00:00Sa ibang balita, makikipag-ugnayan ng Department of Transportation sa mga lokal na pamahalaan na nagbigay ng prangkisa sa mga e-trike para makabiyahe sa mga national road.
00:09Ito ay sa harap ng nalalapit na pagbabawal sa mga e-bike at e-trike na dumaan sa mga pangunahing lansangan.
00:16Si Luis Saerispe sa Sentro ng Balita.
00:19Simula December 1, huhulihin na ng Land Transportation Office ang mga electric bicycle o e-bike na namamasada sa major roads.
00:32Sa deliberasyon ng panukalang budget ng DOTR, ayon kasi kay Sen. Rafi Tulfo, umaasta ng bagong hari ng kalsada ang mga e-bike ngayon.
00:41Marami na po akong natatanggap na reklamo tungkol sa e-bike.
00:46Sila na po ngayon ang hari ng kalsada, dati jeepney, ngayon ang e-bike na raw.
00:51Buelta pa ni Tulfo, apektado pa kahit ang mga tricycle drivers at iba pang may hanap buhay sa kalsada.
00:58Dahil ang iba, dumaan pa nga sa butas ng karayong para makapasada.
01:02Wala rin umanong kahit anong insurance ang mga ito.
01:05Kaya pag na-disgrasya, walang kasiguraduhan sa kaligtasan ng pasahero at driver.
01:10Lumalala po yung problema sa e-bike.
01:12And itong mga nag-e-bike, of course, nagsasakay sila ng mga pasahero.
01:18Walang mga lisensya.
01:21At of course, dahil hindi sila registrado sa LTO, wala din po silang mga insurance, third-party liability.
01:29So kapag sila po ay nakasagasa, then sorry na lang.
01:34Lumabas naman na bawal talaga sa major roads ang mga e-bike.
01:38Kaya huhulihin na sila at derecho impound.
01:41Makikipag-ugnaya naman ang DOTR sa mga LGU para sa mga e-bike na nabigyan ng prangkisa
01:47para sa lugar kung saan lang sila pwedeng makabiyahe.
01:50As far as LTO is concerned, hindi po dapat tayagan sa main thoroughfares.
01:55Nag-commit po ang ating bagong LTO head, si Asik Lakanilaw,
02:00Lakanilaw, that by December 1, huhulihin na po lahat po ng mga e-trikes na nasa kalye.
02:08They will coordinate with the DILG and the LGUs and they said that they will comply.
02:13They will apprehend ito po mga e-bikes kasi tama po kayo dapat maging patas lamang
02:21dahil yung mga tricycle may prangkisa, mayroon po silang boundary at lahat.
02:26Sumusunod po sila.
02:27Titignan din naman kung papaano ang proseso para makapagparahistro ang mga driver ng e-bay.
02:33Samantala, sa Sen. Erwin Tulfo naman,
02:36ang pinasisilip ay ang patuloy na pagbiyahe ng kolorum na mga UV Express
02:41at mismong LTFRB paumano ang tumutulong sa mga kolorum para hindi ma-raid.
02:47There are continued operations of kolorum UVs.
02:50Inireklamo na po ng mga jeepney na mga buses.
02:53However, on the day of the supposed apprehension, it appears that the LTFRB personnel mismo
02:59gave the tip to the kolorum drivers about the said raid.
03:04Mr. Chair, Mr. President.
03:06Here's po the video.
03:07Kanina lang po ito.
03:08Baka po pwede po, Mr. Chair, Mr. President, ma-imbestigahan po ito.
03:13Mr. President, according to our DOTR Secretary and the LTFRB Head,
03:20they will now investigate ito pong nangyaring leak na sinasabi niya po.
03:25Iimbestigahan naman ang DOTR ang insidente.
03:28Pero may isa pang ipasisilip si Tulfo,
03:30kung may sapat bang pondo ang maintenance ng mga tren,
03:34lalo na ang LRT at MRT.
03:36Kamakailan din kasi, tumirik ang MRT
03:38at naglakad na naman ang mga pasahero sa railway.
03:41Pero ni Lino naman, ni Sen. J.V. Ejercito,
03:44budget sponsor ng DOTR na naayos na ang naging electrical issue.
03:49Luisa Erispe, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment