Skip to playerSkip to main content
Aired (November 29, 2025): Matindi ang pinagdaanan ni Jocelle matapos siyang ma-diagnose na may Berger’s disease. Pero sa huli, dumating din ang pag-asa na mula pa mismo sa bunso niyang kapatid na si Jolo. Si bunso kasi, perfect match kay ate at puwedeng maging donor ng kidney. Panoorin ang video! #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hindi raw lahat ng mga superhero ay may kapa.
00:04Pero paano kung ang hero mo ay kapatid mo pala?
00:10Nakilala namin ang magkapatid na Jolo at Josel mula sa Marikina.
00:15Gaya ng typical na magkapatid, nag-aasaran at naglalambingan man,
00:20wala naman daw tutumbas sa pagmamahal nila para sa isa't isa.
00:24Siya yung role model ko kasi.
00:26So sa kanya talaga ako nagpapaturo lahat-lahat.
00:30Palagi di kami nagkukulitan. Hindi siya stricto na ate.
00:34Bunso si Jolo sa siyam na magkapatid, habang si Josel naman ang pampito.
00:40Lumaki raw ang magkapatid sa pamilya ng mga musikero.
00:43Kaya ang madalas na laging bonding nila, musika.
00:47I feel alive kung may kumakanta, nag-music, ganyan.
00:52Masaya raw ang himig ng buhay noon ni Josel.
00:55Yun po, I was living my best life, I would say, noong college ako.
00:59So yeah, super fun.
01:01Pati ng araw sa eskwela, nag-e-excel siya.
01:05Kaya laking tuwa ng pamilya nang makapagtapos siya sa UP Takloban sa kursong accountancy.
01:12Nagsimula siyang magtrabaho bilang accountant.
01:15Si Josel puno ng pangarap para sa kanyang kinabukasan.
01:18Pero ang hindi niya nakalkula, ang pagsubok na nakatakda palang bumago sa buhay niya.
01:27Feeling ko, I'm always tired.
01:29Akala ko fatigue lang or stress sa work.
01:32Hanggang sa isang araw, nagpa siya na siyang magpadoktor.
01:35October 3 ng gabi, sobrang hirap na akong huminga kasi sobrang parang nalulunod ako.
01:40And then ang BP ko is 180 over 120 ata yun.
01:44And then yung heart rate ko umabot ng 150, yun pala, yung toxins sa katawan, nag-build up na.
01:52Bumaligtad daw ang kanilang mundo ng si Josel, na-diagnosed na may Berger's disease,
01:58isang autoimmune disease na nakapipinsala sa kidney o bato.
02:02Parang na-betray ng immune system ko yung katawan ko.
02:06Yung in-attack niya yung kidney ko.
02:08Yun ang explanation ng mga doctors.
02:10Yung nakita ko siya atin na parang sobrang iba na talaga yung mukha niya.
02:18Tapos parang namamanas na siya.
02:20Parang iba na ito.
02:23Ang simpleng check-up lang dapat na uwi sa masakit na katotohanan.
02:28Never pa akong na-admit sa hospital noon mga time na yun.
02:30And then all of a sudden, kailangan ko nung mag-dialysis.
02:35So forever na pala ito.
02:36Magda-dialysis ako three times a week, sabi nila.
02:39Buong magdamag kaming nag-iiyakan.
02:42Hindi ko lubos maisip na sa murang edad niya, ganun magda-dialysis na siya.
02:50Sa gitna ng unos, nanatili ang suporta ng kanyang pamilya.
02:54Bukod sa dialysis, ang tanging pinanghawakan daw ni Jocelyn,
02:59ang pag-asang mabibigyan siya ng bagong buhay sa pamamagitan ng kidney transplant.
03:06Six months into dialysis, sabi ko, mag-aano ko for kidney transplant.
03:11So ang first na naging donor ko is si Kuya.
03:15Parang may nakitaan na problem sa first initial test niya.
03:21Hindi na-push through yung little sister ko.
03:24Lumipas ang halos tatlong taon.
03:26431 dialysis sessions.
03:30Tatlong denied transplant.
03:33Suntok man sa buwan, pero ang kapatid na si Jolo to the rescue.
03:38Patopato sa langit, silang mag-aakalang si na Jocelyn at Jolo e perfect match pala.
03:45Literal na hulog ng langit.
03:48Nag-align sa amin lahat perfectly.
03:50Walang mga naging complication.
03:52It's meant for us na parang yun na talaga yun.
03:55Umiling lang ako ng sign kay Lord Nano na kung ako talaga.
04:00Tapos yun, umuha kay lahat ng test.
04:03Ito na po yung pinakamalaking regalo na binigay ko sa kayate.
04:09At pagkatapos sumailalim sa ilang pagsusuri,
04:12nitong July 15, inihandog na ni Jolo ang pinakamagandang regalo niya sa kapatid.
04:19Ang regalo ng panibagong buhay.
04:23Nag-work na agad yung kidney ko.
04:24Kasi nakaihin na agad si ate.
04:28Kaya sobrang saya ko po nun.
04:30Kasi hindi na sayang yung binigay ko sa kanya na.
04:34Matapos ang operasyon, malaki raw ang ipinagbago ng buhay nilang magkapatid.
04:40Kung yung sa iba, parang normal na lang kanya na yun.
04:43Pero naging pangarap ka talaga siya.
04:45Na uminom na hindi nagigilat.
04:48Yung makaihin lang siya everyday, blessing na din talaga siya.
04:52Kasi dati mahirap talaga sa dialysis.
04:56Pero ngayon, may experience mo na ulit yung pangalawang buhay na.
05:01So, lalo na na gift siya from my brother.
05:04Ang good news, si Jocelyn may trabaho na ulit bilang home-based accountant.
05:10At si Jolo naman, abala sa pag-aaral bilang isang BS financial management student.
05:15Sa katunayan na nga, excited na raw siya sa kanyang OJT sa susunod na buwan.
05:21At sa darating na Abril naman, official na siyang magtatapos sa kolehyo.
05:27Sobrang thankful and thankful kay God sa lahat ng mga blessings niya sa ating family.
05:33And finally, natuloy na itong transplant na pinaka-wish ko.
05:38And I know wish din ang family.
05:41So, ayan.
05:42Pero kung meron man daw siyang lubos na pinasasalamatan,
05:46ito ay si Jolo, na hindi nagdalawang isip na ibigay ang isa niyang kidney para dugtungan ang kanyang buhay.
05:55Thank you for giving me life.
05:58For letting me live again.
06:00Because I really thought I'll never be able to experience how to fully live again.
06:05But it's all thanks to you.
06:07So, Jolo, know that you will always be loved by ate.
06:10And I will be here for you until my last breath.
06:14I love you, ate.
06:16I love you too.
06:18In sickness and in health,
06:20yan ang pinatunayan ng magkapatid na Jolo at Jusel.
06:25Dahil maging sa hirap at ginhawa,
06:28basta pamilya, palaging magkasama.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended