Skip to playerSkip to main content
  • 7 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 27, 2025


- Malacañang, tinawag na "political destabilzation" ang pahayag ni VP Duterte na handa siyang humalili kay PBBM


- Comelec: Walang nilabag si Sen. Chiz Escudero kaugnay sa pagtanggap ng P30M campaign donations ni Lawrence Lubiano noong Eleksyon 2022 | Comelec: Lubiano, walang record na kontratista ng gobyerno | Comelec, walang nakitang sumobra ang gastos ni Sen. Escudero noong Eleksyon 2022 | Sen. Escudero, may hinaharap na ibang reklamo sa Comelec na inihain ng ilang grupo at indibidwal | Sen. Rodante Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Comelec kaugnay sa kaniyang campaigin contributions noong Eleksyon 2025 na hindi niya idineklara sa SOCE


- 8 dati at kasalukuyang kongresista, pinakakasuhan ng ICI at DPWH sa Ombudsman dahil sa kanilang koneksiyon sa gov't. contractors | ICI: P92.28B halaga ng kontrata mula 2016 hanggang 2024 ang nakuha ng mga kompanyang konektado sa 8 kongresista | Rep. Joseph Lara at Rep. Jojo Ang, handa raw patunayang wala silang nilabag na batas | Ombudsman Remulla: 12 hanggang 15 pang kongresistang konektado sa gov't. contractors ang iniimbestigahan | AMLC: 2 helicopter at 1 eroplanong P3.9B ang halaga, kabilang sa mga pina-freeze kaugnay sa imbestigasyon sa flood control issue | Foreign travel restriction vs. 77 iniimbestigahan sa budget insertions at flood control issue, hiniling ng Ombudsman sa BI | Ombudsman Remulla: 10% ng Kamara ang apektado sa flood control investigation; kakausapin si House Speaker Dy kaugnay nito


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00It is not acceptable for a Vice President to anticipate the resignation of the President.
00:30President na pinagsisigawan nilang bumaba sa pwesto.
00:36This is definitely a form of political destabilization.
00:41Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pinaihinan ng pahayag ng PC ang kumpiyansa ng taong bayan sa pamahalaan.
00:49Biligandiin naman ang palasyo na fit to lead si Pangulong Bongbong Marcos.
00:53Hinihinga ng paliwanag ng Commission on Elections si Sen. Rodante Marcoleta kung bakit wala siyang indineklarang campaign contributors sa kanyang statements of contributions and expenditures o sose.
01:09Si Sen. Chiza Scudero indineklara ng Comelec na walang nilabag sa batas kaugnay sa campaign contribution mula sa isang kaibigang contractor.
01:16May unang balita si Nico Wahe.
01:18Matapos ang imbestigasyon sa sose o statements of contributions and expenditures noong election 2022,
01:28dineklarang ng Comelec, walang nilabag sa batas si Sen. Chiza Scudero at ng kaibigan niyang contractor na si Lawrence Lubiano.
01:36Si Lubiano ay ang presidente ng Center Waste Construction and Development Incorporated,
01:40isa sa top 15 ng contractors na pinangalanan ni Pangulong Marcos na nakakuha ng karamihan sa mga flood control projects sa bansa.
01:47Sa sose na isinumitin ni Scudero sa Comelec, diniklara niya ang 30 million pesos na kontribusyon ni Lubiano sa kanyang kampanya.
01:54Ang depensa ni Lubiano, personal na pera niya ang ibinigay sa kampanya ni Scudero.
02:00Sa resolusyon ng Comelec Political Finance and Affairs Department o PFAD,
02:04sinabi nitong kahit pa presidente ng Center Waste si Lubiano, hindi siya ang Center Waste.
02:08Base na rin daw sa mga nilabas na desisyon ng Korte Suprema noon,
02:12ang isang korporasyon ay may iba o hiwalay na pagkatao sa mga opisyal o stockholder nito.
02:19Wala rin daw naging ebedensya na nagamit si Lubiano ng Center Waste para mandaya o dayain ng gobyerno.
02:24Iba yung entity na korporasyon, iba yung entity na tao.
02:30Kung baga kahit ako nagtatrabaho sa Comelec, may sarili akong pera.
02:35Yung Comelec may sarili siyang ano.
02:38Unless ginamit po ng, it will work this way,
02:42kung ginamit ng Center Waste si Mr. Lubiano para makapag-donate.
02:47So basically, if it's a board, wala naman naghanap sila ng ebedensya noon.
02:54Like a board resolution, allocating 30 million pesos to donate to ganito.
03:00Wala po.
03:01Wala eh.
03:03Sabi pa ng Comelec, si Lubiano raw bilang tao ay walang record na kontraktor ng gobyerno.
03:08Ang nag-contribute po as declared by Senator Escudero ay Mr. Lubiano.
03:15So si Mr. Lubiano po, doon na rin sa certification ng DPWH ay hindi kontraktor ng gobyerno on his own.
03:26Wala rin daw ebedensya na ang kinontribute ni Lubiano ay galing sa Center Waste.
03:30Sabi ng Comelec, wala rin daw silang nakitang sumobra ang gastos ni Escudero noong 2022 elections.
03:36Nag-inhibit si Comelec Chairman Erwin Garcia sa investigasyong ito dahil minsan siyang naging election lawyer ni Escudero.
03:42Sa kabila ng pag-clear ng PFAD, may nakabinbin pang kaso kay Escudero na isinampan ang mga grupo ng abogado at ilang individual nito lang buwan.
03:50Iba pa raw ang investigasyon na ito base sa magiging ebedensya.
03:54Ayon naman kay Escudero, pinagtibay ng desisyon ng Comelec ang matagal na raw nilang ginagawa
03:58na mahalagang transparency, honesty at pagsunod sa alituntunin.
04:03Mananayag daw ang katotohanan kapag tama ang proseso.
04:06Naglabas naman ng show cost order ang Comelec kay Sen. Rodante Marcoleta.
04:11Kaug na ito ng pagdideklara niya sa kanyang sose na zero ang kanyang natanggap na campaign contributions,
04:16samantalang mahigit 112 million pesos ang kanyang expenditures.
04:21Sinabi noon ni Marcoleta sa isang panayam na ito'y dahil humiling ng privacy ang kanyang mga campaign donors.
04:26Kinukumpara rin ng Comelec ang mga nagasos ni Marcoleta noong eleksyon sa kanyang sali nitong Hunyo na nasa halos 52 million pesos.
04:33Nag-sabi na si Comelec Chairman Garcia na mag-i-inhibit siya sa deliberasyon kay Marcoleta
04:38dahil nagkaroon daw sila ng professional relationship noon ng senador.
04:42Ito ang unang balita ni Kuahe para sa GMA Integrated News.
04:47May isampung porsyento ng Kamara ang maapektuhan sa embisigasyon ng flood control issue
04:52at insertion sa 2025 budget ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
04:58Kabilang sa kanila ang walong dati at kasalukuyang tinawag na contractor
05:02na pinakakasunan ng DPWH at ICI.
05:06May unang balita si Joseph Morong.
05:11Dalawang putisang kahon na naglalaman ng mga kontratang isinumiti ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
05:17at DPWH sa Ombudsman.
05:20Sa joint referral ng ICI at DPWH,
05:23hinihinging sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang walong kongresista,
05:27sinadating akobi called Partylist Rep. Saldi Co.,
05:31Construction Worker Solidarity Partylist Rep. Edwin Gargiola,
05:35Uswag Ilonggo Partylist Rep. James Ang,
05:37Pusong Pinoy Partylist Rep. Jet Nisay,
05:40Bulacan 2nd District Rep. Agustina Pancho,
05:43Cagayan 3rd District Rep. Josef Lara,
05:46Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco Matugas,
05:50at Arlac 3rd District Rep. Noel Rivera.
05:52Dapat, mahinto na itong kultura,
06:21nagpapa-kontrata sa Kongreso.
06:25Plunder, graft, direct bribery,
06:27paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards,
06:30para sa mga opisyal ng gobyerno,
06:31at Government Procurement Act ang inirekomendang isang palaban sa walo.
06:35Kasama rin ang paglabag sa saligang batas na nagsasabing wala dapat direkta
06:40o indirect ang interes pampinansyal,
06:42ang mga senador at kongresista sa mga kontrata sa gobyerno.
06:45Sa investigasyon na ginawa ng ICI at DPWH,
06:491,300 na mga proyekto yan ang nakuha ng mga pinakasuhang kongresista
06:54sa loob ng walong taon mula 2016 hanggang 2024.
06:58Abot sa lampas P90 billion ang halaga ng proyektong nakuha
07:03ng mga kumpanyang konektado sa walong kongresista.
07:07When we look at the records, when we look at the contracts,
07:12be assured we are fair and we will never manufacture any evidence
07:17or have come to a wrong conclusion.
07:20Ang kampo ni Congressman Lara binigyan diin ang inendorsa ng ICI
07:24hindi patungko sa anomalya sa flood control projects,
07:27kundi kaugnay sa dati-aniyang kaugnayan ni Lara sa JLL Pulsar Construction.
07:32Magsisilbi raw itong pagkakataon para patunayan sa tamang forum
07:35na wala siyang nilabag na batas.
07:38Dagdag ni Lara, bago siya sumabak sa servisyo publiko
07:41ay wala na siyang kaugnayan sa JLL Pulsar Construction.
07:44Hindi rin kailanman sumali ang kumpanya sa mga kontrata
07:47ng mga proyekto sa kanilang distrito,
07:49wala nang maluklok sa sa pwesto.
07:52Ayon naman kay Congressman Ang,
07:53malinis ang konsensya niya at kumpiyansang malilinis
07:55ang kanyang pangalan.
07:57Ano yan, niminsan ay di niya ginamit ang kanyang posisyon
08:00para sa pansariling interes.
08:01Handa raw siyang harapin ng kaso.
08:03Tumanggi naman magkomento ang staff ni Congressman Rivera.
08:07Sinisikap naming makuha ang panig
08:08ng iba pang inirekomendang kasuhan.
08:11Walong incumbent at dalawang dating kongresista na
08:13ang nirekomendang kasuhan ng ICI at DPWH sa ombudsman.
08:18Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
08:20labindalawa hanggang labinlimang kongresista pa
08:23ang iniimbestigahan.
08:25Ayon sa Anti-Money Laundering Council,
08:27nakakuha sila ng dalawang freeze order
08:29laban sa mga ari-arian ng isang incumbent na mataas na opisyal
08:32mula sa isang independent constitutional body
08:35at isang dating halal na opisyal.
08:38Kabilang sasaklaw ng mga freeze order
08:40ang dalawang helicopter at isang eroplano
08:42na nagkakahalaga ng 3.9 billion pesos.
08:46Ang ombudsman humiling sa Bureau of Immigration
08:48ng Foreign Travel Restriction Order
08:50laban sa 77 individual
08:52na iniimbestigahan kaugnay sa budget insertions
08:55at kickback mula sa ilang flood control project.
09:13Tumanggi na si Rimulia na pangalanan
09:15ang mga hiningan niya ng FTRO.
09:17May senador po bang kasama?
09:21Meron.
09:22Ilan po?
09:24Wag natin pag-usapan.
09:25Kasi ito naman magkakahiyaan lang.
09:27Basta hindi sila makakalabas.
09:30We're asking immigration to stop them.
09:33Sir Kongresista?
09:35Meron.
09:35Sir Contractor?
09:38Meron.
09:40Hindi ko alam kung kasama.
09:41Kasama siguro.
09:43Hindi ko pa tinitingnan yung listahan.
09:44Sa susunod na linggo kakausapin
09:47ni Rimulia si House Speaker Bo GD
09:48kaugnay sa mga iniimbestigang Kongresista
09:51at posibleng epekto nito sa Kamara.
09:54More than 10% of Congress will be affected
09:56at the very least.
09:58Dadami pa yan.
09:59It will still branch out.
10:01Ito ang unang balita,
10:02Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
10:05Mga kapuso, tumutok lang po
10:06sa mga ulat ng unang balita
10:08para laging una ka.
10:10Mag-subscribe na sa GMA Integrated News
10:12sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended