00:00Binaha ang ilang bahagi ng La Trinidad Benguet dahil sa malakas na pagulang dulot ng localized thunderstorm.
00:07Yan ang ulat ni Bridget Pangosfian ng PTV Cordillera.
00:13Malakas na ulan ang naranasan sa Benguet noong linggo.
00:17Sa loob ng ilang minuto, nagdulot na ito ng pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bayan ng La Trinidad.
00:23Sa bahaging ito ng Halsema Highway sa barangay Balili,
00:26dali-daling naglagay ng sandbag ang mga empleyado ng motor shop na ito dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha.
00:35Sa barangay Pico naman, nagmistulang ilog ang residential area na ito dahil sa rumaragas ang tubig, dulot ng malakas na ulana.
00:43Sa kalsada namang ito sa barangay Poblasyon, abot tuhod ang baha na may mga basurang palutang-lutang.
00:50Maging ang pinapasyalang strawberry farm, muling lumubog sa baha ang mga tanim na lettuce at strawberry dahil sa mabilis na pag-apaw ng tubig sa ilog.
01:00Paliwanag ng pag-asa, localized thunderstorm ang nagdulot ng malakas na pagulan noong linggo.
01:07Ayon sa pag-asa, kahit 50mm lang na ulan ang buhos sa isang lugar, maaaring magdulot ng pagbaha.
01:14May 50mm na mag-cause ng flooding. Mayroon namang mas mataas, mayroon mas manate pa nga.
01:20So depende sa area yan. LGU ang nag-i-establish ng threshold nila. Silang nakakaanam ng kanilang area eh.
01:27Kung urbanized area siya at may problema ang kanilang waterways, ito pa may unkwan na yun. Pwede nang mag-cause yan.
01:34Isinisisi ng Latrindad LGU ang mga bumabarang basura sa mga drainage system, ang pagbaha at contributory lamang ang lakas ng ulana.
01:42Drainage master plan naman ang plano ng lokal na pamalaan bilang solusyon sa nararanasang pagbaha tuwing malakas ang ulan.
01:51Nagpaalala ang alkalde sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura para maiwasan o mabawasan ang epekto ng pagbaha.
02:00Samantala, dahil din sa malakas na ulan, pansamantalang isinara ang Barlig-Natonin National Road na bahagi ng barangay Lunas Barlig Mountain Province dahil sa pagguho ng bato.
02:13Pinapayuhan din ang mga motoristang dumaan sa mga alternatibong ruta hanggang sa maklear ang kalsada.
02:19Totally closed naman ang Jose Mencho Provincial Road sa Pinanchay Section sa Poblasyon Atok Benguet dahil sa pagguho ng lupa.
02:28Nagsasagawa na ng clearing operation ang mga otoridad.
02:32Bridgette Marcasi Pangosfiana para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.