- 8 months ago
Panayam kay PhilHealth President/CEO, Dr. Edwin Mercado ukol sa paglunsad ng transparency portal ng PhilHealth
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Babalik ang bagong Pilipinas ngayon.
00:02Paglunsa ng Transparency Portal at Outpatient HIV AIDS Treatment,
00:06ating tatalakayin kasama si Dr. Edwin Mercado, President at CEO ng PhilHealth.
00:11Dr. Mercado, magandang tanghali po.
00:15Magandang tanghali, Asik Weng at Asik Joey.
00:18Magandang tanghali po sa ating mga tagapakinig. Magandang hapon po.
00:23Sir, kailan po binuksan itong Transparency Portal ng PhilHealth at ano po yung pangunahing layunin nito?
00:30So, ito pong Transparency Portal ay ginawa po namin na katuwang po ang ating Department of Information and Communications Technology
00:41sa pangunguna ni Secretary Henry Aguda.
00:45Ito po ay nilinsad namin po noong November 24, kasabay po ng iba pang mga ahensya,
00:51notably po ang ating DPWH at saka po ang SSS.
00:56Ito po ay ginawa po namin para po bigyan po yung bisyon ng bagong Pilipinas
01:02sa kung saan po ang bawat Pilipino ay may karapatan at makilatis, maunawahan at aktibong makibahagi
01:10sa pagsubaybay po ng operasyon ng gobyerno, lalong-lalo na po ng PhilHealth.
01:15Sir, bukod po dun sa impormasyon na nakalagay rito, paano po makikinabang ang publiko, lalo na po yung mga PhilHealth member?
01:25So dito po sa ating transparency page ay nakasaad po yung aming mga financial statements
01:33para po pakita na may sapat pong pondo at saka may sapat pong kakayanan ang PhilHealth
01:41na magbayad at magpalawig ng kanyang benepisyo.
01:44Nandito rin po yung total po na claims na ilatag po ng ating mga hospital and facility provider
01:52at ang aming mga annual reports para po maunawa ng ating publiko
01:58yung kalagayan po ng mga contribusyon at ng pondong binibigay po nila sa ating PhilHealth.
02:04Meron din po dito sa ating transparency page ng public engagement and feedback na port link
02:13kung saan po pwedeng magbigay po o mag-file ng complaints ng ating mga members
02:18at ginagaransyahan po natin ang ating mga miyembro po ng agaran pong tugon
02:25dun sa kanila po mga nireklamo o kaya po naman ay humihingi lang po ng paglilinaw.
02:31So sir, dito po sa portal na ito, makikita yung informasyon, yung pribadong account lang niya.
02:39Kung halimbawa po ibang kamag-anak yung mag-a-access dito,
02:41kailangan pa po ba ng iba pang informasyon o gagamitin yung member data ng kapatido, asawa
02:49dahil siya yung gagamit o magbibinepisyon dun po sa PhilHealth Benefits?
02:56Tama po yan. Actually, may iba pa po kaming portal para po dyan sa individual member benefit utilization
03:06at saka mga data. Yun po yung member portal.
03:10O kaya dun po sa aming e-gov app.
03:12Kung pupunta po tayo dun sa ating e-gov app na parang yan po yung nag-conect sa iba't ibang ahensya ng gobyerno,
03:19meron po tayong PhilHealth page doon pag kinlik po ng ating membro after verification.
03:26Siyempre po, nung kanilang pagkakakilanlan kasi yung ating e-gov app po ay meron ng biometrics na makukuha
03:35or nag-verify, pwede pong i-navigate at pupuntahin tayo dun sa portal po ng PhilHealth.
03:43Doon po, marami rin pong datong makukuha.
03:46Ipapasok lang po ng membro yung kanyang PhilHealth ID number
03:50at makukuha na po niya yung kanyang kontribusyon, yung pong availment ng kanyang mga benefits
03:56kung sakali man pong na hospital at nagkaroon po ng availment ng PhilHealth.
04:02Ang gayak nga po namin, ikakabit din po namin yung ating pong bagong lunsad na programa na yakap
04:09na outpatient benefit package kung saan po meron tayong nakadaan na 20,000 pesos po
04:15para po doon sa pangangailangan na medikasyon ng ating membro,
04:21kung tawagin po natin ay PhilHealth gamot.
04:23At nandun din po yung pamaraan po ng pagpili kung sino po ang gusto nilang maging primary care physician
04:30o kung tawagin po ay yakap provider.
04:33So yun po ay separate na portal.
04:35Maaari pong hindi siya connected pa dito sa aming transparency portal.
04:40Dahil po dito sa transparency portal, mas paglalahad po namin yung aming pulisiya
04:44at yun po ang ating mga kumbaga pang kalahatang annual report at saka yung ating mga financial report.
04:54Doc Edwin, balikan ko lamang po yung transparency portal.
04:58So ano po yung magiging sukatan ninyo para masabing effective po ito?
05:03Siyempre, ang gusto po natin ay mapataas pa yung tiwala ng ating mga kababayan sa gobyerno,
05:11lalo na po sa PhilHealth.
05:12At tama po yan, kasi nga po, isa doon sa aming po layunin dito po sa aming binalangkas na RISE Mission
05:20na ito po ay pag-uulat na ginagawa ko kada 30 araw
05:25ay yung pagbabalik nga po ng tiwala ng ating mga miyambro sa PhilHealth.
05:30So ang una po dyan, nakalagay po dyan yung aming annual procurement plan
05:35at nakalagay din po doon sa portal yung ating mga terms of reference
05:39para po doon sa ating mga binibid out na mga project at mga procurement.
05:45So yun po, marami pong mata na nakatingin, mas maganda po para matiyak na ang aming pong prosesong
05:52dinadaanan ay transparent at mapagkakatiwalaan.
05:58Yung pong ibar, as regards po yung aming mga contribution collection,
06:03ay nando doon din po.
06:05Eventually po, baka nga every company na nag-aambag,
06:11pwede rin po naming lagyan po ng link na makita rin ng mga companies.
06:15Kung talaga pong yung kanilang na susulit na mga pagbayad ng premium
06:20ay nai-record at na-acknowledge po namin dito sa PhilHealth.
06:25So yun po ay parang may feedback loop na nangyayari kung saan po ang ating miyambro
06:30at ating mga contributors, lalo na po yung employer,
06:34ay nakatitiyak po, nakatingin na pong premium ay napapasok po dito sa ating pondo,
06:39napapangalagaan po namin.
06:41At bawat piso pong naibibigay sa amin, ay nalalagay po sa dapat na paglagyan
06:47at nararapat na paglagyan.
06:49Dok, dumahap po naman po tayo sa mas pinabuting benepisyo
06:52ang outpatient HIV AIDS treatment o OHAT package.
06:56Ano po yung pangunahing layunin ng pinalakas na outpatient HIV AIDS treatment
07:01o OHAT package ng PhilHealth?
07:04So maganda pong tanong yan.
07:05Kasi nga po nakakabahala na tayo po yung isa sa mga bansang
07:10medyo po mas tumataas ang incident rate po ng HIV.
07:18Kaya ang layunin po namin ay alisin po unang-una yung stigma na magpa-test.
07:24At pag tayo po ay sakasangoy ang palad ay nag-test na positive,
07:30ay meron din pong agarang luna sa pamamagitan po ng access dito sa ating gamot.
07:37Kasi ang gamotan po ng HIV, ito po ay habang buhay na kapag kayo po ay nakapag-contract ng HIV.
07:46So ito pong ating OHAT package, ito po yung package na nakalaan natin sa TB,
07:53kung tawagin po yung outpatient HIV and AIDS treatment package,
07:58ay umaabot po ng 558,500 taon-taon.
08:03So kasama na po dito yung pong mga anti-retroviral therapy.
08:09Kasi ngayon po ang HIV, hindi po yan parang fatal na pag kayo ay nak-HIV,
08:15ay nako, malamang-lamang, hindi kayo magiging productive or iiksi ang buhay.
08:22Ngayon po ang treatment, as long as ang treatment ay naibibigay,
08:27pwede po tayo maging person dealing with HIV na tuloy-tuloy pong mananatili, na malusog,
08:35but basta po na momonitor natin yung viral load at saka po na bibigay po yung angkop na mga gamot.
08:45Doc Edwin, gaano po kalaki yung nadagdag na benepisyo dun sa pinalakas na OHAT package?
08:50At bukod po dun sa therapy na nabanggit nyo, ano pa yung kasamang services sa package na ito?
08:56So ito po ay umabot po ng 95% ang ating pagtaas.
09:03Datihan po, nasa 30,000 lang po yan, kaya medyo po minsan hindi umaabot
09:08at kinakapos po yung patuloy na pagbibigay po ng ating mga gamot.
09:13So bukod po sa gamot, tama po, meron po tayo kasing mga testing na ginagawa.
09:19At tinitiyak po natin na yung pong tinatawag na CD4 o yung pong uri ng white blood cell
09:26na siya pong lumalaban sa ating mga viruses ay nananatiling mataas.
09:32At dun po, minomonitor din po natin yung efekto ng gamot
09:37at tinitingnan din po natin kung kailangan po tayo mag-adjust ng ating mga dosaging
09:43kaya po yung mga medical test or laboratory test
09:48para po tingnan din kung ang efekto po ng gamot sa ating atay, sa ating mga bato
09:55ay hindi naman po, kumbaga yung dosage ay nasa ang stage or level
10:02na hindi naman po nagiging complicated dito sa iba pa nating mga organ system sa ating katawan.
10:09So yung mga pag-monitor pong mga test, bukod po sa gamot,
10:13ay kasama po ito nitong ating OHAT package o Outpatient HIV Treatment Package.
10:20So Doc, sino naman po yung maaring makatanggat ng annual benefit na P58,500 pesos
10:25at ano yung proseso para maka-avail po nito?
10:28So ito po ay usually po ang mga may mga ano kung tawagin po predisposing factors po eh
10:39yung mga multi-multi-sexual partners o yung mga medyo sexually active po at multi-partner po ang kanilang mga sexual activities
10:49yun po ay una lumalapit po dun sa ating primary care provider
10:56yun nga po sa pamamagitan ng yakap
10:58at dun po, base nga po dun sa pagsusuring gagawin, gagawa na po yan ng initial testing
11:06at ito po ay in full confidence po, hindi po nilalatala o nilalabas po
11:11meron tayong custody of the information
11:15at pag tayo po ay kasawuyang palad nga po, nag-positive
11:20i-refer na po yun dun sa mga OHAT centers
11:25So ang OHAT centers po, ay meron na po tayo niyan na ginkumulang po 277 na po sa buong Pilipinas
11:34at ito po ay as of August 2025
11:39nakalakala naman po yan dun po sa aming website
11:45kaya kung may potential po, yun nga, indication
11:50dahil may multi, may medyo active yung lifestyle natin
11:55at medyo sexually active yung lifestyle natin
11:59at kayo po ay nangihina o medyo nararamdaman na madaling napuan ng mga infeksyon
12:07yun po yung mga symptoms na bumababa po yung immune system natin
12:11ay agara na po pumunta sa isang yakap clinic
12:13para po ma-inavigate natin kung saan po tayo pwedeng maggawa po ng test at ma-verify
12:20Doc Edwin, although nag-improve na po yung pananaw
12:25o pagtingin sa persons living with HIV
12:28nandyan pa rin kasi yung social stigma
12:31so paano po tinitiyak ng PhilHealth yung privacy at confidentiality na mga pasyente
12:37lalo na po yung mga nag-a-avail ng package na ito
12:41So yung pong ating mga accredited po na OHAT clinics
12:46yun po ay meron pong talagang mga counseling room
12:53at saka po yung meron ng custody of materials
12:56na talaga pong tinitiyak namin na wala pong
13:00na yung data privacy po ay na may maintain
13:04at ang OHAT clinics po namin sa lunitan po
13:07may mga community-based ano rin po sila
13:09counselors at saka po mga trained healthcare workers
13:14na pwede rin pong magbahay-bahay
13:16at mag-monitor po nung ating mga persons living with HIV
13:22So yung mabawasan po yung stigma
13:25kung meron man pong nahihiyam publicly makita
13:30pwede rin naman pong gawin yun in privacy
13:33dun mismo sa clinic
13:34or yung nga pong mga community-based workers natin na umiikot
13:38para nga po tiyakin
13:40na yung ating mga pasyente ay tuloy-tuloy na umiinom ng gamot
13:46at tuloy-tuloy pong nag-follow up dito sa ating OHAT clinic
13:49Doc, ano naman po yung ugnayan ng programang ito
13:52sa rekomendasyon ng DOH na magdeklara
13:55ng National Public Health Emergency
13:57dahil sa pagtaas ng HIV cases?
14:00So maganda pong tanong yan
14:03kasi nga kamo po ay sumusuporta
14:05dun po sa mga layunin ng DOH
14:08meron po programa ang DOH na 95-95-95
14:12kung saan po ay meron pong target
14:17na 95% po nung mga taong medyo meron nga pong
14:24mid-election ay nagtitest
14:26at yung nabibigyan po ng gamot yung 95%
14:30at na-assure din po na 95% po ay asymptomatic
14:35o nandoon po sa supress stage
14:38So yun po yung tinatawag ng DOH na 95-95-95
14:4295% po ay natetest
14:4695% po ay nabibigyan ng antiretroviral therapy
14:50at 95% of those given antiretroviral therapies
14:54are under control
14:57So kami po ay sumusuporta dun
14:59at ito nga po yung aming suporta
15:02kami na po ang mismong nagbabayad
15:04dito po sa mga gamot
15:06at sa pagtetest po ng ating mga potential infected population
15:12Dok, sa datos po ng DOH
15:16may higit 5,500 new cases
15:19ng HIV
15:21mula Hulyo hanggang September 2025
15:24So, handa po ba ang PhilHealth
15:27na tugunan ang mga pangangailangan
15:29ng mga pasyenteng ito?
15:32Yes po, kami po ay
15:34handa po dahil nga
15:36kami po ay naglaan
15:38ng malaking pondo po dito
15:41So, ngayon pong 2024
15:43nung nakarang taon po
15:45ay almost 1.7 billion po
15:47ang aming total payment po
15:51at ngayon 2025 po
15:52wala pa lang po kami
15:55complete data for the whole year
15:57pero higit po ng 1.7 billion po
16:00ang nilaan namin for 2025
16:03at hopefully nga po
16:05makontrol natin ito
16:06at the soonest possible time
16:08So, handa po tayo
16:09nag-encourage pa po kami
16:11ng iba pang mga yakap clinic
16:13na maging OHAT center din po
16:15kasi iba po yung requirement
16:17for basic yakap clinic
16:20which is mostly
16:21yun nga yung primary care
16:22sa OHAT
16:23kasi yung OHAT centers
16:24as I said earlier
16:26may ibang setup po
16:27na ang record po
16:28ay nanatiling confidential
16:30meron po dapat setup na
16:32meron pong kwarto
16:34kung saan po talaga
16:35nagkakanabibigyan po
16:36ng counseling
16:37ang ating mga pasyente
16:39at meron din pong kakayanan
16:41na gawin po yung mga laboratory test
16:44dun sa monitoring
16:45So, in-encourage po namin
16:46yung ating mga yakap clinics
16:48na kasalukuyan po
16:50ay may mga 4,000 yakap clinics
16:52na po tayo
16:52na maging OHAT provider din po
16:55para nga po
16:56mas madami pong touch points
16:58ang pwede nating ibigay
17:00na option sa ating mga pasyente
17:01Okay, sir
17:03bilang panghuli po
17:04para po sa ating mga kababayan
17:05ano po ang inyong mensahe?
17:09Sa ating pong mga kababayan
17:11kami po ay
17:12nandi dito
17:13para po tumugon
17:15sa mga pangangailangan
17:16pang kalusugan po
17:17ng ating mga miyembro
17:19bagay mat
17:20kami po ay
17:22continuous pa rin pong
17:24nagde-develop ng mga
17:25programs
17:26at saka po mga benefit package
17:28para po lumaki
17:28yung ating
17:29support value
17:30admittedly po
17:33yung aming support value po
17:34ay hindi pa po talaga
17:35dun na
17:36ayon sa
17:37universal healthcare
17:38kung saan po talagang
17:39covered na natin
17:41yung kabuhan
17:41pero ito po ay
17:43unti-hunti na nating
17:44ginagawa
17:45in fact
17:45magpapasalamat po kami
17:47sa ating
17:48mababa at mataas
17:49na kapulungan
17:49na kami po ay binigyan
17:50ng magandang budget
17:52for next year
17:53sana po ay sabay ka
17:54madagdagan pa
17:55pero nabigyan na po kami
17:56ng 113.5 billion
17:58which is the biggest budget
17:59given to field health
18:01in its history
18:02so ito po ay
18:04patunay na medyo po
18:06nag-i-improve yung aming
18:07absorptive capacity
18:08at ginagawa na po
18:10namin yung pamaraan
18:11na hindi lamang po
18:12pag na hospital
18:13nabibigyan ng
18:14beneficyo
18:14ng ating membro
18:15kunti kahit bago pa po
18:17magkasakit
18:18kaya yun nga po
18:19yung yakap
18:19yakap yamang pangkalusugan
18:21para malayo tayo
18:22sa sakit
18:23so yun po ang
18:24pahiwating namin
18:25at pahanyaya
18:26mag-i-renroll din po
18:28sila sa yakap
18:28para kahit hindi po
18:30may sakit
18:30nakaka-avail na po
18:32ng mga
18:32servisyo
18:33ng field health
18:34Okay, maraming salamat po
18:36sa inyong oras
18:37Dr. Edwin Mercado
18:38President at CEO
18:39ng field health
Comments