24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Umapaw ang mga ilog at nalubog sa baha ang maraming lugal sa Bicol Region dahil sa walang tigil na ulang dala ng shear line.
00:40Nakatutok si Darlene Kai.
00:43Baha na po, baha na po. Ay, naanod na ang isang bahay.
00:48Walang bagyo pero halos umapaw na ang ilog na yan sa Labo Camarines Norte dahil sa walang tigil na ulan.
00:55Sa lakas ng ragasan ng tubig, inanod ang isang bahay.
00:58May tao pa, may tao.
01:00May tao?
01:01Naroon, dalawang tao.
01:05Hindi nga, may tao.
01:07Pero ang mga inakalang tao sa loob, mga naiwang gamit pala.
01:12Sa isa pang video, makikita kung gaano kataas ang tubig sa Labo River.
01:15Sobrang taas na naman po ng tubig.
01:22Nangamba naman ang mga residente sa bayan ng Basud dahil sa taas ng tubig sa Basud River.
01:26Na tumba pa ang punong ito na kasamang tinatangay ng tubig.
01:30Halos umaabot sa bubong ang baha.
01:34Ganyan din kataas ang baha sa barangay Tuwaka kaya inilikas ang mga residente.
01:40Umapaw naman ang Drenage Canal sa bayan ng San Lorenzo Ruiz.
01:44Sa bayan ng Karamoran, tuluyang umapaw ang Hilakan River.
01:47Pinasok ng tubig ang mga bahay na katabilang ng ilog.
01:50Sa barangay Sabanga naman, mabilis na tumaas ang tubig.
01:52Na tibag naman ang isang dike sa barangay Tugli.
01:56Pinalilikas ng mga nakatira malapit sa nasirang dike.
01:59Baharin ang sumalubong sa mga residente sa bayan ng Panganiban.
02:02Agad na nagsagawa ng evacuation at rescue operations ang MDRRMO at BFP Panganiban.
02:08Sa bayan ng Bato, lubog sa baha ang ilang bahay sa barangay Sipi dahil sa pag-apaw ng Bato River.
02:12Naramdaman din ang sama ng panahon sa tagkawayan, Quezon.
02:19Umabot hanggang bewang ang baha.
02:21Pinasok ng tubig ang mga classroom sa eskwelahang ito.
02:23Ayon sa pag-asa, shear line ang nagdadala ng malalakas na ulan sa Southern Luzon at Bicol Region.
02:29Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
02:33Walang takas ang isang babae na inaresto sa Quezon City dahil sa panggaganto sa mga hinikayat niyang mamuhunan sa negosyo.
02:42Nakatutok si Jamie Santos.
02:47Sa visa ng isang arestwarant, nasukol ang babaang ito sa Quezon City.
02:52Pinaaresto ang suspect para sa paglabag ng bouncing check law.
02:57Nang hihikayat umano ang suspect ng mga investor sa coffee business.
03:00Dahil sa malaking balik o kaya yung interest ng kikitain dun sa business.
03:07And actually, ang mga 20% din, habang tumatagal, lumalaki yung pinapangako balik ng pera.
03:14Marami hong na sila na nagsasabi na nabiktima ako ako ng suspect na ito.
03:18Wala daw naman yung mga check-in issue.
03:21Sinubukan namin kunan ang pahayag ang suspect pero tumanggi ito.
03:26Nagpaalala naman ang polis siya sa publiko na maging mapanuri sa pag-iinvest.
03:30Doon po sa hindi pa ho nabiktima, huwag na ho nating subukan maging makilatis ho tayo.
03:38Doon naman ho sa mga nabiktima na pwede ho kayong pumunta dito e check natin ito para pwede po ang sampahan ng kaso.
03:46Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos nakatutok 24 oras.
03:51Never Say Die rin ang mantra ni Never Say Die star David Licaco sa nakatakda niyong paglaban sa isang fitness competition soon.
04:03Naligto ang aking chika.
04:04Hindi lang daw physical strength ni David Licaco ang masusubok sa kanyang paglaban sa isang global indoor fitness competition sa Taiwan this coming March.
04:18Kasama na rin dito ang willpower at mind conditioning.
04:22Malaking tulong nga rin na nakakasama niya sa training ang kanyang friends na sina Derek Monasterio at Vince Maristela.
04:29Bukod sa pagbubuhat, pagtakbo at climbing, may mga porsyon ng indoor race ang ikinakakaba ni David.
04:37Pinakalast kasi nagagawin is 100 wall balls.
04:41So like parang 6 kilograms or 9 kilograms.
04:43Itatapon mo siya ng mataas.
04:45Andayon mo nung ginawa.
04:47But yeah, I've been preparing. Let's see what happens.
04:50Ang active training ni David, ginagawa niya habang busy rin sa Never Say Die na mas kaabang-abang daw ngayong linggo.
04:57Bukod sa pagbasok ng mga karakter na kanilang makakalaban,
05:01mabubuo na ang team-up ng karakters ni na David, Jillian Ward, Kim Jisoo at Rahil Birya para sugpuin ang kasamaan.
05:10Basta may action yung dalawa ni Jillian?
05:13I think so. I think so.
05:15Yeah, and syempre magkakaroon din ang mga pakilig-pakilig doon.
05:18And yung friendship namin, apat ni Rahil, Jisoo, me and Jillian.
05:25So...
05:27Thankful naman ang pambansang ginoong.
05:30Dahil hanggang ngayon ay nakakasama niya ang fans ng Barta,
05:34ang love team nila ni Barbie Forteza.
05:36Kahapon, nagkaroon sila ng fan meet.
05:39Alam naman natin na wala kaming show ni Barbie.
05:42But they are still here, as you can see, you know, like supporting and really excited to see me.
05:47Um, hopefully Barbie also gets to see them kasi sila naman talaga yung sumuporta sa amin from the very beginning.
05:55Time to update, mga kapuso.
06:02Pina-level up pa ng GMA Network ang panonood ng inyong favorite kapuso shows online sa paglulunsad ng GMA Play.
06:09Gamit ang GMA Play app, mapapanood sa inyong smartphone ang latest sa inaabangan nyong shows at newscasts kahit saan at kahit kailan.
06:18Maraming pagpipilian ano man ang feel nyong panoorin, mapadrama, romcom, documentary at marami pang iba.
06:26Pwede rin sumubaybay sa kapuso stream o mag-bench watch ng Asia novella at movies.
06:32I-download ang GMA Play app sa Google Play Store o App Store.
06:36Kung may GMA Network app na, kailangan lang itong i-update.
06:40Pwede rin itong i-access sa smart TV o sa web browser.
06:48Pwede rin itong i-access sa smart TV o sa web browser.