Skip to playerSkip to main content
Nagbabala ang San Lazaro Hospital laban sa umano'y gumagamit ng pangalan ng kanilang hepe para makapang-scam. Hinala ng isang hospital supplier na nakuhaan ng P10,000 ng scammer gumamit ng artificial intelligence ang scammer para gayahin ang boses ng opisyal ng ospital.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagbabala ang San Lazaro Hospital laban sa umunay gumagamit ng pangalan ng kanilang jefe para makapang-scam.
00:06Hinala ng isang hospital supplier na nakuha ng 10,000 piso ng scammer,
00:11gumamit ng artificial intelligence ang scammer para gayahin ang boses ng opisyal ng hospital.
00:17Nakatutok si Bon Aquino.
00:21November 5 na may tumawag daw sa hospital supplier na si John Acali
00:26na nagpapakilalang sekretary umano ni San Lazaro Hospital Medical Center Chief Dr. David Suplico.
00:33Ang nagpakilalang sekretary, ibinigay naman daw ang telepono sa nagpapakilalang Dr. Suplico
00:38na may alam sa kanila mga transaksyon sa ospital.
00:42Parang sa kami naman po, alam niya yung lahat ng information yan.
00:46Pero maya-maya iba na raw ang request nito sa kanila.
00:49Meron daw kasi ngayong project si DOH, which is yun nga,
00:56yung nagko-collect sila ng funds para matulungan yung mga nasalanta sa Cebu.
01:02Ngayon daw, kinakontak nila yung mga suppliers ng bawat hospital
01:09para makapag-share para dun sa drive na ginagawa,
01:13fund raising na ginagawa nila.
01:15So kami po, para makatulong lang din,
01:18kahit small amount, nagbigay kami ng P10,000.
01:21Tumawag daw ito ulit kinabukasan at nanghihingi muli ng pera.
01:26Kung pwede daw ba kami muna mag-abono ng cash na worth P50,000
01:31kasi daw yung isang supplier, naka-cheque pa yung pera.
01:35Tapos, once daw na na-en-cash na nila yung cheque,
01:40ibibigay daw niya sa amin yung cash, i-re-return niya.
01:43So, nung time po na yun, mas ano na, dun na talaga,
01:47parang nagtuta na po kami.
01:49Hindi raw muna sila nagbigay ng pera at sa halip,
01:52ay tumawag sa kilala nilang staff ni Dr. Suplico.
01:55Hindi naman na daw po niya talaga kilala.
01:58Tapos dun na po, naano na namin na may nagpapanggap nga talagang Dr. Suplico.
02:04Napansin din daw nila na tila gumamit ng artificial intelligence
02:07ang mga scammer para gayahin ang boses ni Dr. Suplico.
02:11Parang robot po na talagang scripted yung sinasabi niya.
02:16Kasi pag tumatawag siya, may cut-up pang tatlong beses.
02:21Tapos, gusto po kayong makausap ni Dr. Suplico.
02:24Tapos, sasabi niya sa amin,
02:265 to 10 minutes po, may kausap lang sa underphone si Dr. Suplico.
02:32Ganyan.
02:32Tapos, after 5 minutes, natawag po talaga siya.
02:35Dahil sa nangyari, agad na naglabas ng babala sa kanilang website ang San Lazaro Hospital
02:41at kinausap din nila ang kanilang mga doktor at medical staff para hindi mabiktima ng modus.
02:47Masakit sa loob ko. Ang tagal kong inaalagaan ang aking pangalan.
02:52Sa isang insidente, madudungisan ang pangalan mo.
02:56Sinabi namin na ang hospital hinding-hindi hihingi ng pera para donasyon.
03:01Paglilinaw ng pamunuan ng San Lazaro Hospital, bawal at hindi sila nagsosolisit ng pera.
03:07Kung meron naman daw gustong mag-donate sa hospital, dapat gawin ang transaksyon dito mismo sa kanilang opisina.
03:13We need to issue a receipt for this donation.
03:16Kung may tumatawag sa inyo na nanghihingi ng pera ang aming hospital, hindi po yan totoo.
03:23Pati ang iba pang ospital tulad ng Tondo Medical Center at Jose R. Reyes Memorial Medical Center
03:29naglabas ng babala sa kanilang mga social media accounts at website
03:33laban sa mga gumagamit sa pangalan ng ospital at opisyal ng ospital para mag-solisit ng pera.
03:40Ganito rin ang nilabas na abiso ng ilang opisyal ng DOH
03:43laban sa mga gumagamit sa kanilang pangalan para mag-solisit ng pera.
03:48Pati ang Philippine Space Agency may kaparehong advisory.
03:51Hinikayat din ang mga ospital at ahensya ng gobyerno ang publiko
03:55na i-report sa kanilang tanggapan kapag nakaranas ng ganitong modus.
04:00Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended