00:00Kinumpirma ng Philippine Navy na lumapit sa Zambales ang isa sa apat na barko ng China Coast Guard na nakabantay sa Bajo de Masinloc.
00:09Tingin ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, inuulit ng China ang estilo nila noon sa mga bahurang natayuan nila ng base militar.
00:19Nagbabalik si Chino Gaston.
00:21Isang China Coast Guard vessel na may bow number 4305 ang namatang lumalapit sa coastline ng Zambales.
00:31Ang barko ng China Coast Guard, kabilang sa grupo ng apat na CCG vessels na nagbabantay sa Bajo de Masinloc sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:39Agad nagpadala ang Philippine Coast Guard ng barko para tingnan kung ano ang ginagawa ng mga barko ng China.
00:45At around 1200 today, it was 51 nautical miles west of Butolan.
00:51Tuloy-tuloy pa na kanyang biyahe northward.
00:53Northern Luzon Naval Command attempted to send an aircraft to challenge the ship but because of the adverse weather, hindi naka-take off your aircraft.
01:03Pero pagbabantay lang ba talaga ang ginagawa ng China sa bahura o may iba pang balak?
01:08Sa Maritime Domain Awareness Flight ng PCG nitong mga nakaraang linggo, nakitang may mga boyan na inilagay ang China sa loob at labas ng Bajo de Masinloc.
01:16Napansin ito ilang buwan matapos ideklara ng China na isang nature reserve ang buong bahura.
01:23Ayong gandating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, maaaring inuulit lang ng China ang ginawa nito noong dekada 90 sa Fiery Cross, Subi at Mischief Reef na ngayon ay malalaking military bases na sa karagatan.
01:36Remember in 1987, China erected a radar weather station on Fiery Cross Reef.
01:45Pero nagkaroon ng foothold, China was able to man-hit na.
01:50And then later on, it became an area naval base.
01:54Ganyan din ang yari sa Mischief Reef.
01:56Sabi ng China, we are just putting up a fisherman shelter.
02:00But now, that has been converted into the biggest area naval base of China in the South China Sea.
02:08So, the same playbook is being used on Scarborough Shoal.
02:13China is saying, we are putting up a nature reserve.
02:16Dagdag pa ni Carpio, kailangan dagdagan ang missiles ng bansa para tapatan ang dami ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc.
02:23Let's have more Brahmos missiles.
02:26They cannot be destroyed because they are mobile.
02:29They can hide behind mountains.
02:32But there is Scarborough Shoal, it's fixed.
02:35You just input the coordinates, the vessel will go there.
02:38Sakaling ituloy daw ng China ang pagtayo ng anumang estruktura sa Bajo de Masinloc,
02:43may kaakibat na plano raw ang AFP para pigilan ito.
02:46Dati nang sinabi ng AFP na isa sa mga red lines o pangyayaring posibleng magtulak sa militar ng direktang pagkilos labad sa China
02:54ay kung may itatayong estruktura sa Bajo de Masinloc.
02:58Para sa GMA Integrated News,
03:00Chino Gasto Nakatutok 24 Horas.
Comments