00:00Minuksan na ngayong araw ang Kadiwa ng Pangulo Expo sa Intramuros sa Maynila kung saan pwedeng makabili ang publiko ng 20 pesos kada kilong bigas.
00:09Yan ang ulit ni Gav Villegas.
00:13Kinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr. ang pagpapasinaya sa Kadiwa ng Pangulo Expo sa Intramuros, Maynila ngayong araw.
00:21Tampok sa Expo ang expanded Kadiwa Network kabilang na ang food hubs, centers, tindahan, model trucks at carts na dinisenyo
00:29upang mapatatag ang local supply chain at mapalawak ang akses sa mga mahalagang bilihin.
00:34Ngayon taon, bida ang 20 bigas meron na rice project na bahagi na Rice for All program ng pamahalaan.
00:40At para sa tatlong araw na Expo, pwedeng makabili ang publiko ng murang bigas ng hanggang 10 kilo kada araw.
00:46Ayon kay Secretary Chulaurel, aabot na sa 415 ang bilang ng mga selling sites sa buong bansa at inaasahang na dami pa ito.
00:55A road map to a bigger and better and more Kadiwa aligned with the President's Food Security Agenda.
01:01Sa Intramuros, sa sentra ng ating kasaysayan, pinatutunayan natin ang kinabukasan ng agrikultura
01:08ay konkretong hakbang tungo sa masaganang bagong Pilipinas.
01:12Lumagdari ngayong araw ang DA at ang Department of Education ng Memorandum of Understanding
01:17kung saan makakabili ang mga depend teachers at non-teaching personnel ng murang bigas sa halagang 20 pesos kada kilo.
01:24Isa ang guro na si Rowena sa mga pumila para makabili ng murang bigas sa Kadiwa ng Pangulo Expo.
01:29Ayon sa kanya, malaking tulong ito sa kanilang gastusin.
01:32Kahit saan ka po magpupunta, hindi po tayo makakabili ng ganitong kamurang bigas.
01:41Kaya malaking tulong po ito, lalong-lalo na sa mahal ang mga bilihin ngayon
01:46at parating ang Christmas, nagbabadget ang lahat ng mga tao.
01:50So malaking tulong.
01:51Para naman sa exhibitor na si Mylene, na miembro ng isang kooperatiba,
01:55malaking tulong rin ang paglahok nila sa mga expo para lalo pang maimarket ang kanilang mga produkto.
02:01Sa kasalukuyan, nakakarating na sa higit 70 lokasyon sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanilang mga produkto.
02:07Para po sa aming mga mag-aalaga ng baboy magsasaka at sa lahat po ng mga miyembro,
02:12malaking tulong po ito para sa kanila na may nakakuha rin po silang baliktang kilig yearly.
02:18Ang kadiwa ng Pangulo Expo ang magsisilbing pinakamalaking rollout ng programa sa Metro Manila
02:23kung saan may pagkakataon ang mga nasa vulnerable sector kabilang ang mga magsasaka,
02:29mga ingisda, farmer workers, transport groups at low-income families na makabili ng murang bigas.
02:35Ang nasabing expo ay magtatagal hanggang November 30.
02:39Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment