00:00Binuntutan ng isang Chinese aircraft ang aeroplano ng Philippine Coast Guard
00:04na nag-iimbestiga sa mga strukturang namataan sa Bajo de Masinloc.
00:09Nakatanggap din ang aeroplano ng Pilipinas ng radio challenge mula sa isang barko ng China.
00:16Nakatutok si Chino Gaston.
00:20Higit 20 minutong bumuntot sa Cessna Caravan Patrol Aircraft ng Philippine Coast Guard
00:26ang J-16 fighter jet na ito ng China sa ginawang maritime domain awareness flight
00:31sa Bajo de Masinloc kanina sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:35Ilang beses itong patawid-dawid sa taas at likuran ng aeroplano pero wala namang ginawang panggigipit.
00:43Ilang beses ding nakaranas ng radio challenge ang PCG aircraft mula sa Chinese Warship 552.
00:48Sumabay po ang GMA News sa Maritime Domain Awareness Flight ng Philippine Coast Guard
00:56papuntang Bajo de Masinloc kung saan bago pa makarating ng bahura
01:00ay sinalubong na tayo itong fighter jet ng China at maging ng isang military helicopter.
01:06Gay pa man, tagumpay pa rin nakarating ang patrol aircraft ng Philippine Coast Guard
01:10doon sa ming mismong bahura para makita at ibistigaan itong mga nakitang misteryosong istruktura
01:17sa tuktok mismo ng bahura.
01:20Muling inikutan ng PCG ang namatang istruktura na nakalagay sa hilaga ng Bucana papasok ng lagun.
01:26Bukod sa fighter jet, nakita ding bumubuntot sa aeroplano ng PCG ang isang helicopter ng China.
01:33Hanggang ngayon, hindi masabi ng PCG kung ano ang nakikitang istruktura
01:38pero may hinala sila kung ano ito.
01:41Upon checking from the historical imagery of the satellites before,
01:47it confirmed na itong debris na ito has been there early as 2023.
01:54It's very hard to tell kung sino ang naglagay na itong mga debris na ito.
02:01But one thing is certain, at least we can now confirm
02:04that all of these structures na nakita natin kahapon is not something new.
02:09Wala na rin ang inilatag na floating barrier na nilagay ng mga Chinese
02:13pero may nakitang mga boya sa loob at labas ng bahura.
02:17Bagamat walang nakitang China Coast Guard sa loob ng lagun,
02:19nakita naman ang walong China Coast Guard vessel,
02:23mga Chinese fishing militia at dalawang Chinese warship sa palibot ng Baho de Masinlo.
02:27Sino subukan pa namin kuhanan ng pahayag ang China para sa GMA Integrated News?
02:33Sino gasto na katutok? 24 oras.
Comments