.
04:12Sa kabuuan, nakapagpafreeze ng AMLAC ng nasa halos 13 bilyong pisong assets
04:17na may kaugnayan sa mga kumpanya at taong sangkot o manok sa mga anomalya sa flood control projects.
04:25Ito ang GMA Regional TV News.
04:30Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:35Patay ang driver ng isang bus matapos makasalpuka ng isang trailer truck sa ibaan, Batangas.
04:42Chris, ano ang nangyari?
04:47Connie, base sa investigasyon, nawala ng kontrol ang truck matapos na pumutok ang gulong nito sa bahagi ng Star Tollway sa Barangay Sabang.
04:55Doon daw nawala ng kontrol ang driver ng truck at napunta sa linya ng bus na papuntang Maynila.
05:01Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.
05:06Labing siyam na pasahero ng bus ang sugatan at isinugod na sa ospital.
05:10Nasa WIS Hospital ang driver.
05:12Hawak na ng motoridad ang driver ng truck na wala pang pahayag ukul sa insidente.
05:17Wala pa rin pahayag ang kumpanya ng bus.
05:21Nagkaaberean naman ang ilang Christmas decoration sa munisipyo ng Subic, Zambales.
05:27Huli kam na pumutok at nag-apoy ang linya ng pailaw na nasa gilid ng municipal hall.
05:33Agad namang naapula ang apoy.
05:35Ayon sa Bureau of Fire Protection, may loose connection ang wire sa breaker kaya ito nagliyab.
05:41Paalala ng BFP at DTI, dekalidad na Christmas lights lang ang gamitin.
05:46Dapat may Philippine standards at import commodity clearance marks ang mga ito.
05:51Kapag matutulog na, patayin na raw ang mga pailaw.
05:55Kung maulan naman ang mga dekorasyon, obserbahan kung magkakaproblema.
05:59At kung luma na rin ang mga pailaw, bantayan at maging maingat sa paggamit.
06:04Sa ibang balita, hintay-hintay lamang daw ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimunia
06:12bago maisilbi ang warrant of arrest ng International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa.
06:18Hindi tinukoy ni Rimunia sa kanyang panayam sa unang balita sa unang hirit kung sino ang sinasabi niyang pumakausap sa ICC.
06:40Idadaan daw sa Executive Department sakaling mayroon ng arrest warrant.
06:45Muli niyang nilinaw na unofficial ang hawak niya umanong kopya.
06:48Nitong Nobyembre na ang unang sabihin ni Rimunia na may arrest warrant na ang ICC laban kay de la Rosa.
06:55Simula noon, hindi na nagpakita sa Senado si de la Rosa.
06:59Hindi kinumpirma ng ICC kung may inilabas itong warrant laban kay de la Rosa na jepe ng Philippine National Police noong War on Drugs ng Administrasyong Duterte.
07:10Tulad nitong Martes, taas baba na naman ang inaasahang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
07:22Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau, batay sa 4-day trading, humigit kumulang na 70 centavos kada litro ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina.
07:32Humigit kumulang 45 centavos naman ang nakikitang bawa sa kada litro ng diesel, habang humigit kumulang 25 centavos naman ang nakikitang tapya sa kerosene.
07:43Ayon sa DOE, bunsod ang galaw na pag-atake ng Ukraine sa oil infrastructure ng Russia, pati ang tumatas na tensyon sa pagitan ng Amerika at Venezuela.
07:52Baging ang surplus o pagdami ng supply ng langis.
07:57Efektibo na ngayong araw ang maximum suggested retail price sa kaming baboy at carrots.
08:02Kabilang po ang mga bilihin na yan sa ininspeksyon ng Department of Agriculture sa Mega Q Mart sa Quezon City.
08:09At may ulot on the spot si Tina Panganiban Perez. Tina?
08:13Connie, wala naman nakitang malaking problema ang Department of Agriculture sa presyo at supply ng mga produktong agricultural na mag-inspeksyon sa Mega Q Mart sa Quezon City kaninang umaga.
08:24Inipot mismo Connie ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel ang mga tindahan ng bigas, manok, baboy, isda at tulay.
08:33Ang inspeksyon ay kasabay ng pagpapatupad ng maximum suggested retail price ngayong araw sa taros at gardening baboy.
08:40Napansin ni Chulaurel na bumaba ang presyo na mga bilihin ngayong araw kumpara kahapon at posibleng ito'y dahil natunodan daw ng mga nagsipinda ang kanilang inspeksyon kanina.
08:50May mga bumibili pa rin ng galunggong kahit nasa 300 pesos na ang kada kilo dahil magmala sa raw ito kumpara sa ibang sida.
08:58Ayon kay Chulaurel, kakaunti lang ang mga itinas o itinitindang galunggong ngayon dahil walang mabilhan ang mga importer.
09:06Ang tamba naman, 200 pesos kada kilo. Ang galunggong balsa, 220. Bangus, 200. At tilapia, 140.
09:14Ang puti at pulang sibuyas, 120 ang kada kilo.
09:18Pero nasita ni Chulaurel ang isang nagtitinda.
09:21Nang sinabi nitong lokal, ang mga tinda niyang mabiliit na punang sibuyas dahil alam daw ni Chulaurel na imported ang mga ito.
09:29Sabi ng kalingin, hindi naman bawal magtinda ng imported na sibuyas.
09:33Ang bawal ay ang profit eating o sobrang patong sa presyo.
09:3860 pesos lang kada kiloan niya ang benta ng mga wholesalers sa imported na sibuyas.
09:43Pero pagdating sa palengke, umaabot ng 170 hanggang 180 kada kilo.
09:49May nakita pa nga kami ko na 200 pesos kada kilo.
09:53Nang tanongin ng GMA Integrated News ang nagtitinda, hindi naman daw niya alam kung lokal o imported ang mga tinda niya.
10:01Sababoy naman, 370 kada kilo ang liyempo, habang 330 ang kakin at sige.
10:08Magandang alternatibo ng mga nagtitipi, ngayong H.U. Laurel, ang manok na 190 hanggang 200 ang whole.
10:16Magsak daw kasi ang farm gate price ng manok ngayon na nasa 99 hanggang 110 kada kilo.
10:23Kung mahili ka naman sa maanghang, Connie, nakakapotas ng pulsa.
10:26Ang presyo ng sealing labuyo na nasa 600 ang kada kilo ngayon.
10:31Maglulunsa daw ang Departate of Agriculture ng programa para maparami ang anin nito at mapababa ang presyo.
10:38Sa katauna na ang pagkakataon, sumama sa inspeksyon ng Food and Drug Administration at marami na itong nakitang problema.
10:45Gaya ng repacking at recycling ng magtika at noodles na hindi sumusunod sa safety standards.
10:52Babala ni FDA Deputy Director General Attorney Franklin Anthony Sabakin,
10:57Kapag nagamit ang mga ito sa pagluluto, pwedeng mapanis agad ang pagkain o magkasakit ang nakakain.
11:04Ang mahuhuling nagre-repack o nagre-recycle ng hindi ayon sa safety standards ay pwedeng pagmultahin ang mula 50,000 hanggang ilang milyong iso.
11:14Makulong ng 6 na taon at maharap sa mga kasong kriminal.
11:17Para masigurong tama ang presyo at kalidad ng mga binibuli ng mga consumer,
11:23tiniyak ni Chulaurel na regular silang magsasabawa ng surprise inspection.
11:28Connie?
11:29Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
11:32May tigil pasada ang transport group ng Manibela.
11:35Tatlong araw yan magtatagal simula sa Martes, December 9.
11:39Gagawin niya sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
11:42Ayon sa Manibela, protesa nila ito para saan nila'y harassment.
11:45Sobra-sobrang penalties at mabagal na pagproseso ng gobyerno sa mga dokumento.
11:51Wala pang komento riyan ang Land Transportation Office at iba pang ahensya ng gobyerno.
12:07Kinansila ng Securities and Exchange Commission ang Certificates of Incorporation ng St. Timothy at St. Gerard Construction.
12:15na parehong pagmamayari na mag-asawang Sarah at Curly Diskaya.
12:20Ayon sa SEC, ito ay dahil sa pagsusumite ng dalawang kumpanya ng maling impormasyon tungkol sa beneficial ownership.
12:28Naging basihan ang komisyon ang pag-ami noon ni Sarah Diskaya sa Senate Blue Ribbon Committee na siya
12:33ang nagmamayari at opisyal ng dalawang kumpanya.
12:38Ngunit, batay sa SEC records, wala ang pangalan niya sa beneficial owner declaration ng St. Timothy mula noong 2022 hanggang September 2025
12:49at ng St. Gerard mula 2022 hanggang 2024.
12:54Pinagmumulta rin ng tig-dalawang milyong piso ang dalawang kumpanya dahil sa paglabag.
13:00Ayon sa SEC, binigyan ng labing limang araw ang dalawang kumpanya para magpaliwanag pero hindi nila ito ginawa.
13:07Wala pang pahayag dito ang kampo ng mga diskaya.
13:14Kinianggihan ni Davao City 1st District Rep. Paulo Duterte ang imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure
13:20dahil walaan niyang horisdiksyon ng komisyon sa kanya.
13:23Humarap naman si House Majority Leader Sandro Marco sa ICI na naka-executive session.
13:29Balitang natin ni Joseph Moro.
13:30Sa halip na i-livestream na uwi sa executive session ang pagharap ni Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos
13:40sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
13:43There may be critical information that may be elicited from his testimony
13:47which may jeopardize or compromise for the investigation of this commission.
13:51We grant your request so we will adjourn this session and go into executive session.
13:58Humarap si Marcos sa media pagkatapos ng executive session.
14:02Itinanggin ni Marcos sa mga aligasyon ni dating Congressman Saldico
14:05na nagdawid sa kanya sa umano yung may insertion na mahigit 50 billion pesos sa 2023, 2024 at 2025 budget.
14:13I did not do any such a thing.
14:16Kung nakikita niyo po yung listahan, may mga project dyan sa Davao City nakalagay, nakalista sa Davao City.
14:23Eh, alam naman natin sino nakatira dun. Ba't ba ako maglalagay ng projects dun?
14:27Dagdag ni Congressman Marcos nasa ICI na kung gusto nitong investigahan
14:31ang kanyang amang si Pangulong Bongbong Marcos.
14:34Naunin ang pinaratangan ni Coe ang Pangulo na nasa likod umano
14:37ng isan daang bilyong pisong insertion sa budget.
14:40I don't want to speak on behalf of the ICI.
14:42Ayon naman, kay outgoing ICI Commissioner Rogelio Singson,
14:45hindi sapat na basihan ang mga video ni Coe para ipatawag si Pangulong Marcos.
14:50Inulit ni Singson ang imbitasyon ng ICI kay Coe na tumistigo kahit pa online.
14:55Ang dami niyang sinabi eh. Pero ano'ng basis nun? Pwede ganun-ganun na lang ba?
15:03Again, that's what happened in the Senate. Nagpanggit ng mga pangalan, isang katero ba?
15:08When we started interviewing those that were mentioned, talagang huwag ng koneksyon.
15:15For either it was highly politically motivated or some other reason, we don't know.
15:21In-imbitahan ng ICI si Davao City First District Representative Paulo Duterte
15:26pero tinanggihan nito ang imbitasyon ng komisyon.
15:30Kuinestyon ni Congressman Duterte ang horisdiksyon ng komisyon sa kanya.
15:34Sabay giit na vego malabo ang imbitasyon nito.
15:37Dapat daw si Pangulong Marcos, kanyang pamilya, at si dating Speaker Martin Romualdez
15:41ang imbestigahan ng ICI dahil sa mga isinawalat ni Coe.
15:45Ginagamit daw ng administrasyon ng ICI bilang political weapon para ilihis ang atensyon ng publiko
15:51at pahinain ng pamilya Duterte bago ang eleksyon sa 2028.
15:55Tanong naman ni Actteacher Spartelist Representative Antonio Tino, bakit biglang dinagasi pulong?
16:01Hindi aniya sapat ang mga general denial at kailangang sumugot siya sa mga tanong
16:06tungkol sa paggastos ng pondo sa kanyang distrito.
16:08Nauna ng pinimbestigahan ni Tino sa ICI ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte
16:15na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos.
16:19Sagot naman ni Duterte kay Tino, hindi siya umatras.
16:22Sahalip ay umayaw raw siya sa palabas.
16:24Ayon naman sa ICI, igagalang nila ang posisyon ni Congressman Duterte
16:28pero malinaw raw ang kanilang mandato na imbestigahan ang mga infrastructure project ng gobyerno
16:34at lahat ng responsable dito.
16:36Tuloy raw ang trabaho hanggat hindi dinedeklaran ang korte na walang visa ang ICI.
16:42Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:52Kumistigo ang isang pulis sa kasong kidnapping at serious illegal detention
16:56laban kay Julie Dondon Patidongan sa pagdinig nito sa Manila Regional Trial Court.
17:00Ito ang kaso ni Patidongan at timang iba pa kaugnay sa pagkawala ng 6 na sabongero sa Manila Arena noong 2022.
17:07Nang makausap ko ang abogado ni Patidongan, sinabi niyang naging maayos ang takbo ng pagdinig kahapon.
17:13Sa Enero na raw ang susunod na pagdinig.
17:15Kahit anuman daw ang mangyari sa kasong ito ng kanyang kliyente,
17:18hindi raw ito makaapekto sa kaso laban sa anya yung mga mastermind ng pagkawala ng mga sabongero.
17:24Mainit na balita, bumagal ang inflation o ang bilis ng pagmahal ng mga produkto at servisyo sa bansa.
17:35Ayon po yan sa Philippine Statistics Authority.
17:371.5% ang naitalang inflation rate nitong Nobyembre.
17:41Mas mabagal kaysa sa 1.7% inflation noong September at Oktubre.
17:46Sabi ng PSA, nakaambag sa mas mabagal na inflation ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng gulay,
17:54particular na ang kamatis pati ang karneng baboy.
17:58Nakaambag din ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng household goods at kitchen appliances.
18:04Ang inflation rate nitong Nobyembre ay pasok sa 1.1% hanggang 1.9% rejection ng Banko Sentral ng Pilipinas.
18:13Ito ang GMA Regional TV News.
18:20Mainit na balita sa Visayas at Mindanao, hatid ang GMA Regional TV.
18:25Nabangga ng isang motorsiklo ang isa pang motor sa Barotak, Viejo, Iloilo.
18:30Cecil, kumusta yung mga sakay ng mga motorsiklo?
18:35Rafi dead on arrival sa ospital ang parehong rider.
18:39Kagawad ng barangay Bayang ang isa sa mga rider.
18:41Senior citizen naman na taga barangay Santiago ang isa pa.
18:45Batay sa investigasyon, diglang tumawid ang motor ng senior citizen kaya nahagit yun ng motorsiklo ng kagawad.
18:52Malubhang sugat sa ulo ang ikinamatay nila.
18:55Napagalamang walang suot na helmet ang parehong rider nang mangyari ang aksidente.
19:01Wala pang pahayag ang mga kaanak nila.
19:05Kasunog ang bodega ng isang bahay sa Binalbaga, Negros Occidental.
19:11Maririnig ang sunod-sunod na putok mula sa bahay na yan sa barangay Kanmoros.
19:23Kasabay niyan ang managangalit na apoy.
19:26Sa investigasyon ng Bureau of Fire Protection, napagalamang may mga nakaimbak na paputok sa bodega ng bahay na mula pa sa nakaraang pagsanubong ng bagong taon.
19:36I-ne-imbestigahan pa ang sanhin ng pagsindi ng mga paputok.
19:39Ayon sa BFP, mahigit 200,000 piso ang iniwang danios ng sunog.
19:45Sa Lapulapus City naman, dito sa Cebu, nasunog ang isang yatin.
19:50Lumalabas sa investigasyon ng City Fire District, nasa baterya ng yatin nagsimula ang apoy.
19:55Napagalaman din dati itong nakaangkla sa Marigondo Dwarf pero napadpad sa dagat sa kasagsagan ng Bagyong Verbena.
20:02Hindi pa nakuhanan ng pahayag ang may-ari ng yatin.
20:06Siyam na raang gibong piso ang tinatayang halaga ng tigsala ng sunog.
20:11Wala namang nasaktan sa insidente.
20:16Happy weekend mga mare at pare!
20:18A night filled with wonderful memories ang pinagsaluan.
20:22New sparkle artist at former PBB Celebrity Collab Edition housemate, Dustin Yu, kasama ang kanyang fans.
20:32Napuno ng kilig at hiyawan ng grand fan meet ni Dustin at Destiny, the Dustin Yu experience sa Quezon City kagabi.
20:41Present sa event si na Sparkle First Vice President Joy Marcelo at former PBB housemates na si Nakira Ballinger at A.G. Martinez.
20:50May special performance naman si Dustin with ex-PBB housemate Josh Ford.
20:55Personal ding nag-deliver ng kanilang special gift at message si na PBB big winner duo Mika Salamaka at Brent Manano.
21:04Habang powerful vocals din ang hatid ni Nathaya Astley, Hannah Priscilas, Chloe Redondo at peepop group na Sixth Sense.
21:12Si ka ni Dustin, grateful siya na natupad ang pangarap niyang magkaroon ng grand fan meet.
21:18Hindi ko siya in-expect. So talagang yung pagmamahal nila sobra talaga.
21:27Hindi ko mas sobrang love ko sila. Kasi yun nga, hindi ko in-expect. Tapos grabe talaga yung binibigay nilang support sa akin.
21:33I'm happy na madami ako napapasaya. Na nagiging instrument ako para to inspire other people which I really value.
21:42Ito na ang mabibilis na balita.
21:48Dead on the spot ang isang lalaki matapos barilin sa Valencia, Bukidnon.
21:52Ayon sa pulisya, naglalaro ng billiards ang biktima ng lapitan umuno ng salarin at barilin.
21:57Hinampas din daw ng mabigat na bagay ang ulo ng biktima. Tumakas ang salarin matapos ang krimen.
22:03Patuloy pa ang investigasyon ng pulis sa krimen. Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang pamilya ng biktima.
22:08Umabot na sa sampu ang naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group na nagbebenta umuno ng paputok online.
22:17Nagsimula ang mga entropic operation itong Oktubre at mahigit 200,000 paputok na ang nakupiska.
22:23Wala pang pahayag ang mga naaresto na sinampahan ng karampatang reklamo.
22:28Paliwanag ng ACG, lahat ng klase ng paputok, maliit man o malaki ay bawal ibenta online.
22:32Aprobado na sa ikalawang pagbasa sa asasinado ang panukalang P6.793 Trillion na budget para sa 2026.
22:44Sino-Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Sen. Joel Villanueva lang ang tumutol sa pagpasa ng budget.
22:50Ayon kay Cayetano, meron pa rin kasing unprogrammed funds o standby na pondo sa panukalang 2026 budget.
22:56Gayunpaman, wala raw si Cayetano na makipagtulungan sa Senate Majority lalo na sa mga pagpapulong ng Bicameral Conference Committee.
23:06Suportado naman ni Villanueva ang pananaw ni Cayetano.
23:09Sa susunod na linggo, target masimula ng Bicam Meetings.
23:12Basas na naon ang sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Wynne Gatchalian,
23:16target namang papirmahan sa Pangulo ang 2026 General Appropriations Bill sa December 29.
23:26Tingin ni Ombudsman Jesus Crispin Remuya,
23:30isa o dalawang buwan na lamang ang itatagal ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
23:39Tingin ko mga isa-dalawang buwan na lang yan at maaari na i-turn over sa aming lahat ng kanila mga tinabaho at makakatulog niyan sa aming gawain.
23:49Sagot yan ni Remuya nang matanong sa unang balita sa unang hirit kung hanggang kailan na lamang ang itatagal ng komisyon.
23:57Kasunod ng resignation ni ICI Commissioner Rogelio Singson na pangalawang opisyal nang nag-resign sa komisyon matapos si Mayor Benjamin Magalong.
24:07Nakahanda raw ang Ombudsman na saluhin ang trabaho ng ICI sakaling mabuwag ito.
24:12Tiniyak din ni Remuya na may mga sangkot sa questionabling flood control projects ang magpapasko sa kulungan gaya ng pangako ng Pangulo.
24:21Iginiit ni Remuya na sinusunod ang due process sa imbestigasyon.
24:28Meron, meron talaga magpapasko sa kulungan kasi na yun talaga ang nakikita namin sa aming mga imbestigasyon na ginagawa sa Office of the Ombudsman.
24:38Tsaka sa DOJ, ang DOJ po ay marami rin po silang tasong tinatapos at makafile na rin po yung mga kaso nila.
24:49Kaugnay, sa pinakabagong anunsyo ng Pangulo at iba pang malalaking issue, kausapin natin si Palas Press Officer Yusek Claire Castro.
24:56Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
25:00Yes, good afternoon, Rafi. Good afternoon sa lahat na nakikinig sa atin sa inyong program. Matanonood.
25:05Apo, iniinunsyo po ng Pangulo ngayong umaga yung pagpapasampan ng kaso kaya Sara Tiskaya
25:10at ilan pang personalidad kaugnay sa Questionabling Flight Control Project sa Jose Abad Santos, Davao Oriental.
25:17Paano po umantong sa ganitong rekomendasyon ng Pangulo?
25:21Meron naman kasi syempre ang mga nag-iimbestigan naman ito like the DPWH,
25:25nabibigay naman ng update sa Pangulo.
25:27At kapag nakikita naman din ng Pangulo at naibigay sa Pangulo ang mga tamang report,
25:34ito naman po ay isang-sangayunan para ma-isang pa agad yung kaso or mairekomenda na ma-isang pa yung kaso.
25:39Bakit po kaya ang Pangulo mismo ang nag-anunsyo nito?
25:43Kailangan po kasi ang Pangulo tutok talaga po.
25:47Kasi ito po yung pinaka...
25:49Ang gusto po kasi talaga ng Pangulo sa ngayon ay ma-panagot, alatan-sangkot.
25:55Kailangan po tutok ang Pangulo sa mga na-ireport na tulad nito.
26:06Medyo napuputol lang po yung ating komunikasyon.
26:09Kinumpirma rin po ngayong umaga na nagbitiw sa pwesto.
26:12Kanina pa po nagkakaproblema.
26:13Opo, kinumpirma rin po.
26:15Nagbitiw rin din po sa pwesto si Justice Undersecretary Jojo Cadiz.
26:19Ano pong dahilan nito?
26:22Sa aking pagkakalam ay nagtigil lang po siya ng courtesy resignation sa DOJ.
26:26Pero kung ano po ang dahilan po nito, wala po tayong personal na knowledge.
26:31Kasi magkakasunod po sa ICI naman, nagbitiw itong si ICI Commissioner Sing Son.
26:38Ano pong thoughts dito ng Palacio na Malacanang?
26:42Ano po, again? Sorry po?
26:43Opo, magkakasunod po kasi yung mga nagbitiw, pati si Commissioner Sing Son sa ICI.
26:47Ano pong thoughts dito ng Malacanang?
26:51Kung hindi po natin mapipigilan.
26:53Kasi kung si Sec. Babe Sing Son po ay tungkol sa kanyang kalusugan at sa security ang kanyang idinadaing,
27:00muli ang Pangulo po ay nagpapasalamat po dahil napakalaking tulong po ang nagawa po ni Sec. Babe Sing Son sa ICI.
27:08At hindi naman po natin mapipigil kung sarili pong kalusugan ang iniinda po ni Sec. Babe Sing Son.
27:14Meron na ho bang napipisil na kapalit si Sing Son?
27:20Wala pa po na pag-uusapan sa ngayon.
27:22Sa panayin po ng unang balita kay Ombudsman Rimulya, tingin rao niya ay isa o dalawang buwan na lang ang ICI.
27:28Ganito po ba yung direksyon ng komite?
27:31Hindi pa po rin namin na pag-uusapan sa ngayon ang patungkol po dyan.
27:35At ngayon po kasi nakikita po natin kung gano'n din po talaga kasigasig ang Ombudsman.
27:39Sa pamamagitan ng mga dokumento na naibigay po ng ICI, ng DTWH, ng ibang ahensya,
27:46nakikita po natin na talagang tutukot din po ang Ombudsman sa mga kaso po ng mga anomaliyang flood control projects sa infrastructure.
27:54So with that, siguro pag-aaralan po ito ng Pangulo.
27:58Opo, hingin din po namin yung inyong reaksyon.
28:00Sabi kasi ni Congressman Duterte,
28:01i-ginagamit daw ng administration ng ICI bilang political weapon para i-lease daw yung atensyon ng publiko
28:07at napahinain yung pamilyo Duterte bago ang eleksyon sa 2028.
28:11Ano pong masasabi niyo roon?
28:13Ang ibig po masabihin nun, ang mata nila ay nakatuunan sa 2028 elections.
28:17Samantala nga ang Pangulo ay inaayos ang mga usapin tungkol sa mga maanumaliyang flood control projects.
28:23Hindi po yata dyan ang direksyon ng ating Pangulo.
28:26Unang-unang ICI po ay isang independent commission.
28:29Marami na po mamabatas, marami na po ang taon na gumalang sa pagpapatawag ng ICI.
28:35Parang bukod tangi lamang po yata siya ang ayaw intindihin at ayaw galangin ang patawag ng ICI.
28:41Tandaan ko natin, kapagka naman po walang itinatago, hindi naman kailangan magtago.
28:48At malaya po siya magsasabi kung ano ang kanyang mga taloobin, ang kanyang mga facts, mga data tungkol sa mga issue na ipinabato sa kanila.
28:55Ang Pangulo po ba, willing na mag-volunteer na magtungo sa ICI para sabihin yung kanyang nalalaman tungkol sa mga flood control projects?
29:04Bakit po kailangan mag-volunteer?
29:06Siguro po kung sino man po ang nag-aakusa sa kanya, ang gusto po ng Pangulo, pumunta po siya sa Pilipina.
29:14Diti niya panumpaan ang kanyang mga bintang.
29:15Hmm. Nakapag-desisyon na po ba kung magtatakda ng monetary reward sa makapagbibigay ng impormasyon sa ika-aresto po ni dating Ako Bicol Partyist Representative Zaldico?
29:28Ayon po sa DILG ay hindi naman po ito kinakailangan.
29:33Hmm. So hindi po kailangan. Pero ang panawagan po nila sa publiko, lalo na sa mga Pilipino abroad, magsumbong, magbigay ng impormasyon.
29:41Kung makikita nila itong si Zaldico, hindi mo ba makatutulong kung meron ding monetary reward?
29:47Pag-aaralan po yan. Dahil sa pangayon po, ang sabi po ng DILG ay hindi pa po napapanang.
29:51Hmm. Ano masasabi niyo po ilang araw nang hindi nagpapakita sa Senado, si Sen. Bato de la Rosa?
30:00Siya naman po ay dating polis, siya naman po ay mamabatas, at alam po natin na dapat lamang sumunod sa batas.
30:07At hindi po magandang ibigyan ng advice na siya'y magtago at hayaan na lang natin ang polis ang maghanap sa kanya.
30:16Mas maganda po sumunod siya sa batas at kinakailangan po na yung trabaho niya.
30:22Wala naman po kasi sa ngayon po, siguro na doon lang po yung takot niya, ano nabanggit na di umano may warrant of arrest.
30:29Pero sa ngayon po ay wala naman pong pagtukoy sa nasabing issue.
30:36So huwag niya po sanang i-shortchange yung mga taong bayan na bumoto sa kanya at kailangan po magtrabaho talaga.
30:43Panghuli na lamang po, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Senado yung 2026 National Budget.
30:47Sa tingin niyo po, kaya ay mapipirman ito ng Pangulo bago matapos ang taon?
30:53Kayo po ng Pangulo ng reenacted budget. Alam po ng lahat yan.
30:56So pipilitin po yan, aaralin, kahit hindi na po matulog ang Pangulo para maaral po yan, para lamang po hindi magkaroon ng reenacted budget.
31:04Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagin niyo sa Balitang Hali.
31:07Maraming salamat, Rafi.
31:09Palas Press Officer Yusek Claire Castro.
31:16Isinalang ulit sa auksyon ngayong araw ang apat na sasakyan ng mga diskaya na hindi na ibenta sa unang auksyon noong November 20.
31:23Update po tayo sa Ulat on the Spot ni Oscar Oida.
31:26Oscar?
31:30Yes, Connie. Dalawa lamang sa apat na sasakyan ng mga diskaya na isinubasa ng araw dito sa Bureau of Customs ang nabili.
31:39Ito ay ang Toyota Tundra na nakuha ng Soulbidder sa halagang 3,480,000 pesos.
31:45At ang Toyota Sequoia na nabili naman sa halagang 6,000,000 pesos.
31:49Wala namang naging takers ang Rolls-Royce Cullinan at Benqui Bentega.
31:53Yan ay kahit ibinaba na ang floor price o pinakamababang tatanggaping bid para sa apat na sasakyan.
32:00Nang tanoy ng ilang bidders kung bakit di sila naging interesado sa dalawang nabanggit na luxury real,
32:05sagot ng isa, masyado daw mahal.
32:07Kung ibinabaraw sana ng 50%, baka daw may kumuha.
32:12Sa ngayon, pinag-aaralan pa rao ng Bureau of Customs ang magiging sunod na akbang para sa mga di nabiling luxury cars.
32:18Posible daw buksan nila ito to direct offers sa general public.
32:22Connie?
32:23Yes, Oscar. So, meron bang third auction pa kung saka-sakali or aantayin na mapag-aaralan itong 50% discount na sinasabi at hinihingi ng mga nag-auction?
32:39Yes, sa panayam na ibigay ng Bureau of Customs kay Ina sa mga member ng media ay sinabi nilang pinag-aaralan pa nila ang mga options, mga given options.
32:49Yan nga yung direct offer at kung ipapabid ba, pinag-aaralan niya maigit.
32:54Pero ang hindi nila daw kinukonsidera sa mga sandaling ito ay ipasira yung mga sasakyan na ito.
33:00Dapat daw ay magamit ito ng taong bayan.
33:04Okay. At ano pang ating nakikita ngayon?
33:07Kasi ito sa mga diskaya pa lamang ito, meron ba silang itinatrabaho pa na sinasabing nakasuhan na rin ng ombudsman patungkol dun sa kanila mga ari-arian naman?
33:18Baka meron pang mga susunod na personalidad na may mga pagma-aari din ng mga luxury vehicles na kukunin pa rin na itong Bureau of Customs?
33:32Ang pagtitiyak ng Bureau of Customs ay tuloy-tuloy ang kanilang pagtatrabaho.
33:37At itong mga public auction ay posible daw maging masundan pa ng mas madalas.
33:44Pero kung meron mga nabanggit particularly sa iba pang mga isyo ay hindi na ito.
33:50Pinalawig pa ng tagapagsalita ng Bureau of Customs at nalimitahan na lamang dun sa nangyaring public bidding ngayong araw.
33:59Connie?
33:59Maraming salamat, Oscar Oida.
34:01Alay, nakisaya ang ilang Kapuso star sa dalawang magkahihwalay na pagdiriwang sa Batangas.
34:13Isa rin yan ang makulay at masiglang kabakahan festival sa Padre Garcia, ang tinatawag na Cattle Trading Capital of the Philippines.
34:23Stellar performances ang inihati doon ni nagkapuso artists Paul Salas, AZ Martinez, Jennifer Maravilla at Talaga Chalian.
34:35Siyempre, hindi nila pinilagpas ang chance na tikman ang ipinagmamalaking beef caldereta Batangeno style.
34:41Dinagsa naman ang pagubukas ng Paskuhan sa Lungsod ng Kalakang.
34:48Nakisaya riyan ang ilang bida ng upcoming Kapuso series na House of Lies na sina Beauty Gonzalez, Mike Tan at Chris Bernal.
34:57May performance din after ng ceremonial lighting si Rita Daniela.
35:02Thankful naman sila sa naging mainit na pagtanggap ng mga taga-Kalakang.
35:11May paguho ng lupa sa Barangay Poblasyon sa Hungduan, Ifugao.
35:21Ayon sa Hungduan Municipal Police Station, malawak ang naging paguho kaya isinara muna ang Tinok-Hungduan-Banawi Road.
35:29Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta tulad ng Kiyangan-Tinok-Bugyas Road.
35:36Eh kaway-kaway naman sa mga pinalaki ng sex bomb, oh.
35:48Sumakit ang ulo ko, sumakit ang bewa ko.
35:51Sex bomb, sex bomb.
35:53Get, get, aww!
35:55Naku!
35:56Walang kupas pa rin ang sex bomb sa kanilang dance concert na na-witness ko kagabi.
36:02Hihi.
36:09Hiyawan ang crowd sa pasabog na opening production number ng sex bomb.
36:14Tampok dyan, syempre, sina Rochelle, Jopay, Yvette, Weng Monique at iba pang sex bomb girls.
36:21Nostalgia din ang feels ng muling kantahin ang grupo ang ilang hit iconic songs nila.
36:27Highlight din ang concert ang showdown ng sex bomb at sex balls na parody group noon sa Bubblegum.
36:35Guest din sa concert ang Yugi Pep Squad.
36:38Spotted naman ang ilang kapuso stars na nanood ng concert gaya ni Andrea Torres at Gabby Eigenman.
36:45High energy rin ang crowd na nag-enjoy at nakisayaw rin sa hits ng sex bomb sa concert.
36:52Kasama na ako.
36:57Update po tayo sa lagay ng Bagyong Wilma.
37:02Kausapin po natin si pag-asa weather specialist, Benison Estareja.
37:06Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halid.
37:09Morning po, Ma'am Pony.
37:11Yes, sir.
37:12Saan ang direksyon na po ang tatahakin ng Bagyong Wilma sa mga susunod na oras?
37:16Sa mga susunod na oras po, tatahakin itong si Bagyong Wilma ang general direction na westward.
37:22So ibig sabihin maaari nitong tumbukin itong Eastern Summer o Dinagat Islands mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
37:29Afterwards, pagsapit ng Sabado hanggang linggo ng tanghali, ito po ay babagtasin ang buong Visayas.
37:34At sa hap po, nasa may Sulusina.
37:36At pagsapit ng madaling araw ng Monday ay nasa may Northern Palawan.
37:39Saan sa mga lugar po posibleng magpaulan ng Bagyong Wilma?
37:43Kasi ang sinasabi, parang parehong direksyon na naman ito ni Bagyong Tino.
37:49Normal ba po na parating doon, parating nakatoon yung mga bagyong namuo ngayon?
37:55Tama po yung observation nila, Ma'am Pony.
37:57Kapag panahon kasi ng November and December, mas mababa yung mga tinataha po na track ng ating mga bagyo
38:03dahil nga po malakas yung high pressure dito sa May Asia at ito nga po yung pagtulak din ng hanging amihan.
38:10So generally, naglalanfall po ang mga ito.
38:12At yung ating assessment naman, yung mga magkakaroon ng mga pagulan in the next 24 hours,
38:16itong Bicol Region and Eastern Visayas, pinakang malalakas po ang mga pagulan dyan.
38:20Pusibleng 100 to 200 mm or pusibleng yung mga malawak ang mga pagbaha at pagbuho ng lupa.
38:26And then other areas pa, kagaya ng Central Visayas, Negros Island Region, Western Visayas,
38:31simula po bukas hanggang sa Sunday, malalakas din ang mga pagulan.
38:35Maging dito rin po sa malaking bahagi ng akabikulan pa rin.
38:38I see. At gaano ho karaming ulan yung pusibleng ibuhos nitong Bagyong Wilma sa mga maapektuhang lugar?
38:46Nakikita natin kasi itong si Bagyong Wilma, mas marami siyang dadaling ulan as compared sa hangin.
38:51Yung 100 to 200 mm po na dami ng ulan, equivalent po yan sa hanggang 200 liters per square meter sa loob po ng isang araw.
38:59So magkukos po talaga ito ng mga malawak ang pagbaha.
39:02Hindi lang doon sa mga typical po ng mga binabahang low-lying areas.
39:06Yung pag-apaw din ng ating mga kailugan doon, mataas ang chance at mataas din po ang chance sa mga pagbuho ng lupa.
39:12And given nga na nagkaroon ng mga pagulan, dahil sa mga nagdaang bagyo, medyo saturated pa rin yung lupa at mataas nga yung prone pa rin po sa mga pagbaha.
39:19At dito po sa Metro Manila, ano ho ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend?
39:23For Metro Manila, we're not seeing naman po na directly maapektuhan ito tayo nitong si Bagyong Wheel.
39:30Mamagi yung mga kalaping na lugar sa Central Zone and Calabar Zone.
39:33Yung shear line o yung banggaan po ng malamig na amihan at maimit na hangin galing sa silangan.
39:39Ito po yung magkukos ng mga pagulan sa Metro Manila at mga nearby areas pagsapit po ng Sunday and Monday.
39:45Generally, mga light no moderate days.
39:47At ito na ho ba ang huling bagyo natin sa taong ito? Sana ho yes.
39:51Sana po talaga, Ma'am Pony. We're expecting kasi pagsapit po ng December 1 or 2.
39:57So hindi pa rin natin i-rule out na magkakaroon tayo ng pangalawang bagyo for December.
40:00But at least, mga 5 to 6 days after itong si Bagyong Wheel, mawala namang tayo nakikita ang panibag.
40:05Maraming salamat po sa inyong update sa amin.
40:08Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estareja.
40:12Huli kam sa Virginia, USA.
40:19Sa dilim, makikitang gumagalaw ang nanloob sa tindahan ng alak.
40:23Isang rakoon.
40:24Palakad-lakad ito sa mga nabasag na bote at nagkalat na alak.
40:29Ang tila lasing ng rakoon e sinubukan pang umakyat sa istante pero nahulog.
40:35Kinabukasan, dinatna ng isang empleyado ang naiwang kalat.
40:38At sa banyo ng tindahan, natagpuan ang rakoon na nakatapa dahil sa kalasingan.
40:44Dinula siya sa isang animal shelter para palipasan ang hangover.
40:49Pagkatapos, matagumpay na naibalik sa wild ang rakoon.
40:55Ito ang GMA Regional TV News.
40:59Namatay ang ilang tupa sa General Santos City matapos mahawanan umano ng isang tupang nagpositibo sa rabies.
41:09Nakatali sa puno yan ang tupang tila agresibo.
41:13Isa yan sa mga pinaniniwalaang nahawa sa isang tupa na nagpositibo sa rabies noong November 26.
41:19Yun daw ang unang kaso ng rabies sa tupa roon ayon sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory Region 12.
41:26Ayon sa City Veterinarian, posibleng nakagat ng isang stray dog o asong gala ang tupang nagka rabies.
41:34Kumuha na ng blood samples ang mga taga City Veterinary Office mula sa mga tupang may sintomas ng rabies para suriin sa laboratorio.
41:42Nagsagawa na rin doon ng anti-rabies vaccination pati disinfection.
41:47Sa ngayon, 25 kaso na ng animal rabies ang naitala sa lungsod, kabilang ang kaso ng tupa.
41:56Eto na naman tayo, no?
42:01Dahil may kinaaliwan ang nagsena po ng isang fur baby sa bataan habang naghihintay sa kanyang pagkain.
42:07Ang kanya kasing pagkataka, mukhang hindi na matan siya.
42:12Eh, pakiserve na nga.
42:13Ang five-year-old shih tzu na yan, halatang-halata ang pagiging mainitin.
42:24May paiyak-iyak pa siya, oh.
42:26Kwa ito po ng pet owner na si Ram, pinapalamig niya noon ang mainit pang pagkain ng shih tzu.
42:32Kaya tila naiinit ang alaga.
42:34Good boy pa rin naman ang alaga na kahit may pag-ambasa, pinapalamig na pagkain.
42:41Naghihintay pa rin siya sa signal bago kumain.
42:45Sa huli, inakain niya rin naman ng lutong pagkain.
42:48Ang video na yan, may mahigit 600,000 views na online.
42:53Trending!
42:54Eh, ikaw ba naman nakikita mo na, naaamoy mo na, diba?
42:59Eh, pa talaga matatakam ka.
43:00Pero ang galing din ang disiplina ng ibang aso, no?
43:02Yes.
43:03Hanggang hindi mo inuutosan talaga.
43:05Hihintayin niya.
43:06Mas-mas may disiplina pa nga sila kesa sa tao.
43:09Yun na nga.
43:10Ang galing.
43:16In a span of days, nadagdagan pa ang Best Actor Accolades ni Kapuso Actor Dennis Trillo.
43:23Si Dennis, ang itinanghal na Asia's Best Actor sa Asian Academy Creative Awards 2025 sa Singapore.
43:31Para yan, sa kanyang paganap bilang Domingo Zamora sa award-winning kapuso movie na Green Bones.
43:37Sa isang post, nagpasalamat si Dennis sa award at sinabing panalo ito ng Pilipinas at ng Pilipino.
43:45Binati naman siya ng ilang co-kapuso actors.
43:47Si Vice President for Musical Variety Specials and Alternative Productions for GMA Entertainment Group,
43:54Gigi Santiago Lara, ang tumanggap ng nasabing award.
43:58Si Santiago Lara ang AACA Ambassador ng Pilipinas.
44:02Ito lang ding linggo ay kinilala si Dennis na Best Actor sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa nasabing pelikula.
44:11Ayan, ito po ang balitang hali at bahagi po kami ng mas malaking misyon.
44:19Dalawang pong araw na lang, pasko na.
44:21Ako po si Connie Sison.
44:22Rafi Timo po.
44:23Kasama niyo rin po ako, Aubrey Karampe.
44:25Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
44:27Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
44:31Mula sa GMA Integrated News.
Be the first to comment