Skip to playerSkip to main content
Pinaghahandaan na ng mga awtoridad ang isa pang malawakang protesta kontra katiwalian sa Linggo, November 30. Bago pa man ang tinaguriang “Trillion Peso March,” may mga nangalampag na ngayong araw sa opisina ng agriculture department.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinaghahandaan na ng mga otoridad ang isa pang malawakang protesta kontra katiwalian sa linggo November 30.
00:08Bago pa man ang tinaguriang trillion peso march, may mga nangalampag na ngayong araw sa opisina ng Agriculture Department.
00:16At nakatutok live si Jamie Santos.
00:19Jamie!
00:20Vicky, kaninang umaga nagtipon ang mga magsasaka at progresibong grupo nga sa harap ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.
00:32Kasabay nito, abala na rin ang mga otoridad sa paghahanda sa malawakang kilos protesta sa November 30.
00:42Nag-rally ngayong umaga sa harap ng Department of Agriculture ang grupo ng mga magsasaka at anak pawis.
00:48Giit nila, panahon ng managot, ang mga umunay kurakot sa gobyerno at nananawagan na pababain sa pwesto si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte at magtatag ng isang Transition Council.
01:02Hinikayat ni nila ang publiko na makiisa sa malawakang protesta sa November 30 sa Luneta.
01:08Naglabas ng pahayag ang University of the Philippines na nagpapanawagan para sa Transparency, Accountability at Justice
01:14at iginiit ang suporta nila sa karapatang magpahayag at mapayapang pagtitipon.
01:20Tiniyak ni Defense Secretary Gilbert Yudoro na handa ang pamahalaan sa anumang banta sa November 30 rally.
01:27Lagi naman merong mga threats pero inaasahan natin maging matahibig.
01:32Mariin din niyang kinundina ang mga panawagang reset at withdrawal of support
01:36na tinawag niyang iligal at maituturing na inciting to sedition.
01:41Ayon sa QCPD, nakahanda ang kanilang mga tauhan para sa inaasahang rally sa Quezon City ngayong weekend.
01:48Tinag-usapan ang mga preparations katulad ng mga security measures, mga medical evacuations kung kinakailangan at yung sa traffic flow po.
02:00Dito sa Maynila, nakapwesto na ang ilang concrete barriers sa Mendiola
02:04kasama ang hanay ng steel barriers na pinalibutan ng barbed wires.
02:09Bago makarating sa Mendiola Peace Arc, may mga nakaharang ding container.
02:14Inabutan din namin ngayong hapon ang ilang PNP personnel habang inaayos ang kanilang CCTV units
02:20kabilang ang pag-aayos ng kable at wires nito.
02:22Bilang dagdag ng seguridad, suspendido ang permit to carry firearms sa NCR mula November 29 hanggang December 1
02:30dahil sa dami ng inaasahang pagtitipon sa Metro Manila.
02:37Vicky, ayon sa mga otoridad, mahigit 2,000 QCPD personnel ang nakadeploy sa rallying site
02:44para matiyak ang kapayapaan at kayusan ng rally sa weekend.
02:48Dito naman sa Maynila, mahigit o humigit kumulang 12,000 MPD personnel ang nakadeploy sa rally.
02:54At yan ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa iyo, Vicky.
02:58Maraming salamat sa iyo, Jamie Santos.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended