Skip to playerSkip to main content
May namataang barko ng China Coast Guard sa labas ng Manila Bay, ayon sa maritime analyst na si Ray Powell. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na may namataang barko ng China sa coastal waters ng bansa, pero sa bahagi umano ng Zambales at naitaboy rin kalaunan ng PCG.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May namataang barko ng China Coast Guard sa labas ng Manila Bay ayon sa Maritime Analyst na si Ray Powell.
00:05Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na may namataan niyang barko ng China sa coastal waters ng bansa pero sa bahagi umano ng Zambales at naitaboy rin kalauna na PCG.
00:15Nakatutok si JP Soriano.
00:17Sa post ng US Defense at Maritime Analyst na si Ray Powell, sinabi nitong namataan sa labas ng Manila Bay ang isang barko ng China, ang Coast Guard 3306.
00:31Ayon kay Powell, hinihintay daw nito ang paglabas ng BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard na siyang naatasang magpatrolya sa Bajo de Masinlok o Scarborough Shoal.
00:42Komento pa ni Powell, tila determinado daw ang China na harangin at sabayan ang anumang barko ng Pilipinas na maglalayag sa direksyon ng bahura.
00:51Tinanong namin ng mga manging isdang pumapalaot sa Manila Bay at kalapit na probinsya gaya ng Cavite pero wala pa naman daw silang namamataan.
01:00Gayunpaman kung totoo raw na umabot na malapit sa Manila Bay ang sasakyan ng China.
01:06Nakapagtalan din.
01:07Bakit?
01:08Siyempre ano yun?
01:09Medyo malapit na sila sa Pilipinas.
01:11So nakakailang lang din.
01:14Ang Philippine Coast Guard sinabing lumapit nga ang China Coast Guard Vessel sa coastal waters ng Pilipinas pero sa bandang sambalis daw ito na mataan.
01:24Nataboy din daw ito ng BRP Cape San Agustin.
01:27Pero malayo man sa Manila Bay ang CCG Vessel 3306.
01:31Hindi raw kailanman papayag ang PCG na gawing normal na ng China ang paglapit sa coastal areas ng Pilipinas.
01:38These are just the usual illegal deployment of the Chinese Coast Guard to normalize their presence along our coastal provinces and the Philippine Coast Guard will never allow such normalization of illegal patrol.
01:53Pero ayon sa PCG, hindi maituturing na malayang pagdaan lang sa mga karagatan ang ginagawang paglapit ng China Coast Guard sa coastal waters ng Pilipinas.
02:03Dahil kapag nilaradyohan nila, pinaninindigan daw nitong nagsasagawa sila ng maritime patrol operations sa kanilang teritoryo.
02:11With that statement, it means that it is not an exercise of freedom of navigation.
02:17Ang pinakabagong kaso ng paglapit ng China Coast Guard sa Sambales nangyari ilang araw matapos magbanggaan ang dalawang barko ng China habang hinahabol ang BRP Suluan ng PCG.
02:29Sa pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro, sinabi niyang walang responsibilidad ang Pilipinas sa banggaang ito sa Baho di Masinlok.
02:38Nangyari daw ito, hindi dahil sa aksyon ng Pilipinas.
02:42Inulit din ang Pilipinas ang paniningil sa China ng hindi pa nababayarang danyo sa mga barko at kagamitan ng Pilipinas noong June 2024
02:51at ang pagbabalik ng mga arms equipment na sinamsam ng China noon.
02:55Patuloy naming hinihingi ang reaksyon ng Chinese Embassy sa Pilipinas.
03:00Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
03:08Inakosahan ng China ang Philippine Coast Guard ng Dangerous Maneuvers o Delikadong Pagkilos
03:12bilang tugon sa banggaan ng dalawang nilang barko sa Baho di Masinlok nitong Lunes.
03:18Ayon po sa ulat ng Reuters, sinabi ng Chinese Ministry Spokesperson na inilagay ng mga barko ng Pilipinas sa panganibang kanilang barko at mga tauhan.
03:25Dagdag pa nila, dapat tigilan daw ng Pilipinas ang mapanghimasok at mapanghamong aksyon.
03:31Pero sabi ng Department of Foreign Affairs, hindi Pilipinas ang dahilan kung bakit nagbanggaan ang mga barko ng China.
03:37Kung matatandaan, inahabol ang mga barko ng China ang barko ng Pilipinas noon.
03:42Umarangkada ang barko ng China Navy malapit sa barko ng Philippine Coast Guard nang bumanga ito sa barko ng China Coast Guard.
03:49Umarangkada ang mga barko ng China
Comments

Recommended