00:00Ipatutupad na ngayong buwan ang maximum suggested retail price ng imported na pulang sibuyas.
00:06Sa ambush interview noong nakaraang linggo, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.
00:12na hindi dapat ibinibenta ang imported red onions na lalagpas sa P120 kada kilo.
00:19Malinaw anya na profiteering ang pagbebenta nito sa halagang P250-P300.
00:26Pagtitiyak naman ang DA, mahigpit na monitoring at supply tracing ang kanilang gagawin, lalo na at holiday season na.
00:34Pinag-aaralan din ang mga penalty na maaaring ipataw sa ilalim ng Price Act sa tulong ng Department of Trade and Industry.
00:41Nanawagan naman si Tulaurel Jr. na ireklamo sa kanila ang mga ganitong pang-aabuso.
Comments