00:00Arrestado ang isang dati-umanong polis matapos paputokan ng baril ang nakaalitan niya ang kapitbahay sa Maynila.
00:11Ang kapatid ng biktima, pinalo pa ng baril sa ulo. Tumagi magbigay ng pahayag ang suspect.
00:16May unang balita si Bea Penlac.
00:22Dumaplis sa ulo ng lalaking niyan ang bala mula sa pinaputok na baril ng nakaaway niyang dati-umanong polis.
00:28Ang kuya naman ng biktima, pinalo rin umano ng baril sa ulo ng 45 anyos na suspect.
00:34Ayon sa pulisya, nag-aayos ng motor sa barangay 93, Tondo, Maynila ang magkapatid na biktima nang biglang dumating ang suspect.
00:42Galit, meron daw binato na pinitik na sigarilyo sa ating victim number one na tinamaan ng sigarilyo.
00:51Nagkasagutan daw ang suspect at isa sa mga biktimang tinamaan ng sigarilyo.
00:55Hanggang sa bumunot na raw ng baril ang suspect.
00:59Itinutok niya doon sa ating biktim.
01:01Pinutok niya, buti na lang nakaiwas si biktim.
01:04So kaya nadaplisan siya sa bandang ulo.
01:06Nakita ng kapatid, inagaw yung baril.
01:10Pero naiiwas yung kamay, ipinalo naman sa ulo niya ni biktim number two.
01:14So nagkaroon sila ng pambunog, nagpagulong-gulong daw sila sa kalsada.
01:18Kalaunan, nabitawan ng suspect ang baril.
01:21Ayon sa barangay, ang pinag-ugatan ng krimen,
01:24dating away kapitbahay na nauwi sa panununtok sa suspect ng isa sa mga biktima.
01:30Legendally, based dun sa verbal na sinabi ng ating suspect,
01:34meron daw ng gulpi sa kanya a day before na magkaroon sila ng argument ng ating biktim.
01:39Noong nando na kami, hindi ko malimutan yung ginawa mo kahapon,
01:47yung pagsuntok mo sa akin, kasi bumagsas eh.
01:51Sinubukan pa raw awati ng barangay ang gulo, pero nauwi na ito sa pamamaril.
01:57Siguro, na-trigger siya, tinitigas siya, doon na nagsimula.
02:02Narecobro ang baril na ginamit ng suspect.
02:13Ayon sa pulisya, nakapangalan umano ito sa tatay niya at 2017 papaso ang mga dokumento.
02:20Inaalam pa ng mga otoridad kung totoong dating pulis ang suspect.
02:24Ongoing yung request para magkaroon ng records sa kanyang dismissal.
02:29Nasa kustudya siya ngayon ng Rahabago Police.
02:31Reklamong attempted murder, physical injuries at illegal possession of firearms ang isinampa laban sa suspect.
02:38Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.
02:40Ito ang unang balita.
02:42Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
Comments